Pinilit ko na maging OKAY

Baket, wala ba akong karapatan mag drama? Minsan lang to, pagbigyan nyo na ko. Gusto kong magpakasasa sa pain! Pinipilit ko lang na matawa kahit na may isyung bumabagabag sa kin lately kaya sinarado ko tong blog ko kahapon. Oi tao kaya ako no kaya kahit na mukhang happing happy ako, gaya nyo, may puso din ako na nasasaktan. Hahaha. Gusto kong i-uplift yung spirit ko kase sa totoo lang na down talaga ako. Kakapiranggot nga lang ang pride ko, nasaling pa. Kelangan ko ng encouragements, I need hugs (charing!), gusto kong i-justify at i-depensa ang sarili ko kase ayokong ma-akusahan at ma-misunderstood pero wala akong abogado na kering magtanggol sa kin ng ganyan. Kanino ba ko huhugot ng strength? Walang kahit gaano kababaw na joke ang pwedeng makapag palabas ng dimples ko as of this moment except this letter I got from my cousin, Adeng.

 

Ang gunggong kong pinsan, may sponkie na ngaba? hahaha, love you te malen, alam mo miss namiss na talga kita, ang gunggong mo kasi, si daoming su ba ang syota mo? ang gunggong kong ate malen, mahal na mahal ko dahil sa kanyang kaharutan. isang araw bigla nalang siyang natutong gumawa ng beads, at ngayo’y pinagkakakitaan niya na, hahaha. temalen, ano okay ba?te malen, alam mo kahit di mo na sabihin alam kong nagtitiwala ka talaga sa akin, hahaha!

lam mo temalen, gumagaling ka na a, parang ang expert mo na talga sumulat and all!

hahahate malen, hangad ko talagang makamtan mo ang mga pangarap na bituin, pinagdarasal ko ngayon sa puso ko na magawa mo ang mga nais mo pang gawin sa buhay. sa tingin ko malayo na ang narating mo, sipag at tiyaga diba? teka, mahaba pa ba ang buhok mo, o nagpagupit ka? naku a,ang masasabi ko lang gusto ko na mahaba ang hair mo, para *o cia! shine na!!!* !!!te malen, salamat sa kabaitan mo sa akin ha.e kamusta naman, diyan ka pa rin sa work mo? goodluck naman, marami bang sponks? hehehe te malen, gogogo ka pa rin a! gusto lang talaga kitang kamustahin, may sponks ka na nga? sponks ba un? ciempre gusto ko para sayo guwapo, matangkad, kahit moreno or maputi,at siyempre, mamah, ung rich! hehehe. ako naman te malen, gusto ko talaga ung mestiso, chinese american, japanese american, bongga! ambisyosatalaga ang apo mo! (ikaw nga ang lola diba! gandang lola mo! hahaha) ikaw gusto mo rin ba ng foreigner? ako seryoso gusto ko talaga, kasi gusto ko ng magagandang anak, e goodluck naman sakin kung magaasawa pa ako ng katulad kong pango, hahaha.ano, okay ka pa? baka nauutot-utot ka na diyan a. lola, galingan mo talaga ha. naniniwala ako sa iyo. at alam mo ba, na ssponksan ako kay rustom. kung hindi lang bakla ang lolo mong yon,baka hinabol ko pa siya! chika!ang bakla ko ba? joke ko lang yan, ang totoo eto ang mga lalaking talagang na ssponksan ako:tom cruise,dingdong dantes, ryan eigenman,michael vartan, owen wilson! ang sponks nia dunsa wedding crashers! hehehe o pano, shine shine shine!!! te malen, hinihiling ko ngayon sa Panginoon na patuloy na pagpalain kayo nina auntie pida, ate cris, kuya tups, kuya ons, inds, uncle paul. maganda ang buhay diba? mahal ko kayo. alam mo ang dami kong paghihirap dito sa ateneo kasi naman insekurada ang apo mo. nanghina ako nang matindi noong huling sem pero ngayon okay na ako, new beginning ito, lola. wushooo!cge, te malen a. unti unti alam kong mararating din natin ang mga pangarap na bituin. ang sigurado, ine-enjoy natin ngayon ang ating mga buhay, napakabait ng Diyos diba

=) kaya shine shine shine tayo! Gogogo te malen!

i love you! keep smiling keep shining! natatawa talaga ako sa mga banat mo, alam mo ba, kaya gogogo! keep up the good work! hooo! thanks te malen! i wish you all the best! kahit sa pagkakataong ito, ang the best na kalagayan ng iyong puso at isip ang the best namahihiling ko para sayo. aja aja aja te malen! fight fight fight!!! nandito lang ako. =)

Ayan, ok na ko bigla. Sobrang na touched ako dyan parang biglang it doesn’t matter anymore if there are some people who doesn’t like me. Yun bang kahit hinuhusgahan ang pagkatao mo, kiver, kase as long as you have your family, some good friends and your God, lahat makakaya mong tanggapin kahit impossible at masakit diba? Parang biglang naka-laklak ako ng isang bote ng ENERVON C sabay talon with matching background music na “anong meron ang taong happy”

I say, Faith, Family and Friends and of course, a blog.

Ang shweeeeet no? Ganyan ang normal na takbo ng usapan naming mag pi-pinsan. Chorvang chorva diba. It runs in the blood talaga. Hahaha. Pero sobrang nawala yung mundong kahapon lang pasan-pasan ko dahil sa sulat na yan. Nabunutan ng espada ang puso kong kahapon lang eh nag i-internal bleeding.

O sya, sya….dito magtatapos ang dramang ito. Period. Exclamation mark. Wala ng kasunod. May lock pa. Wag nyo ng ungkatin dahil hinde ko sasabihin na nag world war 3 kami ni ********** at nag sigawan kami sa email dahil sa youtube, siguro nagsabunutan pa kami nito kung sa personal nangyari. Mahal pa din kita. Sorry talaga ever if I have hurt you in any form – physically, emotionally or verbally. Affected ako masyado dun sa IF IT WAS RIGHT OR LEFT chenes mo na parang gusto ko syang gawing definition ng blog ko:

CHUVANESS

Nosebleeding at its finest! I don’t know if it was right meeting You!!!

Pero hindi talaga kita ipapahamak, ever. Forgive and forget na.

Kung pagsisimulan to ng World War 4, kiver, i b-blog ko lang sya and am sure, mapapanatag na ko. Tapos, pagsisimulan ng World War 5, 6, 7 , 8 and so on and so forth. Ansaya-saya diba. I’m ok na talaga, tapos na UNOS between us. Sobrang hinde lang talaga ako mapakali na hinde ko na i-b-blog bawat detalye ng buhay ko.LOL

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

8 Comments

  1. bti naman at bumalik na ang nosebledding power mo…..we all have a down moments….paslamat ka at normal ka…..naka bounce back ka…dats my gurlL!

      ahahah. babangon akooo at dudurugin ko silaaaaaaaa. lol. naku buti na lang normal ako at di ko kayang mawalan ng ulirat. actually, simple lang talaga yun, inexaggerate ko lang…hahahha
  2. Naku Ineng, musmos ka pa nga kumpara sa lola mo na itesh..ayos lang yan…pagsubok sa buhay..

    ang importante, nandito ka na ulit, yihaaaa!! At maraming salamat ulit sa mp3…tawa ako ng tawa sa lyrics (lyrics nga ba yun? *lol* )

    Keep smiling….hugs from Holland ~ lola tekla

      Naku Lola, salamat! Mga pagsubok lamang yan…wag mong isukooo ang laban!!! I’m OK na talaga. It’s OK lola, nakaka hyper yang mp3 na yan parang pag narinig mo…burado lahat ng problema. lol. Teka lola, marami ba talagang tulips jan sa holland?
  3. nako what’s this? Hindi nako updated 🙁 I hope you’re feeling ok na… :em33:

      OK na lizzie. Hehehe. Uyy, kain tayo ulet. Same pa din off natin 4. Txt txt. Mon will be fine. Ano, oks ka?
  4. oi mare ano itech?! kalabiton moko pag on line ka at pagmeetingan natin yan. gawan natin ng plan A-Z.

    Pag kelangan ng resbak dito lang ako. 😉 wabyu..

      ahahaha. resbak? mare, fight fight fight ka talaga. Hahahaha. Gurlscout, laging handa. May PLAN A-Z pa…anubah, pano pang plan Z na eh palpakacious pa den? Ahhh…plan 1 2 3 4 ever naman!!!! LOL. palengkerang-palengkera ang dating natin jojitah. hahahha
  5. i feel you mare, buti at nailabas mo na at nd sa pwet nanggaling! =) sensya na ha nd talaga ko marunong magpatawa eh :em41: .. basta you know that i luv yah :em66:

      inferness to you mare, natawa ako talaga ng malakas…..kase kahapon yan din sinabi mo sa kin sa chat eh. ganyang ganyan! hahahah. i luv yah tooo pusaa…pa kiss nga! *magagalit sa diwa* PIS
  6. HAY NAKU! Napakasimple nang problema mo. TITIGAN MO LANG litrato ko, tanggal yan at OK ka na. Hmpt!

      epektib nga!!!! tinitigan ko tapos bigla akong natawa..naalala ko ang mga kabaliwan mo dito sa maynila. wushoooo!!
  7. Malen. It’s good your ok. even on the SMS your too cold. Tama nga hinala ko something’s bothering you. Anyhow kung sino man yan nakasabunutan mo sa monitor (haha) eh pihadong nararamdaman nya rin yung feeling mo. Usap lang yan at kaunting sugpo solve na. haha.

    dito lang ako kahit may XXXXX ka na hahahahahahahaha… Biro lang oooops baka madulas lol

    PS> Ano html code ginagamit mo para mag highlight? gusto ko ringumamit nyan.. catchy sya pag may gusto ako iemphasize….

    smile na sayang ang dimples mo sa behind LOL LOL

      drama anthology ba….pero eklavu lang yun. SUGPO?? waaaaahh..padalhan mo naman kami nyan dito bluep! XXXXX – mahal ko na talaga yan! hahahhaha…yung pang highlight, part yata ng theme eh pag naka Italics, automatic na hi-highlight

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *