humor blog, nosebleed, engrish, make money online, nosebleed, wentworth miller girlfriend, wentworth miller, earn while blogging, prisonbreak

FILE ALL YOUR TAXI COMPLAINTS AT LTFRB

15 May
2008

TXJ 230

Anak talaga ng tokwa yang mga taxi drivers na yan!!!! I super hate hate Pinoy taxi drivers. As in!! I blogged about them several times…and hinde nababago ang trend. Aside sa mga Government Officials…TAXI DRIVERS PO ANG PINAKA CORRUPT!!! Nakakainis. I am not generalizing pero MAJORITY ng taxi drivers, bwiseeeeeet!!!

I am sooo pissed right now with this manong from E&E Taxi. Manong, if ever you get to read this, balikan ka sana ng karma!!!!

You know why?

Ok.

Monday morning, I was off to MIA for our early morning flight to Davao. I had to take a cab from Valenzuela to the Domestic Airport. I paid this manong driver around 300pesos. Fair enough.

Wednesday night, we arrived at MIA from Davao santacruzan…I had to make hatid the ever rich and beautiful REYNAELENA to his condo in East Ortigas dahil takot sa stalker. Sumakay kami ng isang taxi lang, the plan was se-segway kami sa Ortigas Mansion and then Valenzuela…anak ng tokwa!!! Walang metro. He’s charging us 300 papuntang East Ortigas. Ok, sige na nga.

Now along the way, we asked this ayuf na driver how much ang charge going to Valenzuela. Mega drama ang ayuf, may pa radyo-radyo pa asking the remote office ng charge but there was no response. Baka daw sira ang linya or sumtin.

Dahil mayaman nga si Reynz, he left me with 1K for my allowance, lol. That’s actually for our pamasahe…I was like, wow…1K is pretty big diba. May kick back ako for sure. LOL. I scammed 1000 pesoses from Reyna!!!

Now, along Edsa…nag radyo ulet tong ayuf a taxi driver to ask for the pricing, you wont believe this…he’s charging me 700pesos!!! Ok, sige na nga…nagkasubuan na. 700 ang babayaran ko…kahit sobrang labag sa loob ko…pero that’s still big diba

And to my surprise, after I confirmed it to manong na walanghiyang yan…700 ang bayad ng airport to valenzuela plus 300 ang bayad from airport to ortigas, so that’s 1000 pesoses!!!!!

BWISEEEEEEET!!!! *nawala ang kickbak ko*

Separate ang bayad ko sa bayad ni Reynz. Imagine this, what if 4 kami sa taxi, isang bababa sa Ortigas, isang Cubao, isang Monumento and isang Valenzuela? How much kaya ang babayaran ko?

I swear, nasa loob ako ng taxi and sobrang galit ko talaga I was telling this mama na sobrang overpricing sya. He’s NOT FAIR!!! Lahat naman tayo nagsusumikap na kumita ng pera pero sana sa marangal na paraan…yes, I was preaching him GMRC. I was fuming mad. I told him na more than 100% ang charge niya and hinde tama yun! I almost cried sa galit…and I didn’t stopped talking and telling him na masama yung ginagawa nya.

I asked him baket walang metro, walang masagot. Tinanong ko din kung may binabayaran ba sila sa MIA na rent, tax or sumtin kung kaya overpricing sila…wala naman. Baket ganun ang sistema nyo?? Trip trip lang nila. Pakyawan, kontrata…what is that? Deadmatology ang manong. I call it purely panloloko ng mga tao.

Hinde ako maka move on sa inis. 1000. Grrrrrrr!!!

Papayag ba ako? HINDE!!!

I told the driver na ibaba nya ko right there and then sa Edsa and I’ll just take a bus kesehodang mabigat ang bag ko at ala una na ng umaga. Siningil ako ng 600. Ayuf. I would have paid 500 lang sana…pero dahil fair ako, binigay ko yung 600 pero ang sama sama ng loob ko talaga. I lost my kickback! Pero that’s beside the point, if you know what I mean.

So ang ending, ang lola nyo eh nag bus pauwi, buti na lang di ako bumili ng isang box ng pomelo! Ang binayad ko sa bus…disi-otso!

Utang na loob, kung may makabasa man na government officials, sana naman ma-regulate yung ganyang mga hayup na driver na yan daig pa ang mga pulis sa pagiging buwaya! Galit na galit talaga ako.

 

FILE ALL YOUR TAXI COMPLAINTS here:

LTFRB

Custom Search

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

15 Responses to FILE ALL YOUR TAXI COMPLAINTS AT LTFRB

Avatar

Amor

May 15th, 2008 at 11:53 pm

Buti di ka pumayag. Ang kakapal talaga ng fez ng mga driver na tulad nyan. Sana nagpababa ka sa presinto, baka matakot sa mga pulis patola. :)

[Reply]

Avatar

Lizzz

May 16th, 2008 at 3:19 am

dapat binigyan mo ng 400 sabay alis na! hindi ka naman nya mahahabol db? unfair yon ah.

[Reply]

Avatar

reynz

May 16th, 2008 at 3:41 am

kala ko pa naman, dahil mga nakalinya sila sa domestic chuva eh mga matitinong buaya ang mga yon?! ano beh? di ba me binigay na papel sumtin sumtin yong guy sa domestic na kesyo sir dito po kayo sa number 2 whatever, yun pala mga display lang yun? kunyari civilizable?? big difference talaga ang mga taxi driver dito sa Manila kesa sa Davao! grrr!

[Reply]

Avatar

Kotsengkuba

May 16th, 2008 at 9:42 am

try this comment from iRonnie: http://www.kotsengkuba.com/2008/02/re-taxi-twn-752/#comment-945

report mo yung plate number nya. pero sabi nga ni Jessica Zafra, “It’s most likely that nothing will happen but you’ll feel slightly better.”

[Reply]

Avatar

kengkay

May 16th, 2008 at 1:50 pm

baka narinig kasi yung hollywood accent ni reynz e kaya natimbwag yung metro. pero kapag may nameet ka talagang masuba, super suba talaga, kung ako sa yo hindi ko sinara yung pinto nung bumaba ako sa taxi, bahala syang mag sara nya magisa nya, hmp! kaya kami sa pinas, hotel taksi na, alam naming tuwad kami sa presyo pero mas nakakainis kasi yung huthutang palihim kesa sa huthutang harapan ano.

[Reply]

Avatar

NINA

May 16th, 2008 at 7:52 pm

hay…baka naman kasi nakita yong kapa at korona kaya ayun, masyadong minahalan – kasi nga naman royal service…

[Reply]

Avatar

Beng

May 17th, 2008 at 1:15 am

Malen, I made the same experience nung nag EB tayo. Pumara ako ng taxi from our hotel in Manila area to Greenbelt. Nung nakasakay na kami, the driver asked me kong paano daw ang bayaran. I answered him na “siyempre plug down”. Then sagot niya ” ay maam ma traffic po diyan lugi ako blah blah yaddah yaddah”. Three hundred din ang singil niya sa akin. Wow, mukang naululan siya sa akin ahn Kesyo nakita niya ang mga bata…$$$$ ang paningin niya.

Sinabihan ko siyang huminto iensigida or tatawag ako ng polis. Ayon huminto nga at kami ay bumaba. After several attempt to get a cab may natagpuan din akong mabait na driver. Plug down this time, pero humiling lang siya na kong maari dagdagan ko daw ng 30 pesos. Okay lang ang 30, at dahil medyo nag-alanganin siyang magtanong/humingi, I gave him 100.

Pero yong mga kurakot na taxi drivers diyan ay dapat talagang parusahan.

[Reply]

Avatar

Beng

May 17th, 2008 at 1:20 am

P.S

Dito pala sa Davao, takot ang mga taxi drivers na i-report sila ng kanilang pasahero kay Mayor Duterte kapag may kabalbalan silang ginawa. Kaya nga meron sila ditong mga ID na nakasabit sa harap at likod ng sasakyan.

Sana ganyan din sa Maynila o sa buong Pilipinas. Ihulog sa imburnal ang mga kurakottttt! O di kaya ipakain sa buwaya o sawa doon sa crocodile farm. Remember?

[Reply]

Avatar

mitchie

May 17th, 2008 at 8:52 am

tmalen! ung ka-office ko na teacher ng nihongo, naganyan din ng taxi, nagbayad ng 700 from katipunan to eastwood….. kasi daw airport taxi raw sia… bwiseeT! to the highest level ang sugapa ng mga taxi drivers na yan! sana ndi mo na binayaran! :em25:

[Reply]

Avatar

sc

May 17th, 2008 at 9:08 am

lamo dadaan lang sana ako eh kaso de ko mapigilang mag-react dito sa post mo dahil ang sama din ng experience ko sa mga taxi sa pinas. isa istilo nila eh yung walang panukli kunwari dahil para sa kanila na ang sukli. nabwisit tuloy ako huling experience ko eh dapat babayaran ko is 20 pesos lang eh pero ang inabot ko isang daan sabi ba naman wala daw syang sukli. hay kainis.

dapat sinumbong mo yan kinuha mo yung plate number kasi kaya sila ganyan siguro dahil walang nagrereklamo sa kataastaasan.

[Reply]

Avatar

antuken

May 18th, 2008 at 3:23 pm

ako swerte sa mga taxi drivers. mababait mga nakukuha ko. hehehe. kse simula pa lang, pag hindi na nag-metro, inaayawan ko na. hehehe. yung driver ng cab na nasakyan ko nung friday night, este, sat morning na pala, mabait din… start pa lang sinabi na nya na baka pwede dagdagan ng 30 pesos yung sa metro… okei na rin lang… mabait naman at safe driver pa… hehehe…

[Reply]

Avatar

Paula

May 19th, 2008 at 9:49 pm

Kawawa naman ang beauty mo! Kaya ako ayoko talaga sumakay ng taxi! Titiisin ko na lang ang pollution kesa makahalubilo ang mga magnanakaw – este taxi driver na yan!

[Reply]

Avatar

algie

July 12th, 2009 at 9:43 pm

oo badtip tlaga yang mga ganyang taxi driver,, gaya ngayon kauuwi ko lng galing greenhills at dumaan ako sa robinsons galleria,, pucha badtrip talaga ko sa demonyong cab driver n yon!!!! cgawan daw b ko dahil lumagpas sya sa lugar n bababaan ko,, tama b un cnabi nya “tanggalin mo kase yang nakasalpak jan sa tenga mo!” nung cnabi nya yon hindi n nakalagay ung headeset ko sa tenga ko kaya malinaw kong narinig ung cnabi nya..talagang nag init ang ulo ko at nawala ang breeding ko sa hayop n yun,, so sinagot ko sya ng “punyeta k! bakit mo ko sinisigawan? may kilala ko sa lto at ltfrb humanda k! tpos nung binayaran ko sya cnabi ko “o ayan isaksak mo sa baga mo”,, alam nyo guys kung lalake lng ako nakatikim ng sapak saken tong hayop n taxi driver n to eh,,samantalang ang ayos ng pakikipagusap ko sa kanya,,sabay ccgawan nya, ko tama b yun? ang dami talagang mga gagong taxi drivers,,makarma sana ung isang yun,,pu2nta ko ulit ng galleria at irereport ko ung incdent n nangyari saken,,hindi ko mapapalagpas tong ginawa nya,, kala nya

[Reply]

Avatar

desa

August 17th, 2009 at 5:50 pm

ako nman po fx drivers, napaka bastos nila :(

[Reply]

Avatar

desa

August 17th, 2009 at 5:54 pm

hinawakan nung fx driver ung kamai ko at nilagay nia ung kamay nia sa hita ko, sbi pa nia single and available sya, grabe 16 pa lng po ko,nkaka phobia po mga gnun, panu na lng kming mga estudyante na babae, hay. :(
ako na lng po kasi ang naiwan sa fx galing ust papntang buendia,lhat ng mga ksabay ko sa united nations nag babaan,nag kataon na nung smakay ako ng fx sa ust sa hrap ako napapwesto dhil wla ng space sa lkod, nag mamadali po ako ng mga panahong yun dahil malakas ang ulan :( (

[Reply]

Comment Form

top