Commuters MUST Read This Story (True Story)

I received this very alarming email from one of my officemates last week. Read read read and be warned. Nakakatakot!

” Hindi ako makapaniwalang may mga tao talagang handang pumatay para lang makuha yung mga materyal na bagay na gusto nila o siguro dala na ng desperasyon kung paano makakatawid ng gutom. Kwinento sakin β€˜to nung kaibigan ko kanina: Papunta sila ng kaibigan niya sa CEU kahapon para sunduin yung isa pa nilang kaibigan. Sumakay sila ng jeep sa may bandang Ortigas. Pagsakay nila, konti lang yung mga pasaherong nakasakay. Mag- jowang magkayakap, isang matandang babae, sila, tapos yung driver. Sa may bandang likod sila nakaupo. Yung mag-jowa yung nasa may bandang unahan ng jeep. Nakasandal si ate kay kuya na parang natutulog tapos si kuya nakayakap kay ate. Yung matandang babae naman nasa may bandang gitna. Inaabot na nung kaibigan ko yung bayad niya dun sa lalaki pero hindi siya pinapansin kaya yung matandang babae na lang yung nagabot ng bayad. Yung matandang babae din yung nagabot ng sukli sa kanila. Napansin na din nila nung mga oras na yun na ang sama ng tingin ng driver sa kanila. So medyo nagtataka na din sila. Mayamaya, biglang sinabi sa kanila nung matandang babae na bumaba na sila. So lalo silang naguluhan kung saan mas matatakot. Sa manong driver na masama yung tingin o sa aleng bigla na lang nagyayayang bumaba ng jeep. Hindi na din sila nagisip tapos bumaba na sila ng jeep. Pagkababa nila ng jeep, sinabi sa kanila nung matandang babae kung bakit. Buti na lang daw hindi sila nagtanong kung bakit. Sabi nung matandang babae patay na daw yung babaeng nasa jeep. Hindi daw mag-jowa yung dalawa. Kaya nakasandal si ate kay kuya tsaka nakayakap si kuya kay ate kasi may nakasaksak kay ate na ice pick. Kaya hindi din inaabot ni kuya yung bayad. Napansin din daw ni ale na medyo nangingitim na yung bandang leeg ni ate. Kaya din daw siguro masama yung tingin ni manong driver sa kanila kasi baka binabalaan na din silang bumaba. Nakakatakot lang kung iisipin mong isa ka sa mga nakasakay sa jeep na yun. Sobrang nakakatakot. Sa panahon ngayon, hindi ka na talaga makakasigurado kung sino yung mapagkakatiwalaan mo tsaka kung hanggang kelan na lang yung buhay mo. Nakakatakot na, lalo na kapag gabi. Kaya paalala lang sa mga madalas bumyahe sa gabi, mag-ingat. Hangga ’t maaari, maghanap ng kasama. Tsaka wag kalimutang magdasal. Hindi mo man akalain pero malaki ang impact niyan. Ingat! -A student from AB Pol Sci. (UST) Got this from a friend, Carlo. Shinare ko lang rin. :|”

by: aldrianalquero

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

About malensky

I am fine. Thank you!
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

5 Responses to Commuters MUST Read This Story (True Story)

  1. Dennis says:

    Grabe naman! Totoo ba yan? Nakakatakot.

  2. Aldrian says:

    hmm…I was the one noted sa dulo ng article, but I do not want to take the credits with this news. Nabasa ko lang rin ito sa wall ng isang fb friend ko…then naishare ko lang din hehe… Thanks πŸ™‚

  3. ela says:

    grabe nmn un…palage pa nmn aqng gabing umuuwi katakot nmn un…
    natakot nmn aq..

  4. Ellen says:

    this is a part of a really of our daily life, hindi b nga sabi nila hindi mo mararamdaman na ligtas kana sa isang lugar hanggat wla ka pa sa bahay nyo.kaso things happen nmn na sa house nangyayari,so must make sure and be more aware nlang sa ating paligid.lets keep praying that all of us will be safe.thanks sa paalala

  5. tris says:

    Di yan totoo, nabalita ba yan o nalagay sa mga news sa internet man o sa dyaryo. Nagkecreate lang ng panic yan eh. At isa pa alam nyo, kahit ano pang gawin nyo, kung oras nyo na wala na kayo magagawa, kahit todo ingat pa kayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *