Happy Birthday to my Father

Happy Birthday sa tatay kong 1/4 Chinese 3/4 Bisaya. We love you and we miss you here. Thank you for all the love and support. Proud kami sayo.

Magbu-bukid, mag ko-kopra, karpintero, mekaniko, singer, guitarist, babaero, sugarol, mapag-mahal, the best makisama, jackie chan wannabe and comedian!

Words are not enough to describe my father to you. One thing is for sure, he’s crazy just like me…maybe even crazier. LOL.ย  I’d like to share a little about him with the rest of you – how he caused havoc in Barangay Guinbuldusan.

SUMMER late 1990s

Magbu-bukid by heart ang tatay, mahilig magdala ng libintador sa bukid para pantaboy ng mga peste na sumisira sa mga tanim nya. Isang araw, habang papauwi na, nakita nya si Manang na naglalaba sa sapa, sinapian ng kung anong comedyanteng espiritu at sinadyang mag pa-putok nang mag pa-putok ng libintador habang nakatago. Kumaripas ng takbo si Manang at nag sisisigaw na may mga NPA daw na nag babarilan paparating na sa aming barangay. Exactly what he wanted to happen. Sarado ang lahat ng bahay, lahat ng tindahan, nag uwian ang lahat ng estudyante ng Guinbuldusan Elementary School. Bagsak ang kinabuhi. Sumugod ang mga sundalo mula sa pinakamalapit na infirmary. Ang nanay ko ina-atake na ng nerbyos dahil baka dinukot na ang Tatay ng mga NPA at ginilitan. Nag p-prayer vigil na kami sa loob ng bahay. Nakaabang kami sa rooftop ng makita namin ang tatay na naglalakad mag-isa sa gitna ng kalsada, tatawa-tawa. Hahahaha. Muntik na syang idemanda for causing havoc in Barangay Guinbuldusan.ย  Hanggang ngayon, tumatawa pa din ang buong Barangay pag naaalala nila yung kwento na yun. Ganun po ang sense of humor ng tatay ko. Nakaka-nerbyos, nakaka-nginig at walang duda, deadly.

Life has never been easy for you but I I hope youโ€™re proud that we all turned out just how you made us. Thank you for all the sacrifices you’ve done for us. I love you and am so thankful you’re my dad. You’re one of the biggest reasons why I am here today. I’ve learned the passion to serve people and make them feel comfortable from you. Have a wonderful long happy and healthy life!

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

20 Comments

  1. Merry Christmas Malen, and happy birthday to your dad. Sana lang nabasa nya tong post mo para malaman nya ang message mo. hehehe

    saka ang ganda nung picture na nakatalikod kayo lahat palusong ng dagat. mga kapatid mo ba lahat yon?

  2. Ahahaha, parang batang nakakulong sa katawan ng matanda…

    Actually, nakikita sa mukha ng tatay mo na isa syang masayahing tao…

    Happy Bday sa Papa mo at Merry XMAS sayo at sa iyong mahal sa buhay…

  3. tukaio, naiyak naman ako sa post mo na ito. and i love the beach picture na nakatalikod lahat! dramatic/cinematic ๐Ÿ˜€ !naisip ko tuloy bigla parang wala kami masyado pics ng tatay ko.

    Happy birtday to your papa! Belated merry christmas, too! and thanks for hopping to my site again! Oops, salamat sa vote ha. sana everyday.hehe. Happy new year!!!

  4. nkalimutan ko palang mention, you got you humour from papa nosebleed.hehe. he ran havoc in your barangay but your doing the same in the wide wide web of blogoshphere! ๐Ÿ˜€

  5. galing ng buhok ni daddy nung bata pa ah. jeproks ang dating. para syang player ng crispa. weheheh.

    saka galing nya mag-joke ha. biruin mo, sarado ang buong barangay. wahahaha! hanef!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *