Dear Karding,

Natanggap ko ang mga sulat mo. Salamat ha. Wag mo sanang isipin na nilimot na kita kase di ako nakakapag-reply agad. Busy lang kase ako kunyari sa work. Pero salamat talaga ha. Na-appreciate ko siya. Pangarap ko kase talagang maging positive motivating force to the lives of many Filipinos. Hahaha. But really, from the bottom of my broken heart, I’d like to say thank you. If there’s anything I can do to make you feel better…I’ll gladly do it….walang bayad pero pwedeng may donation. Hehehe. Tsaka wag lang immoral ha. LOL

Seriousness, thanks for the kind words. That really means a lot to me. 🙂

 

forever and ever,

Chuvaness

 

PS

padalan mo naman ako ng chocolate tsaka pakisamahan ng Nivea lotion, hahahha. And kung hinde naman masyadong abala, pakidagdagan na din ng Nike rubbershoes size 6. Kung gusto mo naman…itodo mo na…pwedeng pati na din laptop tsaka iPhone. Thanks ha!

Uy, joke lang pero kung seseryosohin mo, maluwag kong tatanggapin.Hahaha

 

*******

Ang mga lihams (more than 1 eh) ni Karding:

Good morning ma’am wow talaga ang mga message mo very interesting at educational entertaiment pa wala na me masabi saiyo, nakakaalis talaga ng pagod every words na ginagawa mo sorry ha ha first time ko lang talaga maka encounter ng tulad mo kaya indi ko alam kung tama ba itong mga words ko pero at least nag try diba sana request ko lang between you in me na lang ito baka masama pa sa mga blog mo jokes.. bye ingat na lang ma’am thanks god speed..

~ Karding

 

Hi! gud evening ma’am thanks sa mga interesting message mo kakaiba siya lahat na ata dapat siguro tawagin ka superwoman for me lang yan ma’am you’re the best and thanks sa mga picture gaganda pala ng mga friends at siyempre isa kana roon. yes nga pala thanks sa music download ko siya perfect yun everything ok siya dito na lang muna at thanks again at happy me sa kada pag open ng blog mo …regards sa lahat ng kaibigan mo… ~ Karding

Gud morning ma’am kagigising ko pa lang 10am na dito open ko agad laptop ko yun nga may email na agad galing saiyo thanks talaga ganda ng message niya kakatuwa ha! ha! ha! yan kahit wala pang kain busog na ako pagnabasa ko ang message mo sana wag kang magsawang gumawa ng mga blog na tulad nito at atb.. ur blessed ma’am bihira kasi ang tulad mo na nakakapag ambag ng tulad nito sa amin lalo na dito sa middle east homesick talaga ang kalaban but now nakikilala na kita kahit d2 lang masaya na me thanks god bless po!!!

~ Karding

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

10 Comments

  1. haha feeling Sharon Cuneta and Robin Padilla —– “Ma’am” hahaha

    seriously: its nice that you inspire people everyday. kakataba ng puso yang ganyan na may nagpapadala ng messages sa email mo. sana sabihin mo next time perahin na lang o kaya idaan sa chokoleyts haha

    hmmmm di kaya si kwan yan hahahahaha

    1. oo nga noh..maging sino ka man hahahahha! LOL!!!! chika minute ka talaga bluep!! hahahahah

      seriously, yeah. i guess, lahat naman tayo…we inspire each other…di lang tayo aware…di ba. akalain mo….ika nga ni jojie, hinde lang ako puro ganda…maganda din ang kaibuturan ng aking puso edi syempre charing lang hahahahha

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *