For The First Time

 

Watched this last night sa Trinoma with my sistah, cousins and aunt. The Story is, of course, your typical Pinoy KTB (kilig to the bones) Movie – mababaw, unrealistic and jologs. LOL. Infairness naman to KC and Richard, we enjoyed it…tawa kaya kami ng tawa esp. that part when KC said “Pacencia na po, tao lang” to his Dad (Phillip Salvador) hahahah…it was supposed to be a tearjerker scene pero ewan tawang tawa ako.

Shucks ang ganda pala sa Santorini Island!!Breath taking ang cinematography. Maganda ang effect nun mga white stone houses and deep blue sky and waters. Pati yung sunset shots…wow! I wanna go to Greece now na! Candy Pangilinan and her boyfriend Benjo is super funny. Perfect ang timing at delivery ng mga lines. Walang scene na hinde ka matatawa. Sana magkaron silang dalawa ng movie na sila ang bida hahhaha. And KC has grown to be a very beautiful lady. Kung ako si Ate Shawie, I’ll be very proud of her talaga. She’s got all the good things in life diba. Education. Career. Money. Beauty. What else is missing? Wala. Wala. Walaaaaaaaa.

Wala pa ring panama ang tandem ni KC and Richard kay Shawie and Gabby. Parang hinde masyadong bagay and For The First Time team up ng Star Cinema at GMA films.

The lines are somewhat forgettable. In fact, isa lang ang naalala ko – You are the perfect girl, just not the right one for me. Fanalong break up line itooooo!!!!

Is it worth your money? Well, if you have extra budget…you watch it. Pag wala, hintayin mo na lang sa TV.

Enjoying our cheap dinner sa Trinoma. We ate at Chicken World. For 14oP, you’ll get grilled chicken with 2 side dishes – diff pasta, baked potato, potato salad, muffin, fried banana etc. Huge ang serving nila. As in.

I grew up learning to value whatever that it is that I have. Ganyan ang familia namin. Ang hirap ng buhay noh. For the sosyaleras out there, the left overs could go to the trash can already pero sa ‘min…iuuwi at iuuwi namin yan LOL. It looked so kadiri ba? Nah, respeto sa pagkain ang tawag dyan. You have to allow the food to do its purpose in life – to be eaten, shared and enjoyed. Hahaha

Can you see it? Naman. Ang haba ng pila. Patok sa takilya!

Marnie Pakyaw. Moi. Mitchie. Khrissie on Last Full Show

what are you girls doing?? sooo jologs LOL

Tinodo ang pagka-jologs. Pati ang mga walang malay na poster, nilapastangan hahaha

Listen to the mushy soundtrack here:

For The First Time

by K, my favorite singer slash snubbish blogger LOL go go idol!!!

 

nag fe-feeling lang,

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

10 Comments

  1. Hahahaha, such a coincidence, na feature pa yung plaka ko. I’ll watch this via pirated VCD next week. I don’t mind being jologista, nothing wrong with Pinoy loveteams naman. Kaso may dog food kayo, nasira ang LV bag mo nyan kung ganon?

    San tong TRINOMA?

  2. nakakatuwa naman ka-jologan nyo! ang cute! i am going to watch this… nag-enjoy kami ng anak ko sa “for the first time” ni sarah and john loyd so i am sure we will also love this!

  3. hmmm antayin ko na lang ba sa tv? kc parang ang ganda ng luvteam nilang 2, shet for the first time willing pa naman ako gumastos sa pelikulang tagalog hahahaha

    1. hahahahahahaha OO

      para kayong si Madame auring at si archie hahaha Joke lang.

      Malen maganda ba? dito sa amin ang daming nanood haha. Pero for the first time di nanood ang nanay at tatay ko kasi ayaw ng nanay ko kay KC, pa epal daw at papansin haha.

      Abangan ko na lang yung house bunny kasi paborito ko comedian yung star nun .. mag eenjoy pa ako haha

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *