2008 Predictions

Goodbye year of the Pig, hello year of the Rat!

According to the Chinese Calendar, the Year of 2008 is a Year of the Rat (Earth), which begins on February 7, 2008 and ends on January 25, 2009

At dahil ang DAGA ay kadiri…expected na magiging KADIRI din ang year na ito. Here are some of my predictiones for the coming year. Huwag masyadong paniwalaan pero pwedeng gawin gabay sa araw-araw.

HOME ECONOMICS

MADUNGIS at madaming bagay ang masisira at iihian ng mga daga – bag, damit, iba’t ibang cord (telephone, electric at ethernet) pati mga kurtina. Bumili ng Napthalene Balls, huwag hithitin, nakakaadik (na-try ko na)

Magsabit ng mickey mouse chime sa pintuan para daluyan ng swerti.

POLITICS

Uusbong ang mas madaming mga mandurugas at magnanakaw na politiko.

Mag ingat sa MOUSE TRAP

FOOD

Malulugi ang Eden at Queso kaya wag kalimutang bumili ng DORA.

ENTERTAINMENT

I-sho-showing na magmuli ang RATATOUILLE.

Mabubuhay ang labtim na magpapagising sa natutulog nyong damdamin – MICKEY and MINNIE MOUSE.

Mag kakaron ng re-run ng MIGHTY MOUSE, SUPERMOUSE and ROBO-RATS –> wahaha, ang age! ang age! napaghahalata!

INFOTECH

Ingatan ang ethernet cord (for Broadband) at telephone cord (for dial up), maaring mangat-ngat anytime of the year.

ECONOMY

1 $ = 27Pesos

Tuluyang babagsak ang dolyar dahil kakalat ang MICKEY MOUSE MONEY.

BLOGTSINA

Sisikat lahat ng bloggers na may edad 96, 84, 72, 60, 48, 36 at 24 years old.

Lalong yayaman sina Chuva, ReynaElena, Diwa, Manay Thess, Manay cheH, Manay Beng, Lizzie , Lemback

FASHION

Maswerte ang kulay na dala ng DAGA — Black, Yellow, White at Red (Mickey Mouse Colors)

Mauuso ang polka dots, red shoes, ribbon at mahabang eye lashes. (inspired by Minnie Mouse)

WORK PLACE

Walang katapusang RAT RACE

HEALTH

Maraming magiging prone sa WARTS

Ngayon ang tamang panahon para makipag SWAP ng ipin sa daga

EDUCATION

Patuloy ang pagtaas ng matrikula.

SHOWBIZ and SPORTS

Patuloy ang pag sikat ni Manny Pacquiao sa Industriya ng Pelikulang Filipino

ENVIRONMENT

Magiging maulan mula June – Sept

Manaka-nakang pag ulan Oct – February

Tag-araw mula March – May

PERSONAL PREDICTIONS

Matatapos ang site sponsorship (huwag sana), makaka-sakay na sa wakas ng airplane, lalong hinde maa-aprub sa PPP, mag-aaral ng BAKING/CROSS-STITCHING/DRESSMAKING/COSMETOLOGY/GARDENING, matutong mag-edit ng template, mag re-resign, makakabili ng laptop, mag se-setup ng wi-fi sa bahay, mag pu-put-up ng business, ma-masterin ang photoshop, mag aaral ng Linux and programming, mag CCNA, mag ma-MASTERAL, makakarating sa Puerto Galera, mababayaran lahat ng utang, mag lo-lose ng weight, patuloy ang pag no-nosebleed at pipiliting magka-bf. Hahaha

HAPPY NEW YEAR!!!

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

36 Comments

  1. waaaaaaaaaaahhhh taon ko pala tooooooooo!!!
    kabisyooo..maraming salamat sa suporta ..sana yumaman din ako ng $50 katulad mo lol! bibili na ako ng domain kabisyo oras mismo! lol!

  2. nakuw mga mamuah!! basta kung magkatoto man ito! magpapagawa ako ng eroplano lahat pasasakayin ng libre hahaha pagawa na rin kaya ako ng train at mansyones sing lawak ng Mindanao,lol

    hayy sarap mangarap :em32:

  3. nahilo ako du’n ah! :em26:

    o fight, naka recover agad!…sino yayaman, si Cheh? MAYAMAN na yannnnn :em50: basta ako gusto yumaman lalo , sa kaibigan!! nandyan ka na kasi, ikaw ang muse ko, naks!

    pero wish ko para sa iyo..matupad ang lahat ng plans mo!!

    enjoy your Sunday!

  4. Okey yung mga prediksyon mo huh madam? Mala-madam auring na may pagka-jojo acuin at konting kim atienza, ehehehehe.

    Add ko yung site mo sa blogs ko ha? Happy new year !!!

  5. tukaio! nahilo ako sa prediksyones mo.hehe. congrats for the nomination for Filipino Blog of the Week! We’re both nominated this week, but my bet is on you!!!!

    Prediksyones ko din ikaw ang mananalo! Mabuhay ang mga malen!hehehe. Happy new year!

  6. Ayos daming bago ah. Ibig sabihin kadiri ako kasi year of the rat ako pinanganak eh hehehehe. teka boto muna kita! Magandang simulain ng taon ah. Congrats! :em70:

  7. Naku Malen, kapag nagkatutoo yang prediction mo ay sagot ko ang plane ticket mo papunta dito sa kin at nang magkabeso-beso naman tayo, hehe! Sa pocket money mo, bahala ka na ha. Good luck sa personal predictions mo, especially dun sa last, although unbelievable na was ka bf. :em66: O, siya, babati na lang ako ng Happy New Year sa iyo, at baka sobrang topic dito bukas at di ako makalusot haha…

  8. Azawa kooo!!! Wishing you and your sweet somebody na kelangang mahanap naten ngayong 2008, your family, friends and all the makukulet na readers mo to have a very happy new year!!!!!!

    Keep social climbing alive gurl! Come social climb wid me throughout the year! HAHAHA!!

    At pag talagang umabot nang Php27 and $1, ibabalik ko na ang korona kooooo!! pati na lahat nang baklang ID ko! bebenta ko sa eBay!!!

  9. mare swak ang mga predictiones mo, kinakaribal mo ba si madam auring? heheheh basta tuloy tayo sa 6 ha! mwah :em59:

    may this new year adorn your life with many beautiful things and sweet memories to cherish forever. Wishing you life’s best this 2008! HaPpY nEw YeAr!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *