Words of Wisdom from Bob Ong

Here’s a very insightful and funny post for everyone to enjoy.  Utang na loob, isapuso nyo!

1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.” AHHAHHAHA, ano ba kase yang hawak hawak na yan??

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”  Nakakapagod kaya ang magpanhik-panaog sa hagdan, hello?!

6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo…dapat lumandi ka din.” LOL, o sya sya, maglalandi na ngaaaa hahahah

7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.” Flangaaaanaaaa!!! hahahah

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.” Paging chuvachienes, pinapatamaan ka oh LOL

12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.” Anak ng tokwaaaa hahahahha maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.” Ouch!

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan” I totally agree.

18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!” Aray ko ha

19. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.” Hinde ko kaya huhuhu bwaahahahhahahha charing lang

20. “Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

21. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”

Enjoy =)

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

39 Comments

  1. 11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

    Hahahaha! Para kong ulol sa train habang binabasa ko ‘tong post na ‘to! Bruha ka. Pati ako nadamay dito. Pero in fairview!! Totoo lahat siya!!!!!!!!!!

    Nyetang fag-eveg yan?! Wiz na! Iniwan nako at sumama sa babae niyang punong puno ng cellulite! Ayaw niya talaga sa maganda!!! Hindi ako bitter!!!!!!!!!!!!!!!!!

    4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

  2. hahahahahahahahahahah I really love it! isesend ko ito sa mga frends ko hahahahahahaha Ito ang pinakamagandang words of wisdom. parang, wag kang tatanga tanga kung ayaw mong madapa hehehehehehe

  3. ahahaha. alam ko na ito at nabasa ko na. pero ewan ko ba, pagkabasa ko ulet sa post mo eh natatawa talaga ako.

    haay. i remember bobongpinoy.com ni bob ong. dati lagi ako dun e. di ko pala nache-check kung buhay pa yun. hehe.

  4. hahahaha aruy! pihadong may mga nagtatapon ng cell phone jan sa tatabi dahil natatamaan:em62:

    “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

    Ocean deep sya manay feel koh!hehe

  5. what the f*c**…ahahah…i2 akin mag bump lang ako matagal na ata tong crado…

    “life is a choice,they say its meant to be?how come it will be when you do nothing? “

  6. puso nga lang naman. . .
    walang karapatang tumanggi sa nakatakda kaya di dapat sisihin. . .
    the word “LOVE” is mysteriously confusing because of millions of definitions that we created.It is the sole reason why no matter how hard you try to keep things as it is, you can’t win over the mere fact that changes is constant. . .and that you can’t fight. . .”FATE”. . .

  7. “Huwag humawak sa iba kung may hawak ka na” Lol. Aus un ah parang pang ten commandments…, hindi ba pwedeng gnito: “mag pahawak ka na sa iba basta siguraduhin mo lng n bumaliak sa una mong hnawakan” aus un.. Hehe… ^_^

  8. — kapag binabasa ko yung mga words of wisdom, ang lagi ko lang nasasabi ..
    ” OO NGA >.< "
    — napapaka common sense lang nya pero ni minsan di sya pumasok sa isip ko <3
    worth it ang pagbabasa dito . :))

  9. grabe ! C0m0n sense nga tlga..Hrap abutin ng isip yun..IbA ka tlaga b0b ! IbA kah..
    Nkakarelate nga w0rd of wisd0m m0h..Lalo na ung pab0rit0ng libro ni hudas..
    Idol ko si b0b 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *