Love Poems and Love Letters

I soo love receiving letters — all form of letters except those that come from Standard Chartered LOL.

Napaka-intimate di ba. Here’s a very shweet love poem slash letter I’m sending you wherever you are. Sealed with hugs and kisses. Mwaaah!(snagged from ALEX of retarded’s notebook, thanks tsong…sobrang laftrip nitong poem na ‘to hahaha)

PAGSINTANG PURUROT 

Kumusta, lalaking nasa 5B
Ang kulay niya’y maputi
At cute din ngumiti
At higit sa lahat pogi

Ikaw ba’y napa-flatter?
Well, beauty is in the eye of the beholder
Pero sa’kin, beauty is within
Pero sa totoo lang cute ka pa rin sa ‘kin

Hindi naman siguro masama
Kung ginawan kita ng tula
Isipin mo na lang na may girl na sa’yoy nag-aadmire
Kaya naman sya sa’yoy na-iinspire

Siguro ay may GF ka na
Dahil halata naman sa iyong mukha
Kaya wag kang mag-alala
Hindi kita aagawin sa kanya

Alam kong mahilig ka sa magaganda
Kaya wala akong maiharap na mukha
Kaya sa pamamagitan nitong tula
Nailabas kong ako’y may pagsintang pururot pala

Ngunit ito’y simpleng paghanga lang
At ito’y hanggang doon lamang
At ‘di na aabot pa sa love
Dahil hindi pa panahon para ako’y ma-in love

Salamat dahil iyong binasa
Kahit ako’y ‘di mo kilala
Kahit na sa utak ay may dating
At mukhang ako’y napa-praning

Kung sa iyong palagay ang gawa ko’y pang-trash can
At pang-siga sa iyong bakuran
Ikaw na lamang ang bahalang mag-desisyon
Kung ito ba’y itatago o tuluyan mo nang itatapon

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

7 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *