My elementary best friend was a gwapong BAKLITA I call Dodong. Bata pa lang kami, malandi na pitik ng mga daliri nun. Yun ang kasa-kasama ko kakatili kay Janno and Manilyn *waaah…ang age, ang age!!* ang kasamang nang o-okray kay Jennifer Sevilla, ang kasamang mag almusal ng pandesal na sinawsaw sa lugaw at ang laging tumatalo sa kin sa larong bending, chinese garter at limbo rock *mas malambot ang katawan ng baklita*. Sobrang inseparable namin nun. Inisyuhan pa nga kami ng mga kapitbahay because I would come to their house alone and would spend hours with him, kaming dalawa lang. Baka daw may nangyayaring milagro sa min. Haller. Yah know what we were doing during those times, nag ka-karaoke kami ng lola ko ng japanese songs *saigono iiwake..my one and only* (puro JAPAYUKI ang shofatid ng baklita) and the best part of all, sinusukat namin ang mga tangga ng ditse nya. Hahaha! Andami kong key chain na galing Japan nun at hanggang ngayon, hinde maalis yun mga Japanese songs na naka-embed na sa utak ko.
I had such a great time with this baklita ever. The last news I heard about him is nag Japan din sya. Daig ang beauty ko ever. Lahat ng kaartehan siguro at kalokohan ko noong bata ako sa kanya ko na-mana. At ang pinaka matinding na i-contribute nya sa buhay ko ay ang mga salitang ito:
ANATA GA SUKI DESU AISHITERU
Dahil yan lang ang natatanging Japanese term na alam ko mula noon hanggang ngayon! Meron pa palang isa…HAI!!! Lahat ng slumbook na pinirmahan ko nung elementary, nilagyan ko nyan kaya naman akala ng mga classmate ko eh may lahi akong japonese. Hahaha
You probably haven’t noticed but I grew up in a closed-knit Christian family. Hinde halata no? My family values morality and spirituality more than anything else. Laking Sunday School aketch.
ITUTULOY NEXT WEEK……
or next next week….
basta pag may time
If you liked my post, feel free to subscribe to my rss feeds







































BlogoSquare
9 Comments so far (Add 1 more)