May Quota Daw Ang Pag Ibig

This is very very timely, esp. now that Valentine is near. Basahin nyo pramis, you’ll love it. Enjoy!

********

Mula sa librong “Para kay B” (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin) ni Ricky Lee

“May nagsabi na Relative ang pagiging masaya pero hindi ba excuse lang yan ng mga malulungkot..”

Ito ang teorya ng Writer:


Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya.
Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig na wala. O di iibig kailanman.

Ang iba’y iibig sa maling panahon, umibig na noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya ay nabuhay noon pang 1930s, isang rebelde laban sa mga amerikano, matagal nang namatay. Kaya she keeps falling in love sa mga lalaking mas matatanda hinahanap sa kanila ang di mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at ang kasalukyan.

May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never realize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabilang building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man siya ng boyfriend niya kung ano iyong lagi niyang tinitignan sa kabila ay di niya masasagot. At kailanman ay di niya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, di na niya malalaman kung sino nga iyong nasa kabila. *this explains why minsan parati akong nakatingin sa kawalan, hahaha, gora nga ketch sa kabilang building, ahahah, baka maabutan ko pa lol*

Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili. *well, sabi ng ng Boyzone lol, don’t stop looking for love”

Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman kaya ang makahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Meron relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang. *uy, Mitchie, statue? hahaha*

this is my fevorit –> Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ *pasok sa bangaaa!* Merong pag umibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira. Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Meron di makahakbang dahil sa pag-ibig at merong namang nakakalipad. Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. Merong pag umibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba *EX, statue?* Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa.

Ang iba’y iibig sa hayop, dahil noong unang panahon ay mga hayop sila *palagay ko, tama si Ricky Lee, kase ang ex ko eh umibig at pinagpalit ako sa isang HAYUP, hahaha* Ang iba’y iibig sa mga bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, nalilibugan sa mga kisame, pinagnanasaan ang sahig *hahahah* Patuloy silang mananakit sa mga babaing umiibig sa kanila dahil hindi nila kailanman malalaman ang puso nila ay gawa sa kahoy *ganyang-ganyan ang EX ko!!! AS IN*

Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya. *wow, you are soo lucky*

CONCLUSION:

Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala *flangaanaaa!!!* Kapag nagmahal ka’y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala.

********

Uulitin ko lang, the memory of that one great but broken love will still sustain you.

Tandaan nyo yan, kayong mga BITTER ha. Goodbye na sa bitterness, ok. Move on na tayo hahhaha. So to you EX, thank you for all the memories. And it’s good to see you on Facebook. May baby na pala kayo, I am happy for you, trulili yan…ang saya-saya ko kase…..hinde cute yung baby nyo hahahhaha.

 

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

34 Comments

    1. “Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman kaya ang makahiwalay”

      flangaaana di ba…sana toloy toloy na kayo ni bf noh sabi nga ni sherliez dot com, hinde normal yun every week eh nag b-break ahahhaha tingnan mo sya once lang nakipag break, eh long and lasting pa…peace sherliez mwah

  1. Very well written Malen! I like the fact that you speak right to the heart – tactlessness is just okay and you should be very frank about it! :em32:

    1. snow! hope to see you today

      if ex gets to read this, am sure…magagalit yun hahahah but what do i care…am i not entitled to my own opinion? haller blog ko kaya to hahhhaha yes I am bitter and I have all the right to be bitter!!!

  2. “Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag umibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira.”

    hahahaha oo nga noh!

  3. *palagay ko, tama si Ricky Lee, kase ang ex ko eh umibig at pinagpalit ako sa isang HAYUP, hahaha* => I SMELL BITTERNESS! :em32:

    Pero eto ang classic: *I am happy for you, trulili yan…ang saya-saya ko kase…..hinde cute yung baby nyo hahahhaha.*

    Happy puso day, chuva! :em70:

  4. “Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya’

    Anak ng huweteng.. may naniniwala pa ba rito?! DITSEEEEEEEEEE!! DIBA SABI KO, WALANG TRUE LOVE!!!

    Huwag mo ng pa-asahin ang mga readers mo… dahil mistulang kalokohan lang ang fag-eveg!!

    Pero dahil sa katigasan ng ulo ko, ako naman ang
    tinira ni kupido…. :em34:

  5. ‘ang saya-saya ko kase…..hinde cute yung baby nyo hahahhaha.’

    mwahahahaha, tunay ka dyan! may kilala ako tuwang tuwa kasi yung asawa nung dati nyang BF e mas maganda pa daw sya. o di ba, inayos ko lang ang aking words, ehem

    1. kairita ka ditse! ang haba ng hair mo…gusto kong gupitin hahaha

      seriously, yah know i heart you and am really happy for you…sana magkatotoo ang salitang FOREVER AND A DAY sayong buhay weeeee!

  6. hehehe… ang galing naman nun.
    at syempre, panalo sa side comment.
    siguro nangyari na rin sa akin yung nasa kabilang building lang. hehe…

    God bless and happy valentines day!

    1. feeling ko dun ako sa umibig nga maling panahon, hahaha…nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kin ay nabuhay noon pang 1930s, isang rebelde laban sa mga amerikano, matagal nang namatay. LOLsssss

      kaya pala fave subject ko ang History haha

  7. nyahaha! parang ito ang magandang excuse
    bakit di ako nag-asawa. salamat, ricky lee!
    hehe…

    pero grabe tawa ko sa sidecomments mo, malen.
    lalo na yung sa ending. di ako makagulapay.

    happy valentines day!

  8. May baby na pala kayo, I am happy for you, trulili yan…ang saya-saya ko kase…..hinde cute yung baby nyo hahahhaha.

    “it seems that you are not bitter anymore wink*” :em32:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *