TXJ 230
Anak talaga ng tokwa yang mga taxi drivers na yan!!!! I super hate hate Pinoy taxi drivers. As in!! I blogged about them several times…and hinde nababago ang trend. Aside sa mga Government Officials…TAXI DRIVERS PO ANG PINAKA CORRUPT!!! Nakakainis. I am not generalizing pero MAJORITY ng taxi drivers, bwiseeeeeet!!!
I am sooo pissed right now with this manong from E&E Taxi. Manong, if ever you get to read this, balikan ka sana ng karma!!!!
You know why?
Ok.
Monday morning, I was off to MIA for our early morning flight to Davao. I had to take a cab from Valenzuela to the Domestic Airport. I paid this manong driver around 300pesos. Fair enough.
Wednesday night, we arrived at MIA from Davao santacruzan…I had to make hatid the ever rich and beautiful REYNAELENA to his condo in East Ortigas dahil takot sa stalker. Sumakay kami ng isang taxi lang, the plan was se-segway kami sa Ortigas Mansion and then Valenzuela…anak ng tokwa!!! Walang metro. He’s charging us 300 papuntang East Ortigas. Ok, sige na nga.
Now along the way, we asked this ayuf na driver how much ang charge going to Valenzuela. Mega drama ang ayuf, may pa radyo-radyo pa asking the remote office ng charge but there was no response. Baka daw sira ang linya or sumtin.
Dahil mayaman nga si Reynz, he left me with 1K for my allowance, lol. That’s actually for our pamasahe…I was like, wow…1K is pretty big diba. May kick back ako for sure. LOL. I scammed 1000 pesoses from Reyna!!!
Now, along Edsa…nag radyo ulet tong ayuf a taxi driver to ask for the pricing, you wont believe this…he’s charging me 700pesos!!! Ok, sige na nga…nagkasubuan na. 700 ang babayaran ko…kahit sobrang labag sa loob ko…pero that’s still big diba
And to my surprise, after I confirmed it to manong na walanghiyang yan…700 ang bayad ng airport to valenzuela plus 300 ang bayad from airport to ortigas, so that’s 1000 pesoses!!!!!
BWISEEEEEEET!!!! *nawala ang kickbak ko*
Separate ang bayad ko sa bayad ni Reynz. Imagine this, what if 4 kami sa taxi, isang bababa sa Ortigas, isang Cubao, isang Monumento and isang Valenzuela? How much kaya ang babayaran ko?
I swear, nasa loob ako ng taxi and sobrang galit ko talaga I was telling this mama na sobrang overpricing sya. He’s NOT FAIR!!! Lahat naman tayo nagsusumikap na kumita ng pera pero sana sa marangal na paraan…yes, I was preaching him GMRC. I was fuming mad. I told him na more than 100% ang charge niya and hinde tama yun! I almost cried sa galit…and I didn’t stopped talking and telling him na masama yung ginagawa nya.
I asked him baket walang metro, walang masagot. Tinanong ko din kung may binabayaran ba sila sa MIA na rent, tax or sumtin kung kaya overpricing sila…wala naman. Baket ganun ang sistema nyo?? Trip trip lang nila. Pakyawan, kontrata…what is that? Deadmatology ang manong. I call it purely panloloko ng mga tao.
Hinde ako maka move on sa inis. 1000. Grrrrrrr!!!
Papayag ba ako? HINDE!!!
I told the driver na ibaba nya ko right there and then sa Edsa and I’ll just take a bus kesehodang mabigat ang bag ko at ala una na ng umaga. Siningil ako ng 600. Ayuf. I would have paid 500 lang sana…pero dahil fair ako, binigay ko yung 600 pero ang sama sama ng loob ko talaga. I lost my kickback! Pero that’s beside the point, if you know what I mean.
So ang ending, ang lola nyo eh nag bus pauwi, buti na lang di ako bumili ng isang box ng pomelo! Ang binayad ko sa bus…disi-otso!
Utang na loob, kung may makabasa man na government officials, sana naman ma-regulate yung ganyang mga hayup na driver na yan daig pa ang mga pulis sa pagiging buwaya! Galit na galit talaga ako.
FILE ALL YOUR TAXI COMPLAINTS here:
LTFRB
If you liked my post, feel free to subscribe to my rss feeds





































BlogoSquare
12 Comments so far (Add 1 more)