Ewan ko sa inyo ha, pero dati, mga year 2001, ang tingin ko sa mga nag ta-trabaho sa call center is uber sosi. Sobrang hirap kaseng pumasok sa ganitong klaseng trabaho many years ago. Trulili yan. Nag iba na ang ihip ng hangin ngayon. Kahit sino ngayon, pwede na sa call center. Walang kinikilingang gender, edad o antas. Grad or undergrad basta may lambing pagnag salita, qualified. Pati nga kamo ang papa-retire na, target pa din ang call center. Totoo! May mga LOLO/LOLA nga kami dito sa opis eh. Lahat ng mga bagong gradweyt na nangangailangan ng experience, call center ang unang pinupuntirya, di ba? Yan daw ang stepping stone. Sabi nga, a journey with a thousand miles begin with a call center. Tarush!! Ako lang ang nagsabi nyan pero may foint naman diba. Easy money. Easy job di ba? One day lang alam mo agad kung pasok ka sa banga o hinde.
FLASHBACK:
Hinding hinde ko makakalimutan nun nag apply ako sa PIPOLSUPPORT nun 2001, with all my credentials (na hinde nakakamangha) and pamatay na resume (sa mabangong stationery ko ni-print), plus pang harabas na blazer, mini skirt and 2 inch high red stiletto, akalain mo, HINDEEE ako tinanggap!! Ni hindi man lang ako inabalang interviewhin ng mga walanghiyang HR!!! Hahahaha.
Dati-rati, pag call center ka, people will say “WOW! talaga?” pero NOW, kiver! Gone are the glorious days of being a call center kyuti. Sobrang naging familiar na tayo sa ganitong klaseng work and admit it, yes you, dumating sa puntong nauumay na kayo sa mga kaibigan nyo na nasa call center lahat, diba? Parang walang direction ang ganitong klaseng trabaho. For the meantime lang. Walang dating. Iba pa rin ang maging programmer, CPA, Atty., nars, doctor, teacher etc. Puro gimik. Outing. Team bonding. Well, totoo lahat yan. Kase kung hindi nyo pa alam, ang average sweldo ng isang call center agent is sobrang above minimun kaya keri nila ang gumimik kahit araw araw. Plus napakadaming incentive programs. Imaginin mo ngayon ang sweldo ko na 5 years nang nabuburyo dito. Nakakalula, pramis. Bwahahaha. (*truth is, ang company namin ang pinaka mahirap na call center at pinaka kuripot dahil ang amo namin eh hinde mga galanteng American kundi mga kuripot na TAIWANESE*)
I will be honest, dumating sa point na I’m almost ashamed to admit na sa call center LANG ako nag wo-work. Haller!! Digisikan at Talastasan Pang-Inhinyero kaya ang kinuha ko nun kolehiyo noh! Parang I deserve better! Dapat sana eh Network Engineer ako noh o kaya Telecoms Engineer….hinde slave ng mga kapitalistang kontrol!! lol.
Pero pag iniisip ko na gabi-gabi na no-nosebleed ako sa kaka-blog sa mga bagay na natututunan ko parang it pays off naman kase na-aapply ko naman yung mga LIBUYHABA, DALAS, PANGIBAYO, LAKTOD, KABTOL, DAGIBALNIING LIBOY etc. na inaral ko nung kolehiyo. It’s worth it. Mahirap yata na problemahin ang problema ng ibang tao. Nakakatuyo ng utak. Lalo na sa linya ko na teknikal masyado. Nakaka nosebleed talaga!
Aside from that, mas mahirap ang makipag tuos sa mga Amerikano. Akala nyo madali lang ang trabaho namin. Pero hinde! Hinde! Hindeeeee! Mahirap mag-blog talagang kumausap ng mga Amerikano noh! Lalo na pag spontaneous na usapan like:
Oh how’s the weather like in the Philippines?
Eto ang classic kong sagot:
“I’m far from the window”
Eto pa ang madalas itanong sa kin:
“What’s the temperature there?”
“38-40 degree celcius” (may lagnat, hahaha)
Tapos biglang ipapa convert sa ‘kin sa Fahrenheit. Toinks!
At ang madalas kong blooper pag mag ho-hold ng kliyente:
“Can I hold you?”
“Where, where, anywhere is fine!”
Anak ng! Minsan tong mga Amerikanong to, akala lahat ng Filipina eh pang mail order bride.
Hay kaya gabi-gabi pasan pasan ko ang daigdig. Lalo na pag mga network administrators na maangas ang natsa-tsambahan ko at mga intimidating… Sobrang kelangan matindi ang staying power mo para makatagal sa ganitong environment. Ika nga, only the fittest survive.
Kaya dun sa mga umaalipusta sa kagaya kong call center kyuti, pwes, ihanda nyo ang mga sarili nyo dahil ipapamukha ko talaga sa inyo na kung wala kami at walang mga call centers, mamamatay ang Industry ng mga gimikan sa Eastwood City,Metrowalk, Podium at kung saan saan pa! Mamamatay din ang Industry ng Lucky Me La paz Batchoy at Skyflakes! Babagsak ang industriya ng KAPE sa Pilipinas noh! Pati na din ng EXTRA JOSS!! Kaya don’t you ever dare look me in the eyes and ask,
“You work in a call center?”
“Yes, do you have any problems with that?”
“How lowly and unskilled”
Susungalngalin kitaaaaaaa!! At isaksak ko sa kukote mo na 3.8B not pesosesoses kundi US $$$ ang revenue ng call center industry last year and expected na magiging US$12B in the next 2-3 years to come. Hoyyy! Nakapag generate na ba ng ganyan kalaki yang companya nyo??
Sa puntong ito, iaangat ko talaga ang dangal ng lahat ng mga call center agent sa Pilipinas pati na yung mga nasa India!! Hahaha
Assets kami for your information. We’re contributing 12% into the Philippines’ GNP!!! We provide decent jobs to more than a million of Filipinos. (Hala, naging economist na…lol). Sabi nga ni Janis, may karapatan kaming mag yabang at mag maganda!
Kaya next time, pag may nakilala kayo na taga call center, magbigay pugay at magbigay galang kayo ha!! Seryoso, naalala ko lang yung DEBATE na napanood ko sa TV kung dapat ba na mag work sa call center or hinde. And there was this young girl, sabi nya walang future sa career ng pagiging call center kyuti and dini-discourage nyo yung mga nanonood. Sa ‘kin kase wala naman argumento dun eh, just love what you’re doing and give it your best shot. Kahit anong field pa yan, if you’re not thriving for excellence, wala ka ding mararating. Naks!
Basta ang sigurado ako, next year mag re-resign na kooooooo!!!!! At ayoko na ng call center. LOL
If you liked my post, feel free to subscribe to my rss feeds







































BlogoSquare
27 Comments so far (Add 1 more)