The Sunog That Was

It was Saturday night, 2 lang kami sa bahay ng brother ko, around 10:30pm I guess, while I was prettily watching TV, I heard commotions from our next door neighbors, I knew right then that something was wrong…either may naghahabulan ng ice pick, nagkapikunan sa basketball court o may mga magku-kumpare na nagka-asaran over a case of san miguel beer.

Eh sanay na ko sa ganun, but what happened next was totally new to me.

“Ate! Ate! May sunoooog!” sambit ng younger brother ko.

So I walked out of the sofa, in my unglorious form, labas ako ng gate, and grabe to the max, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

“Hooomiiiigaaaaaad! Yung mga titulo ng luuupaaa, yung vault, yung mga alahassss ni mama!”, sabi ko sa sarili ko hahaha.

But it was scary as hell (never been to hell, btw). Wala kaming landline kaya nag suggest na lang ako sa mga kapitbahay, ang sabi ko:

“Tumawag kayo ng bumberoooo!!!”

Hahaha, ang galing ng suggestment ko noh, sinunod naman nila, kaso hinde namin alam kung ano ang phone number (kaya nga sana may rescue 911 noh) Ayun, tumawag sila sa….police station. And you know naman kung gaano ka-dependable ang sandatahang pulisya ng Pilapinas. Pwe.

After few mins, wala pa ding bumbero.

Eh lumalaki na ang sunog, halos nasa likod na namin. Doon na kami nag panic lahat. Kanya kanyang bitbit ng washing machine hahaha.

Eto yata ang tinatawag na adrenaline rush. Una kong niligpit yung VAULT ni mudra. Sosyal ang vault na yun, dun nakalagay lahat ng birth certificates namin, magaan lang sya, kulay pink, OROCAN ang tatak bwahahaha.

In times like these, wag kalimutan ang kumot at flangaaanaa. Sobrang useful, halos lahat ng damit mula sa 4 na aparador eh naibalot ko sa 4 na kumot hahaha. Isang planggana para sa lahat ng picture frames at lahat ng mga palamuti, isang planggana para sa pirated DVDs, at isa pang planggana para sa mga libro ni Ate.

Labas ako to see the improvement. Sa wakas may isa ng fire truck. Ang macho ng mga bumbero hahaha.

Naisip ko, siguro dapat ilabas na din yun Shellane. Yung rice cooker, blender at plantsaaa. Iniwan ko na ang kabayooo hahahah. Nakalimutan ko, yung CPU nga pala hinde basta-basta na u-unplug no, kelangan i-unscrew di ba, kaya pala hila ako ng hila ayaw matanggal hahahahha Binitbit ko tuloy ng sabay yung monitor at CPU hahaha.

Yung TV, DVD at yung washing machine!!! Iniwan ko na yun sofa, dining set, computer table, 4 na aparador tsaka yung papag hahaha. Hello, ang bigat kaya ng aparador, eh narra kaya yun. At hinde ko alam kung anong superpower ang sumapi sa kin at nabuhat ko ang ref!

Labas ulet to see what’s happening, shuckss talaga pag-kinain tong wires na ‘to, ewan ko na lang!!!

Salamat sa mga bakery boys ni madam (nanay ni mitchie) who helped us na ilikas yung ibang gamit dun sa garahe nila (nasa kabilang street).

Andaming tao, nakikiusi. Some were willing to help, pero mukhang yung isa eh kursunada yung rice dispenser hahaha.

Finally, dumating yung isa pang fire trauck, ang kaso, hinde naman makapasok sa loob ng compound kase may humps, andun lang tuloy sa gate.

Eto ang naging solusyon:

Around 2AM, controllable na ang sunog. Thank God at na-contain lang yung sunog within the factory. Wala naman nasaktan.

Ngayon, kanya-kanyang balik ng washing machine…kanya-kanyang hakot. Dyan sa bakanteng lote na yan tinambak namin yung ibang mga gamit, kasama nun gamit ng mga kapitbahay.

After that incident, nahilo ako sa dami ng liligpitin ko. Ang gulo-gulo sa bahay. Parang dinaanan ng bagyo. yung TV, muntik ng maging flat screen. Grabe ang hirap maging poverty!!! Yung kapitbahay naming mayaman, shucks talaga, nun mga oras na nagkakandaugaga kami, mga kotse at mga dalmatian ang isini-save nila. Nakakaiyak, samantalang ako, ultimo tabo kung maisasalba ko eh isasalba ko talaga LOL

Gusto kong idemanda whoever is responsible dun sa sunog na yun. I mean, ibang klaseng trauma and emotional stress. At nakakapagod noh.

Salamat sa mga nag text, pati dun sa nag text ng HU U? hahaha we’re ok na. Reynz called me that night, akala ko naman eh mangungumusta ang bruha, ang walangya, tumawag para manghingi ng phone number ng boylet nyaaaa. Anobaaaaa!

Sunday morning, pag gising ko, inumpisahan ang general cleaning. Buong araw ang ginugol namin para mag-ligpit, mag-tupi at mag-ayos.

Natapos kami ng alas 5 ng hapon.

Dun ko lang na realize na yung SHELLANE, asan yung Shellane???!!! Nawawalaaaaa yung shellane! At yung mouse ng pc…nawawalaaaaaaaaaa!

PS.

Please help Chuvaness buy a new Shellane and mouse! Donate to my paypal now na. Thanks, bye! LOL

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

23 Comments

  1. malen, i hope you’re okay. bilib pa rin ako sa’yo. bukod sa nabuhat mo yong ref, cpu at monitor – nakakuha ka pa ng photos!!! 🙂

  2. ateng…iwan ko ba.pasensya imbes na maawa ako natawa ako..aahaha.. :em47:

    bahala na ang shellane mawala..basta ang arenola save!

    slamat naman teng at safe kayu kahit papano….sos….indi ka na sana nakapag deposit sakin kung may nangyari..ahahhaa :em55:

  3. naku len, nanlambot ang tuhod ko nung na-receive ko ang text mo! i know the feeling! sobrang nakaka-trauma! buti naman balik ayos na ang lahat at ok kayo.

    at na-kodakan mo pa?! ahahaha asteg!

  4. nung nasa china ako, naisip ko narin minsan na kung sakaling magkakasunog sa kapit-bahay. ang ilalabas ko lang e yung laptop kong personal. yung laptop ng opisina bahala syang masunog. hahaha!

    sinapian ka ata ni super inggo kaya nabuhat mo yung ref nyo :em71:

  5. naku, scary experience pala ang weekend mo malen! good to know na di umabot sa inyo ang sunog at safe kayo. pero ang shellane at mouse, di na ba talaga nakita? hahaha!

    ang kyoray mo day, photo-supported ang sunog! parang walang sinyales na nagpanic ka… hehehe!

  6. gurl, IBA ka! Na experience ko na yan at naka relate ako. Naalala ko dati, TV lang nadala ko nun, elementary pa lang ako. Wala pa ko sa bahay namin, nakitulong lang ako sa tita ko. Pero ikaw, kinanya mo na lahat. Isa kang SUPER WOMAN! 🙂

    pero thank God di ba at hindi kayo inabot kahit na 48 years bago dumating ang help. hehehe!

  7. kahit 3feet lang taas ng ref at 23 x 23 eh mabigat na, tingin ko mas malaki pa yan ang lakas mo naman. mabuti nde natuloy kundi mas malaki problema.
    ang importante walang nangyari masama senyo.

  8. malen, in fairness kahit may sunog na, nagawa mo pang kumuha ng picture, parang walang nagyayari na sunog..no wonder kaya nawala ang shellane kc inabangan ka habang nag picture picture sabay dampot sa shellane :em62: :em47:

  9. totoo ba ung krispy kreme donuts na pinadala mo te malen? hehehehehe CONGRATS te malen, saka di mo na mention, Yung Kaldero niyo na may kanin napag disketahan din ata, gutom na gutom pa naman ang kapatid mong si kuya onoy after ng sunog :em41: NANANAWAGAN po kami sa may ari ng factory na un, kung sinadya niyo man un, pagsisihan niyo na un. kung hindi naman, sa mga factory everywhere dagdagan niyo naman ang safety measures niyo. bonggang bongga ang dinulot na stress ng sunog na yan. hindi ko malimutan ang pirated DVD’s na nakalagay sa balde at buhat buhat ng tita jobelle mo palayo sa ground zero!!!

  10. Ang galing, parang wala lang.. nakuha mo pang magshoot ng mga pictures.. well-documented ang sunog in fairness.. At may picture pa na nakatawa at naka pose ka.. galing talaga ng pinoy. Kahit may sunog, nakuha pa ring tumawa..

    At ang galing ng narration mo sa post mo dito. Natawa ako. 😀

    Salamat ok naman, hindi kumalat ang sunog.

  11. I have missed visiting your blog! Seriously, this is the best humour blog in the world 😀

    I’m glad that you were unharmed in the fire. Kaloka nga sa Pilipinas ano. Dapat by now meron na rin equivalent ng 911 or 999 (UK yan) in an emergency. Dito, ang fire alarm namin sa office eh wired to the Fire Station. Kaya ayun, within 5 minutes andun na ang mga gwapong firefighters 😀

    So how are you?

    Do visit A Pinay In England and catch up on my latest adventures.

    joy
    Norwich Daily Photo
    Your Love Coach
    I, Woman

  12. thank god you are okay na malen….i agree with all of them, in fairness ha, well documented ang sunog niyo gurl…dapat kang pangaralan sa inyo…bibihira ang may presence of mind kapag may sunog…at gurl – hanga ako sa iyo :em50:

  13. malen, tagal ko nang di nakakdaan dito :em47: kaya ngayon ko lang nabasa.

    can relate ako kasi nangyari din samin yun, pero sa likod mismo ng bahay namin yung nasusunog. grabe adrenaline rush no? natawa ako kasi nabuhat mo yung ref niyo! buti naman ok kayo at hindi kumalat. at kakabasa ko lang ng pinaka-recent post mo, nahanap na pala yung shellane. sayang, magdodonate sana ako :em47:

  14. Nkapagblog hop din sa wakas, salamat sa mahal na araw.

    Buti oks ka naman… Nangyari sa amin yan nun 80s nun maliit pa kami at baby pa yung sumunod sa akin.

    Nde mo talaga mapapansin na nabuhat mo pala yung ref. grabeh

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *