Flashback: Christmas Party 1987

20 years is a long time to carry a memory. And whenever I remember that time of my life, I cannot help myself but cry and smile and be sad and then glad at the same time. It sorta did change everything in me.

*emote-emote while listening to Christmas Songs on background when I got a long distance call from the queen herself, ReynaElena…yeah know, we’re so in the same libuyhaba. Whenever you’re sad, I am sad too*

~Ok, after an HOUR of long distance chika chika chicks with the queen, let’s go back to our regular programming~

I’m sure, when you were younger, you always look forward to each and every Christmas party at school. I did too. But I missed attending those parties when I was younger. Not because I wanted to but because I had to. Wala naman akong choice. Hinde ako makapag-maganda dahil wala akong bagong wardrobe. Worse is, we cannot even afford to buy something for the exchange gift and that’s only worth 5Pesos then!!!

I can still remember that day….

*Insert Ballade Pour Adelaine (aka Lovingly Yours, Ate Helen BG MUSIC) here*

I was in Grade 2 Section 1 Row 2, sa Mababang Paaralan somewhere in Valenzuela, kung saan hinde ako nag-excel bilang estudyante, when I had a very traumatic experience. Sirang sira ang spirit of Christmas party sa musmos kong edad. My mom wont allow me to attend the party because nga she doesn’t have 5 pesos. Ga-balde ang iniyak ko. Ang butihin kong nanay, para tumigil ako kakangawa, nangutang ng 2 red chippy kay Aling Kastre, binalot and then nag walkathon ako excitedly to school (I had to walk kase wala akong pamasahe)… but when I got there….all dressed up (hiniram ko lang), the room was already empty and they all went home. Tapos na ang party!

Shocks, umiiyak ako while writing this.

I missed it. Nakakuyom ang mga palad, bigla kong na-isumpa ang dalawang balot ng CHIPPY na hawak ko sabay sabing bukas, babangon ako’t paluluhurin ko at dudurugin ang mga tala! Sinabi kong I will never ever buy CHIPPY again and up ’til now, I never buy (red) CHIPPY because it’s a constant reminder of my then young yet serious emotional torture. Siguro, tama lang na nangyari yun kase naman imaginin mo kung ikaw ang naka-receive ng Chippy para sa exchange gift, nakakaasar lang.

truth is, I was really really sad. Isa lang naman ang pinag -ugatan ng lahat ng yun, kase MAHIRAP talaga ang buhay namin noon. Sabi nga ni JOJITAH, kasinghirap ng hamster. I swear, my future kids will never ever go through that. Kesehodang gumapang ako sa lusak, kumain ng bubog or kumapit sa patalim (LOL) ma-itaguyod lang ang pamilya ko!! Ahahahha

But I didn’t have any regret, nor sorrow…when I look back upon my life, how God saved me and picked me up, it makes me wanna say Salamat jud Lord! Salamat!

There are a lot of people who go through much worse experience and mine was just something that would remind me to always place my trust in Him and never ever to put my feet, even for just 1 inch, above the ground and sea level. LOL

And since it’s the season of giving, it’s time that I give back to God what He has given me. This time, I wont be giving out gifts to those who can afford naman. I will give some to my church, charity, street children, oppressed and needy. Tarush!

It has been a good year!!! Lord, I pray that you will keep blessing me and my family and all my friends and blogmates so we can all be a blessing to others. Thank you for this wonderful life!!! It’s not always happy but there is always the hope that it will be.

HAVE A MERRY AND MEANINGFUL CHRISTMAS!!!

I LOVE YOU ALL!!!

PS

Tawagan nyo ko or i-text nyo ko sa Pasko kase sobrang nakakalungkot. I am spending my noche buena in the office. Huhuhu

0915-5951838

O kaya padalhan nyo na lang ako ng load. Hahahahha

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

27 Comments

  1. kung makakagaan sa dinadala mong nung isang taon lang isang lata ng LIGO na red ang pinagsaluhan naming magkafatid dito sa Laguna, hindi kami makauwing Cavite dahil walang pamasahe. Ang ginawa ko na lang para sumaya ako… Nag-blush on ako ng pagkakapal at tiningnan ang mukha ko sa salamin. LOL!

    mejo OA yun. pero isa sa mga okasyon na hindi talaga ako excited e ang pasko. dahil sobrang unfair! unfair! unfair!

    unfair sa mga walang pera!!!!

    laugh it off my dear. *bighugs!!!* survivor tayo. 😉

    chippy gusto mo? joke lang! hahahahaha!

  2. nakakarelate ko, ako rin may pasok sa pasko. ang palubag loob ng opis namin sagot daw nila ang kainan. di bale wala naman ang pamilya ko dito sa pinas.

    nalungkot naman ako sa istorya mo tungkol dun sa chippy. Paborito ko pa man din yun. Maaalala na kita sa tuwing makakakita ako ng isa. 🙂

    Salamat sa pagbati! Ako rin i wish u happiness and good health … (weh showbiz … pero i mean it) 🙂 Advance Merry Christmas po!

  3. sigh! parang scene straight from maalaala mo kaya. nalungkot ako don ah.

    pero sis, redeemed ka na ngayon and from that experience mahuhugot mo ang compassion para sa ibang nasa ganon ding kalagayan. God bless you more sis at maligayang pasko! 🙂

  4. my brothers and sisters (we’re 9) all had worse experiences back then in Nueva Ecija. And being the youngest, I’m so happy that I can’t even remember those sad childhood memories we all once had. At nagpapasalamat din ako dahil naging bunso ako and when the time came the pwede ko nang maintindihan ang mga kahirapan, some of my brothers and sisters are already working kaya hindi ko na na-experience ang mga kahirapan na’yon. I only knew of those difficulties through their stories. Which I am really really really thankful of. Salamat Papa Lord!

    Meryy Christmas Malen. I may not have my Noche Buena in the office because I won’t be having any. I’ll be home alone for Christmas. huhuhu :em61: :em61: :em61:

  5. pwedeng pamalit yang drama sa buhay mo dun sa MARIMAR! hahaha!!!

    sabi nga bedders of the same feederrs fly altogedderss!!

    eto: dahil nga kopra lang ang hapag kainan namin from almusal, tanghalian at dinner, siempre ang exchange gift ko eh binalot na choknut at tru-orange. alam mo ba ang natanggap kong exchange gip? SABON. Perla pa ata yon.

    hehehe!

    PERO NGAYON?! Nang-reregalo na ako nang roundtrip ticket to St. Petersburg, Russia! HAHAHA!!! MERRY XMAS MAHAL PADALA KA NG LOAD PARA TAWAGAN ULI KITA!!!

  6. one way to celebrate christmas is to be happy with what we have now.. so reminiscing those good memories will brought us so much happiness and smile on our face.. may you have a wonderful christmas!!

  7. Isa ako sa mga “can’t afford” kaya hintay ko gifts mo ha. Nakakalungkot naman story na ito :em61: Mas masarap naman ang blue chippy kesa red, haha! Merry Christmas, Chuva!

  8. tama ba yang number na yan 😀 baka kay inday yan, hehe.. malen, alam mo dumaan din ako sa ganyan. wala kaming pamasahe ng kapatid ko sa dyip. hindi ako umupo ng buong biyahe galing ng eskwelahan kasi nahihiya ako dahil wala kaming pamasahe, huhhu. mabuti na lang yung isang ale nagtanong at sya ang nagbayad nung pasahe namin. 15 sentimos lang yun ha. heniway, ganyan talaga ang pasko, we look back and then we give thanks 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *