Fitness First Gym is Freaking Greedy They Should Change Their Name to Money First

This happened last July 2009. hinde lang na published so here it is…basahin nyo naman para lahat tayo mabwisit sa Fitness First esp. Libis branch. Spread the hate! Mwaah hahahah

********

I went to FF Libis last week to finally close my account after almost 2 years. The girl in the counter asked me to wait daw in the lobby, may lumapit na isang staff named Charlie, sa loob loob ko, ano ‘to exit interview? It turned out na exit interview nga. Ano daw ang reason kung bakit ko ico-close etc. So I explained the reason – WALANG GAMOT SA TAMAD lols

I asked him if I can transfer my account to Mitchie, syempre hindi sila pumayag kase Mitchi is paying 2650/month while I was paying 1800/month. He gave me the option to transfer my account to a co-worker kasi corporate account daw yun sa ‘kin. Same price, but with 2K transferring fee. Ok fine.

So yesterday, I dragged Aila along so we could make the transfer.

The annoying manager na super OA sa customer service ek ek named Maki talked to me for minutes, ang haba ng patutsada only to tell me na NON-TRANSFERRABLE daw ang account ko.

I told the manager na sinabi ni Charlie pwede kong i-transfer. Hanapin ko lang daw sya. Explain naman ang bruha na hinde nga daw pwede yun. Ok fine, kung hinde then just close it. Then this OA manager offered to lower down my monthly fee, gagawin 1200+ na lang daw, basta hinde ko i-cancel. No way! I made up my mind. If I can’t transfer it, I’ll have to cancel na lang. Ang sabi ng impaktang OA na manager, wait lang daw at aayusin lang daw nya yung papers. Kinuha yung SSS ID ko. Nakakahiya kay Aila, nasayang ang effort nya.

After few mins, this OA manager named Maki returned with another OA staff named Bheurnhard. O yeah, yan ang sfelling ng name ng bruhaa. Kairita. Mega offer kay Aila na mag avail na lang nun promo na 2100 monthly fee, with no membership fee pero may admission fee na 2k. Ano kayang difference ng admission sa membership fee? Yun na lang daw ang kunin, tutal 300 lang ang difference.

While we were waiting for that OA Manager to come back, itong Bheurnard na ‘to, walang tigil sa kaka-sales talk. End result, Aila did not enroll at all. After 30 mins. of waiting wala pa din yun OA Manager Maki. So chika chika with Bheurnhard, I verified from kung hinde na mag cha-charge sa credit card ko for this month. Oo daw. Hinde na daw mag cha-charge dahil nag cha-charge daw ag mga bank ng 12MN, every katapusan. Eh June 29 ako nagpunta.

I waited for few more mins. Yun few minutes naging 1 hour. Lumapit ako sa impaktang Bheurnhard to follow up, wait lang daw. Balik ako sa lobby para maghintay.

Lumapit si Charlie, may dalang ledger or whatever, ang bungad sa kin eh one month pa daw bago maginag effective yun cancellation.

Napasigaw ako ng…..Anakanangtokwaaaa oo!!! Sabay sampal kay Charlie…charing!

“So baket nyo ko pinag hintay ng 1 hour?” I’m so sorry, nagtaray ang lowla nyo.

“Hinde ko po alam ma’am, hinde po ako ang kausap nyo” sabi ni Charlie

“Eh ikaw kaya ang nagsabi sa kin na pwede ko i-transfer yun account kaya bumalik ako kasama nun officemate ko ngayon”

“Ma’am kelan ko po sinabi?” sabi ni Charlie.

Grrrr. Gagawin mo pa akong sinungaling. Hellowww?

“Kung sinabi mo last week na hinde pala pwedeng i-transfer edi sana di na ko bumalik”

“Ang sabi ng impaktang Bernard na yan, pag kinancel ko ngayon, ma cacancel sya today mismo! As in now na!! At kaya nga ako naghintay ng more than 1 hour eh kase kino-close na ng manager nyo yun account ko”

Ma’am, sino po ang nagsabi?

Si Bheurnhard at ang OA nyong manager na naka-pink!!!!!

Tinawag ni Charlie si Bernard, kunyari pinapagalitan, “baket sinabi mo kay Ma’am na macacancel ngayon?”

“Alin po?” sabi ng bruhang si Bheurnhard

“Yun account nya?”

“Ay ma’am di ba sabi ko sayo, I think sow…

!!@#$%^&*(!!! Gagawa ka pa ng kwento maldita ka!!! Itanong mo nga kay Aila kung may sinabi kang I Think Sow. Ang sabi mo kanina, NOW ma ca-cancel, hinde after 1 month!!!

The thing is…kung non-transferrable at 1 month bago ma-cancel, fine! Kung ganun ang sistema, hinde ako mag de-demand!!! You should have told me that earlier, hinde yun pinaghi-hintay nyo yun mya kliyente nyo ng 1 oras, at pina-ikot-ikot nyo pa ako.

At ang walanghiyang Charlie, pinapirma lang ako dun sa book na hawak nya, wala pang 1 min. tapos yun transasction!

When I first signed up, ilang minuto lang na-swipe na ang credit card ko. Ngayon ipapa-close ko na, ang tagal akong pinag hintay ng mga bwiset na staff at manager ng Fitness First Libis. Kung mukhang pera ako mas mukhang pera kayooo!

When I looked for the impaktang manager, na supposedly mag co-close nga ng account ko, nasa meeting na daw ang bruhaaaa! Ewan siguro nagtago na dahil nag ala-Fajarditas ang lola nyo.

Nun aalis na ako, I asked for my SSS ID. Binalik na daw nila. Pinag didiinan ni Bernard na binalik na daw, eh wala nga sa bag ko, wala! wala! wala!!! Tinaktak ko lahat ng laman ng bag ko…wala ngaaaa!! Hinanap nila sa loob ng opis, after few minutes binalik sa kin yun ID ko. Pati ba naman SSS ID pag interesan nyong mga mukhang pera kayo!!!

Bago ako umalis, may inabot na papel si Charlie, pampalubag loob daw, referral slip, anakangtokwa talaga oo!!! Ano ba tooo ang insensitive. I will never ever eveeeerrrr refer Fitness First to anyone. Crappy customer service with staffs and manager na mga mukhang pera.

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

5 Comments

  1. anubayan! kaloka talaga ang customer service dito… heniways buti na lang di talaga ako napipilit kaladkarin jan sa mga lintek na gym na yan… oo walang gamot sa tamad at di ako pwede jan sa mga fitness chorva na yan lol

  2. ibagsak ang kompanyang yan!! gahaman.. lalong lalo na si bheurnhardo bheurnhardo!! kaya ako di na nag-gi-gym… sayang lang ang taba… at least huli akong mamamatay pag nag-ka famine…

    customer service keeps the customers coming back… kung ganyan sila… aba, ma-agang mag-ba-bankrupt yang mga yan…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *