Kita Kita Movie Review (Spoiler Alert, Bahala Kayo)

 

I know I said I won’t watch it but I did. Napilitan, ok. I kinda knew what’s gonna happen already – may nabasa ako’ng Kita Kita Spoiler at napaka-accurate nya. Wait, ako lang ba ang nag-eenjoy sa spoiler? Anyway, I won’t encourage you to read this post if you haven’t watched the film yet. Pero kung gusto nyo masirsa araw nyo, sit down and join me as a I dissect the movie one by one. FYI, walang kwenta ‘tong review na ‘to.

Do I like it? Yes-No, for many reasons.

Do I like the ending? No!!! Nakakabanas! Bakit kelangan mamatay ng bida! Hindi ako sanay! Lumaki ako sa kultura na dapat ang bida, laging masaya. Bakit kasi walang kontrabida para sya na lang ang mamatay!?

Worth it ba’ng panoorin sa sine? Yes! Maganda ang cinematography. Panoorin nyo! It’s now, it’s never! Nothing beats the cinema experience no matter how big your TV is.

Uulitin ko ba’ng panoorin? Yes! Kung libre. Yun last part, it’s something I would watch again and again and again on youtube.

Sa’ng part ako naiyak? Nun kinanta ni KZ Tandingan yun 2 Less Lonely sabay flashback. Nakakadala. Ugh. Actually, naiyak yun isang mata ko.  Ewan kung bakit 50% lang ang niluha ko.

Sa’ng part ako natuwa? Kay Empoy! Personality beats looks everytime.

I love love love this part!

Favorite scene? Yun part na yan. Very poignant. Tsaka yun kiss!

Moral of the story? Akala ko sa Commnwealth ka lang wag tatawid, nakakamatay! Sa Japan din pala.

Saan ako naguluhan? Hindi ko alam kung bakit “baby dragonfly” ang tawag ni Empoy kay Alex. Walang backstory.

Ano’ng part yun hindi ko na-appreciate? Nun halos sirain ni Empoy yun buhay nya kasi nag-break sila nun ex-gf nya. Seriously? Who would do that?

Saan ako na-curious? Si Alex, tour guide. Curious ako, ano’ng trabaho ni Empoy sa Japan? May dala kasi syang laptop bag.

Kung ako ang Director and Scriptwriter, ano’ng ending? Makukulong si Nobu! Yun girl, mababaldado. Gusto ko buhayin si Empoy, and they will live happily ever after. Ganon! Pero! Baka pumayag din ako na mamatay sya, sa ibang paraan. Ang bobo kasi nun pagkamatay. Kung ako si Alex, forever guilty ako.

Paano kung sa heart failure namatay si Empoy? Ano’ng mas masakit, yun mamatayan ng mahal sa buhay dahil sa aksidente o sa sakit? Yun aksidente, it could have been avoided. Pero kung chronic disease/genetic disease, ano’ng laban mo? Paano nga pala sya nagka work permit, is he fit to work?

Recipe for the success of this movie – awesome film location + familiar soundtrack + funny and relatable characters. All in all, maganda yun movie. Cliche but fresh. Simple but complicated. Ordinary but distinctive. Prepare to be LSSed. Hanggang ngayon pinapatugtog ko pa din yun cover ni KZ sa Wish FM. Ayokoooo na!

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

1 Comment

  1. Mas nadalian tayong intindihin yung biglaang pagiging cold ni Lea dahil alam natin ang backstory nya; samantalang yung kay Empoy hindi. Pero kung tama ang pagkakarinig ko, nabanggit nya na may abortion na involved habang pinupunit nya yung picture ng ex nya. “Kahit fetus cell palang yun.” Pero seriously, mahirap talagang husgahan ang mga desisyon ng bawat isa lalo kung hindi natin naiintidihan yung pinagdaanan nya, at maraming gumagawa non. Halimbawa nalang yung suicide ni Robin Williams at Chester Bennington. Buti nga si Tonyo sinira lang nya ang buhay nya pero hindi tinapos.

    Mabuhay tayong lahat and may the force be with us!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *