Ang Kotse Ni Joaquin

If this doesn’t make you laugh, believe me…nothing will.  Enjoy!

Itong si Joaquin, bata pa lang ay meron nang obsession sa kotse. Nagsimula ito noong regaluhan siya ng tatay nya ng Matchbox na racing car. Gustung-gusto nya yung regalo at halos oras-oras ay nilalaro nya ito. Sa kanyang paglalaro pinangarap nya na kapag lumaki sya, bibilhin nya ang pinaka-magarang kotse, katulad ng laruan nya.

Pumasok si Joaquin sa Elementary. Siya ay napakatalino. Nagto-top sya parati sa klase. Consistent sya sa pag-aaral. Valedictorian siya nung graduation. Sa kanyang isipan, ginagawa nya ito hindi para sa kanyang mga magulang, kundi para sa kanya na balang araw, mabibili nya yung gusto nyang kotse.

Matapos ang Elementary, pumasok sya sa High School. Tulad ng dati, siya ay palaging Honor Student. Napakagaling nya sa klase. Isa lang ang motivation nya. Ang makabili ng gusto nyang kotse.

Sa college, ganun din. Kasam a sya parati sa Dean’s List. Halos tangurian siyang genius. Marami ang humahanga sa kanya. Simula first year hanggang graduation, wala siyang mababang grade. Sa kanyang pagsusumikap, parati nyang naiisip ang kanyang pangarap na makabili ng kotse. Dahil dito, very inspired sya.

Nakatapos si Joaquin ng pag-aaral. Madali siyang nakakuha ng trabaho. Ang trabaho na pinili nya yung merong car incentive. Ginalingan nyang magtrabaho para ma-qualify sa incentive. At dahil sa kanyang mga merits, nakuha nya ito.

Birthday niya nung matanggap niya ang kotse. Honda Civic, kahawig ng laruan niya nung bata pa sya. Very excited sya. Pinandar niya ito kaagad. Nilibot niya yung Metro Manila. Maghapon siyang drive ng drive. Nakalabas siya ng Metro Manila ng hindi niya namamalayan. Drive pa rin siya ng drive. Hanggang dis-oras na ng gabi, drive pa rin siya ng drive. Tuwang-tuwa siya. Sa wakas natupad din ang pangarap nya.

Hating-gabi na ng namalayan niya na hindi na niya alam kung nasaan siya. Masyado ng madilim ang paligid at rough road na ang dinadaanan nya. Naliligaw na siya. Dahan-dahan na lang siyang nagmamaneho nang pigilin siya ng limang lasing na lalaki.

“Pare, naliligaw ito. Wow, bagong kotse.” sabi ng isa.

“Baba… baba…” pasigaw na inutusan si Joaquin.

Bumaba si Joaquin ng takot na takot.

“Gulpihin natin ‘to, mga pare.” sabi ng isa.

“Huwag, pag-tripan natin.” sabi naman ng isa sa lasing.

Takot na takot si Joaquin. Hindi malaman kung ano kanyang gagawin.

“Natataranta pare. Anong gagawin natin dito?” patawang sabi ng isa.

“Alam ko na, halika dito.” nakangising sabi ng isa kay Joaquin sabay guhit ng pabilog sa baku-bakung kalsada. “Tumayo ka sa bilog na yan at huwag kang lalabas. Kung hindi, papatayin ka namin.” sabay tawa.

Tumayo si Joaquin sa ginuhit na bilog . Takot na takot na nakatingin sa mga lasing.

Nagtawanan ang mga lasing sabay basag sa side mirror ng bagong Honda. Tiningnan nila ang reaction ni Joaquin. Nagulat sila ng makitang nakangiti ito. Binasag nila ang windshield at binutas ang gulong. Tiningnan nila si uli Joaquin. Nagulat uli sila ng makitang nakangiti pa rin ito at pinipigilan ang tawa. Nagalit ang mga lasing. Pinag-papalo at pinag-sisipa nila yung Civic. Tiningnan nila uli si Joaquin. Ngayon, hindi lang nakangiti si Joaquin, tumatawa pa, tawa ng tawa.

Ang ginawa ng mga lasing, sinunog ang kotse. Pagkatapos, tiningnan nila si Joaquin. Laking gulat at pag-tataka, tawa ng tawa si Joaquin. Halos ma-iyak na ito sa kakatawa. Lumapit ang mga lasing kay Joaquin at nag-tatakang nagtanong: “Sinisira na namin yung kotse mo, bakit tawa ka pa rin ng tawa?”

Sumagot si Joaquin na ma-ngiyak-ngiyak sa kakatawa: “Kasi habang hindi ka yo nakatingin, hi hi hi hi hi hi (hindi mapigil ang tawa) lumalabas ako sa bilog…..hahahahahahha!!!”

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

8 Comments

  1. huh? alam mo may kwento ako sa yo, sa thailand, mas importante sa kanila ang magkakotse at mga branded na gamit kesa magka-bahay. ngayon isang araw e naka-aksidente si mamang thai at galit na galit sya kasi nasira yung porsche nyang kotse nya at nasira din yung relo nyang rolex — hindi nya napansin na yung ulo nya e halos mahulog na sa leeg nya at kaya nasira yung rolex nya e dahil naipit yung isa nyang kamay sa aksidente, hay buhay

  2. wow! i am thrilled too na waray ka liwat. naku day, fan pa naman ako ng blog mo. nakakatuwa kasi mga post mo… kaya nakaka-excite na kababayan pala kita… from catbalogan ako. ikaw, diin ka ha samar?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *