What Trillanes has done to Manila Peninsula

I know this is kinda late pero ayokong mahuli sa latest! Sana pwede pang humabol. I was busy yesterday and the other day and the day before the other day kaya I wasn’t able to post an entry about this whole TRILLANES THINGY. Wag ka, tinutukan ko kamo ang news na to nung isang araw. Nakaabang ako kung makakakita ako ng real life explosion sa TV. LOL

Basta isa lang ang masasabi ko, wrong timing ito. Wala sa tamang hulog. AT hinde talaga WAIS DECISION. It’s a desperate act, desperately wanting to get attention! Christmas season pa naman ngayon. Busy ang mga tao sa shopping galore and medyo merry ang ambience noh. Baka walang mga taong pumunta sa PEOPLE POWER nya dahil nasa MOA o kaya Trinoma. Naku fwede ba, Paskong-Pasko may KUHDETA!!!! May CURFEW!!! Waaaahhh. Wag ganun! Sayang ang BONUS ko hinde ko malulustay kaka-gimik at kaka-EB! Hahahaha!!!

At eto pa ang nakaka-imbyernasissimo, hinde naman ako masyadong affected pero feel ko na ma-affected sa isyung ito:

The Peninsula Manila, as one of the finest hotels in the city, has won many awards and accolades including the following:

Travel + Leisure (USA)
Award: World’s Best Hotels 2007
Category: Asia
Ranking: No. 4
Remark: The only hotel in The Philippines on the list

Conde Nast Traveler (USA)
Award: 2007 Gold List
Category: World’s Best Places to Stay

Travel + Leisure (USA)
Award: World’s Best Business Hotels 2006
Category: Asia
Ranking: No.8 Conde Nast Traveler (USA)

World’s Best Places to Stay
Award: 2006 Gold List
Category: World’s Best Places to Stay – The Best Hotel in Manila – Asia, Australia & Pacific Nations (scored 82.6)
Ranking: No. 1

Travel + Leisure (USA)
Award: T + L 500 – The Greatest Hotels in the World
Ranking: No. 1 in Manila

O di ba? Bagsak ang ratings! Patay ang kinabuhi! At kung nagkataong ako ang may ari ng hotel na yan! NAKUUU!!! Buti na lang hinde, malamang makagawa ako ng karumal-dumal para lang makaganti!! CHARING!!!

Ang nakakaasar pa ha, hinde naman nag pa-reserve yang si Trillanes nor any of his supporters prior to the 6 hour sierge. ANAK NG USER YAN!! Nakitambay na nga lang..nanira pah!!! 5 STAR HOTEL PA!!! SOCIAL CLIMBER ANG LOLO NYOOO!!!

Look now, 1 week close ang Manila Pen. Kung Chinese ang may-ari nun, am sure , napapa-iling na yun sabay sabing LUGI NEGOSYO!! And according to the hotel engineers, the cost of damages could reach six figures!! Milyones daw! Lugi talaga negosyo! Ultimo carpet nila kelangan i-repair! Sino ngayon ang mag babayad ng danyos perwisyos? Si Trillanes daw ba? O gobyerno? Am sure, kung gobyerno yun, galing sa TAX ko at sa TAX mo ang ibabayad dun. Nakakagigil noh? Anlaki pa naman ng binabayaran kong tax!

Plus sobrang daming naabala di ba. 400 daw ang guests nila ng time na yun (90% occupancy, total of 497 rooms) plus may scheduled wedding reception and 5 major events. And they all had to be moved elsewhere! O diba, luging lugi talaga ang negosyo!!!!

Let’s do some accounting (lol):

P5000 per day/per room x 400 rooms x 7 days = P14,000,000

HOY!! Sabi nga ng nanay ko, kahit maglakad ka mula dito hanggang sa Makati hinde ka makakapulot ng isang daan! Eh 14M pa kaya!! Hmph!

BASTA, IBAGSAK ANG MGA WRONG TIMING NA MILITARING KONTROL!!!! LOL

Anyway, today is officially the start of the Holiday season! Merry Christmas to yah all! And just so you kow, I’m already accepting gifts, cash, pasaload, whatever!

You may send your gifts here: 441 Bartome St. Lot 4 Block 8 Sta. Monica Phase 5 Chateau Valenzuela, Dalandanan Valenzuela City!

 

Imbento ko lang yang address na yan!!

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

45 Comments

  1. It’s actually more than 7 days. A lot more will think twice about checking in in that hotel due to perceived bad luck (“malas”) of the hotel and the public’s mind set that the place hasn’t been fully restored.

  2. Kudeta with fine dining! At silver lining pa. Ratsada nang armalite? With music of Beethoven pa. Dadaanin daw nila sa Dancing With the Stars sa lobby nang Peninsula. Partner ni Trillanes si Gloria.

    Wag ka nang magalit. Sinusunod naman ni Trillanes lahat nang lessons ko in Social Climbing. Mag-ku-kuh ledesma ka din lang, sa 5-star hotel na at indi dun sa otel na pinasukan naten sa Baguio na nasusuka suka akooooooo!!!!! hahahhaha

  3. Tsk lugi talaga ang negosyo sa ginawang coup attempt na to, so bad!… Kung sakaling di mo malustay yung bonus mo pala Malen pautang mo na lang sa akin, nyahahah!

  4. Tsk.. talaga naman po! Darling Malen, nakakapang usok talaga ng ilong ang mga yan! mga hotels na nga lang sa atin na super mahal , bihira mabigyan ng starts, tapos binaboy pa ng trillanes na yan…what a stupid stupid fool! all of them, fools!

    anyway, i email ko sa iyo kung saan mo naman ako pwede padalahan ng gifts :em34:

    enjoy your weekend!!

  5. hahaha isinusulat ko na yung address mo sa baba tapos may note,gawa gawa ko lang ito LOL

    paki send mo naman sa akin iyong snail addy mo at ng mapadalhan kita ng snow:)

  6. nahulog sa tubig ang reception :em39: buti nalang di ko kasal yon orelse di na nila ako maawat sa paglulupasay sa gitna ng kalagitnaan.

    oy maari ko bang personal na iabot sa iyo yong babalutin ko pang regalo? bahay at lupa yon sa loob ng paso. :em47:

  7. pahabol:

    bakit may database error warning ka sa baba ng comment form mo?

    WordPress database error: [Table ‘mynosebl_wp.wp_categories’ doesn’t exist]
    SELECT COUNT(*) FROM wp_categories

    nosy ano? :em53:

  8. I really enjoyed this post. Hehe. Sobrang natuwa ako. :em55:

    Hay ewan ko ba naman kay Trillanes sugod na lang kase ng sugod parang di nag-iisip. Sa bandang huli palpak rin ang plano tapos ang dami pa taong dinadamay. Kawawang Manila Penn at sakit ng ulo po ang naisipang ibigay na gift ni Trillanes. =)

  9. Hindi lang Manila Pen kawawa, buong Pilipinas nakakaawa. Puro kahihiyan na lang ang balita binigigay sa tin ng mga ungas na politiko na yan. Puro argumento, bangayan, sisihan mapa senado o kongreso~ Wala na ngang natutunan ang mga kabataan ngayon kundi puro pakikipag laban, makibaka at akung anu anong mga kaululan! Kung ibinoto ng bayan si Trillanes, e di iboto uli para mabawi sa mokong na yun! :em72:

  10. ako napansin ko yang error na yan kaya lang akala ko sa nokbuk ko lang lumalabas yon, ahahaha.. para bang yang si thrilla boy, sa five star hotel lang din lumalabas, hmp

  11. manash, hindi ko nidedma ang award mo, hindi ko po nakita! ‘pakagat ko kaya yang wetpu mo kay Charlie pugngo ko? :em47:

    anyway, teka..lipat ako sa award entry, masilip nga kung sumagot ka na :em32:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *