Pinoy Love Letter

Mabuhay!

Kumusta ka na, Mahal? Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam kong mabagal ka ring magbasa. Nandito na ko sa Estados Unidos. Pero hindi ko pa maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang address para daw hindi na sila magpalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun nabili ko na shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi “FOR DRY HAIR” kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa Walmart at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay “YALE”, eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng “YALE”, wise yata ito!

Mahal, mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa “Federal Express” medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.

Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor. Nakakahiya naman kung ipagkakalat ko pa.

May trabaho na pala ako, mayroon akong 500 na tao sa ilalim ko. Ansakit pala mag gupit ng damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.

Nakapanganak na rin pala ang ate ko, hindi ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie. Pa-loadan mo pala ako kay Aling Suping dun sa Touch Mobile ko na SIM para 15Pesos lang ang 15 minutes. Tatawagan kita. Wala na akong masyadong kwento. Sumulat ka na lang ng madalas. Wag mo ako masyadong isipin dahil baka madapa ko.

Miss na jud kita.

p.s. Papadalhan sana kita ng dollar, kaya lang ay naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha..

 


ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

16 Comments

  1. nyeta ka malen!!! bumubula bibig ko sa katatawa sa lintek na sulat na to.. lalu na yung YALE!@!! hahahahaha!! i lurrrrrrrrrrrrrrve it!!!

    puedeng i-share?! i-she-share ko sa pamilya ko…

    lalagyan ko rin sana ng lakip na beinte dollares itong comment ko kaso wala akong envelope.. hahahahahaha!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *