Chuvaness Letter #4: Kidnap

 

Hello dear readers. Welcome to another segment of our Dear Chuvaness – Jologs advice and More. We have a new letter today from a kidnapper. Hehehe. Well actually, soon-to-be kidnapper pala LOL. Read read read.

 

Muzta? Chuva, anlaki ng problema ko ngayon. Ayaw na umuwi ng asawa ko dala yung dalawang anak namin (4 and 2 yo). Alam mo faithful ako sa asawa ko pero marami syang dahilan. Hinde nya kayang pakisamahan ang nanay ko. May sakit na nga, pinapatulan pa nya. Sobrang laki ng problema ko, hinde na okay ang nararamdaman ko. Sori ikaw lang ang pwede kong naisipang makausap. Ilang beses na akong nakiusap pero talagang matigas ang puso ng misis ko. Miss ko na mga anak ko. Down na down ako ngayon hindi ko alam kung anong gagawin ko. Miss ko na pamilya ko, chuva. Gulong gulo ako ngayon kung anu-ano pumapasok sa utak ko parang gusto ko ng kidnapin mga anak ko para makasama ko lang sila. Ilang beses na akong pabalik balik sa Bulacan, lahat ng alam kong pakiusap ginawa ko…nag makaawa na ko…wala pa rin. Help! Anong dapat kong gawin? Salamat Chuva.

~Ed

COMMERCIAL MUNA…

[youtube 6v0zDjpK4xE]

 

Now back to our program…

*insert Ballad Pour de Adeline*

Dear Ed,

Good morning, good afternoon and goodnight to you wherever you are.

First and foremost, alam mo ba, hinde ako attorney LOL pero nasusulat sa Article 213 of the Family Code *may ganun* no child under seven years of age shall be separated from the mother, unless the court finds compelling reasons to order otherwise.

So the general rule is that if you kidnap your kids, wala kang laban dyan. Made-demanda ka. Aattend ka ng hearing na minsan walang judge. Magbabayad ka ng Atty. Kung pro bono, swerte mo pero babayaran mo ang pang-gas at pang-lunch nya! Eh ang mahal ng gas at bigas noh. Remember what happened to Aiko and her gwapong husband Martin Jickain? Pinaboran si Aiko ng korte. Di ba ang haba ng hair nya eh hinde naman sya magandang maganda. May permanent protection order pa ang bruha meaning hinde pwede lumapit si Jickain ng isang libong metrong distansya. Angshoray diba.

Now, is this law absolute? No.

Your wife may be deprived of the custody for these compelling reasons – neglect, abandonment, unemployment and immorality, habitual drunkenness, drug addiction, maltreatment of the child, insanity, and affliction with a communicable illness. *ni-research ko yan*

SO my advise to you is bigyan mo ng jowa ang asawa mo. Ipa-date mo sa iba. I-spy mo. Bigyan mo ng discount card sa Victoria court. Pictyuran mo para may ibidensiyaaaaaa. Tapos saka mo gawin ang maitim mong balak. I-derecho mo sa korte. Mag demanda ka….anong ground? Of course, IMMORALITY!!! Result? WINNER ka!!!!

Kung hinde mo maatim….well, lahat ng bagay is nadadaan sa mabuting usapan. EH ano kaya kung lumipat kayo ng bahay noh? Baket nga ba hinde? Baka naman kase mahadera ang nanay mo. Alam mo pansin ko lang karamihan sa BIYENANG BABAE eh mahadera. Hehehe. I know it’s our culture – minsan married adult daughters and sons remain in their parents’ home and contribute to family support. Samahan mo pa ng extended family members such as grandparents, aunts, uncles, or cousins who may also live in the same house. I don’t see anything wrong with that dahil pinagdaanan ko yan. Pero kung nagiging toxic na…at parehong ma pride ang wife mo and your mom…fwez, mamili ka…either bumukod kayong 2 ng nanay moor bumukod kayo ng misis mo lol. In the first place naman talaga eh dapat naka-bukod kayo ng wife mo noh. Kung walang pang-rent…yan na nga ba ang sinasabi ko. Inuna nyo kase ang lande, aasa-asawa ng hinde prepared….yan tuloy ang napala mo. You know..YOU ALWAYS GET WHAT YOU DESERVE. Whatever success or failures na tinatamasa mo ngayon eh end result yan ng mga choices na ginawa mo before kaya magdusa kaaa!

Honestly, hinde ko alam kung kanino ako maiinis. Akala ko husband lang ang magkaka-isyu sa mother in law…pati pala ang wife. Scary! Ganito, kausapin mo silang pareho. Make them understand na ikaw ang naiipit sa sitwasyon. Mag amok ka kaya? O kaya takutin mo na mag lalaslas ka pag hinde sila nag-kiss and make up? O kaya umiyak ka sa harap nila pareho. O di kaya gawan mo ng partition ang bahay nyo?!!

Seriously, I’m not in the position to tell you what you need to do….hinde ako maka-relate pero the way I see it, you really should talk to your mom and your wife. Now kung parehong may ere…wala talagang mangyayari. Lahat kayo talo, lahat kayo masasaktan. In the end, ang mag su-suffer dito eh yung mga bata. Sa sitwasyon nyo, ang pinaka the best is bumukod kayo. Yun lang. Tapos ang gyera…am sure.

Thank you for your time and for remembering me in times of trouble. LOL. I wish you peace, harmony and love….and here’s a soothing video for you. I hope it can somehow ease the pain in your heart.

[youtube oYs9hqUDfDo]

Readers, lurkers, lovers and countrymen, if you have suggestions and advices…wag kayong mahiya. Let your voices be heard! Thank you much!

 

Hugs and kisses from the land of traffic, factories and pollution – Valenzuela City!!!

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

About malensky

I am fine. Thank you!
This entry was posted in Dear Chuvaness, Love & Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *