On Being Rich and Perfect

“Ate, anong gusto mong ulam…noodles o sardinas na may bihon”

And I was like…tulala for a moment. Shucks ganito na ba kahirap ang mundo ngayon?? Ganito ba ako ka-hirap? 4 lang kami sa bahay. And 3 of us are working already. Pero baket ganito ang naririnig ko? Wala ba kaming steak or garden fresh salad?

Tapos kaninang umaga, dumaan yung Home Owner’s Association chovarloo sa bahay. Naniningil. 5 buwan na daw kaming hinde nag babayad para sa guard’s fee. I was fuming with anger!

And few mins ago, my sister told me ubos na daw ang toothpaste.

Nakita ko ang bill ng kuryente namin. 1300. And I don’t even turn ON my ref. Check ko ang electric bill ng pinsan ko. They live 2 houses away lang. May PC, may DVD, madaming cellphones at may pridyider! Ang bill? 1100P!!!

Hinde ko alam kung wala akong time mag grocery o sadyang wala akong pang-grocery. At yung guard! Yung guard! Baket hinde ako siningil nun May, June, July, August at bubulaga nal lang ngayon September! Hinde daw ako mahagilap! Gusto kong basagin ang bungo.

I’m really 100% sure….may mga illegal na kuntador dito sa Turquoise st. somewhere. Pag di ako nakatiis…ipapakulong ko ang mga kapitbahay ko!!!!

Seriously, these things that happened today made me realize 2 important things. For one, I realized that my life is not perfect! HAHAHAH. Ang daming mali. Ako ba ang mali o ang mundong ginagalawan ko?? Secondly, sa kabila ng lahat ng pag pupunyagi ko, ganun pa din, MAHIRAP pa din pala ako. LOL

 

 

 

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

21 Comments

  1. nyahahaha.. kung gusto mo ring bwisitin ang buong araw ko… singilin mo ako ng mga pinagkakautangan ko at kung may utang kasa akin sabihin mong never mo na ako babayaran… ateng, ok na yan kami nga tubig lang umabot pa ng 6,000 ung bill namin eh…. ginawa daw kaming commercial kaya tumaas… aba aba aba ano ba tingin nila samin pamilya milyonaryo? ayan na, tumataas na blood pressure ko… ahihihihi… napadaan lang.. glesy the great ;p cheers!!!

  2. Ang tawag po dyan, JUMPING JACK hehehe malakas daw po kayo kumita ki Ka Pepe kaya may I jump sila sa kita mo. Madaling makita yan, hire ka nang electirisinyan at alam nya yan. Ganyan ginawa nang mga puta sa business nang isang kakilala ko. Hahaha

  3. Len, usually yung illegal connection ang tumitira sa kuryente mo. Ang tawag dyan ay system loss hehe. ipa check mo ng direkta sa meralco at makikita nila yan. Minsan kasi nakakonect sila sa mismo alambre sa labas o kaya sa poste. Dati kasi ako tumutulay sa alambre kaya alam ko haha

    1. illegal ba yung ganun? akala ko normal lang ang system loss dito sa Pinas. di ba sabi ni Juday…pag bumili ka ng yelo normal daw na yung ibang part eh natunaw na…ganun din daw ang system loss AHAHHAHA

  4. Blue! Tama! SYSTEMS LOSS! and get this, nag-pramis sila na ire-refund pala nila yong mga sikyo deposits at pati systems losses! ano na kaya balita dun? baka praise releases na naman???

    1. hoy alam m may commercial dito si Judy Ann…ang tema…NORMAL LANG DAW ANG SYSTEM LOSS hahahah mga ayuf eh ni wala nga akong chrager ng phone anlaki ng bill ko hahahah

  5. Pano kasi blog ka lang ng blog! 24 hours yata di pina patay ang PC mo!! hehehe..

    Try ka nga mag hindi mag blog ng isang buwan at check mo yung Electric bill mo kung hindi ba babba! ahaha!

    Haay nako gurl.. mahirap talaga pag mahirap tayo!! nako paborito ko pa naman yun sardinas na may bihon?!! Padalhan mo nga ako dito! ahehehe..

    1. shucks!!!! alam mo palagay ko…tama ka. thanks for the enlightenment ‘daaay!!! hahahaha sa totoo lang sawa na kong maging mahirap lol

      o cia papadalan kita ng ODONG plus LIGO o MASTERS sardines? Luto na to ha ahahahhahah

  6. Hahaha baka sinadya mong hindi mahagilap nung nakaraang months sa oras ng singilan sa kuryente kaya naka lusot ka ng ilang buwan?

    Bakit may guard’s fee? Ay sosyal, nasa SUBDI pala kayo, kaya wag magreklamo at least may taga bantay ng mga rapists. Dabah?

  7. hindi ako makarelate sa usapan nyo… eeew, so lansa naman the sardines. yakididakdak! i’ll make pahid nalang the sardines in my pandesal so it won’t make smelly.

    hahaha. favorite ko dati yung dinurog na sardinas na may toyo at kalamansi tapos papalaman sa pandesal. sing-sarap pero di sing-lansa. eeew 😉

  8. hey, nakakarelate ako sa story mo..when I read your blog specifically this one, I was like crying out loud (hehehe) because I am exactly the person that you are..hehehe..

    Ganito na ba talaga kahirap life? Sardinas o noodles na lang ang options?? waaaah…

    tc! kamote-ako.blogspot.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *