Goodbye year of the Pig, hello year of the Rat!
According to the Chinese Calendar, the Year of 2008 is a Year of the Rat (Earth), which begins on February 7, 2008 and ends on January 25, 2009
At dahil ang DAGA ay kadiri…expected na magiging KADIRI din ang year na ito. Here are some of my predictiones for the coming year. Huwag masyadong paniwalaan pero pwedeng gawin gabay sa araw-araw.
HOME ECONOMICS
MADUNGIS at madaming bagay ang masisira at iihian ng mga daga - bag, damit, iba’t ibang cord (telephone, electric at ethernet) pati mga kurtina. Bumili ng Napthalene Balls, huwag hithitin, nakakaadik (na-try ko na)
Magsabit ng mickey mouse chime sa pintuan para daluyan ng swerti.
POLITICS
Uusbong ang mas madaming mga mandurugas at magnanakaw na politiko.
Mag ingat sa MOUSE TRAP
FOOD
Malulugi ang Eden at Queso kaya wag kalimutang bumili ng DORA.
ENTERTAINMENT
I-sho-showing na magmuli ang RATATOUILLE.
Mabubuhay ang labtim na magpapagising sa natutulog nyong damdamin - MICKEY and MINNIE MOUSE.
Mag kakaron ng re-run ng MIGHTY MOUSE, SUPERMOUSE and ROBO-RATS –> wahaha, ang age! ang age! napaghahalata!
INFOTECH
Ingatan ang ethernet cord (for Broadband) at telephone cord (for dial up), maaring mangat-ngat anytime of the year.
ECONOMY
1 $ = 27Pesos
Tuluyang babagsak ang dolyar dahil kakalat ang MICKEY MOUSE MONEY.
BLOGTSINA
Sisikat lahat ng bloggers na may edad 96, 84, 72, 60, 48, 36 at 24 years old.
Lalong yayaman sina Chuva, ReynaElena, Diwa, Manay Thess, Manay cheH, Manay Beng, Lizzie , Lemback
FASHION
Maswerte ang kulay na dala ng DAGA — Black, Yellow, White at Red (Mickey Mouse Colors)
Mauuso ang polka dots, red shoes, ribbon at mahabang eye lashes. (inspired by Minnie Mouse)
WORK PLACE
Walang katapusang RAT RACE
HEALTH
Maraming magiging prone sa WARTS
Ngayon ang tamang panahon para makipag SWAP ng ipin sa daga
EDUCATION
Patuloy ang pagtaas ng matrikula.
SHOWBIZ and SPORTS
Patuloy ang pag sikat ni Manny Pacquiao sa Industriya ng Pelikulang Filipino
ENVIRONMENT
Magiging maulan mula June - Sept
Manaka-nakang pag ulan Oct - February
Tag-araw mula March - May
PERSONAL PREDICTIONS
Matatapos ang site sponsorship (huwag sana), makaka-sakay na sa wakas ng airplane, lalong hinde maa-aprub sa PPP, mag-aaral ng BAKING/CROSS-STITCHING/DRESSMAKING/COSMETOLOGY/GARDENING, matutong mag-edit ng template, mag re-resign, makakabili ng laptop, mag se-setup ng wi-fi sa bahay, mag pu-put-up ng business, ma-masterin ang photoshop, mag aaral ng Linux and programming, mag CCNA, mag ma-MASTERAL, makakarating sa Puerto Galera, mababayaran lahat ng utang, mag lo-lose ng weight, patuloy ang pag no-nosebleed at pipiliting magka-bf. Hahaha
HAPPY NEW YEAR!!!
If you liked my post, feel free to subscribe to my rss feeds





































BlogoSquare
17 Comments so far (Add 1 more)
One Trackback
[…] Read MY 2008 Year of the RAT Predictions HERE […]