MAKIBASA MUNA:
Barak! Trugarez! Bakhshish! Barkal! Barkalla! Tinotenda! Twalumba! Yokoke! Kili so! Tavtapuch! Urako! Kitatamihin! Shukuriyyaa! Vinaka vakalevu! Kiitti! Ogiwadong! Kwakwhá! Kotohuadan! Chavucha! Manbote! Wafwa ko! Misaotra! Manumeimi! Kommol tata! Baika! Tingki! Cutahvixieensa! Bayarlalaa! Fakaaue! Buznyg! Yusulpaykinsunki! Bakhshish! Istuti! Tangur! Fakafetai! Dyakooyu! Bareka! Fofo! Xisrigidisddhinh! Ttaubotneanauayean! Namasmasuk! Malimali! Jocolawal! Siyabonga!!!!
ANAK NG NOSEBLEED YAN!!!
Eto po ang translation ng lahat ng yan:

Thenk ye PARISUKAT, AMBO and JOJITAH for this badge. Sobrang na-appreciate ko na you consider me as your friend.
The thing that I love most about this whole blogging thing is the chance that I get to meet some of the BEST people in this world. Abah! Sa mundong ginagalawan ko, bihirang mangyari yun dahil puro palpak ang mga nakakasalamuha ko noh. Thank you kase nung time na sobrang broken hearted ako and depressed because my boyfriend for 5 years left me for another woman, di nyo lang alam, pero kayo ang naging araw araw na dahilan para mabuhay ako at makapag-move on. CHUROSSS!! Ahahaha. Masyado lang akong nadarang sa ONE MORE CHANCE ni Bea and John Lloyd eh.
Seriously, thank you for making my life crazier than ever dahil kasama ko na kayo araw-araw. Gusto kong ialay ang badge na to sa mga tao na naging talagang remarkable sa blogging life ko lately.
-
Ang isasakdal ko sa pedestal ay ang pers lab kong si REYNAELENA. Vaklush, you always have a way of putting the BIGGEST SMILE in my face. Salamat sa lahat lahat lalo na sa friendship mong balahura! Thank you sa lahat ng libre mo sa ‘kin kahit na kung tutuusin isang MISTER DONUT COFFEE lang ang nailibre ko sayo ever worth 25pesos at may pagdadamot pa iyon. Pag narating ko na ang level mong YOUR ROYAL HIGHNESS, ako naman ang mag t-treat sayo ng ALL EXPENSE PAID CARIBBEAN TOUR! Churos!
-
To Bluepanjeet, salamat sa napaka warm na pag-welcome mo and your family. Talagang Pinoy hospitality at its finest! Salamat din sa matyagang pagtuturo ng Photoshop at pag refer sa PAGE.PH. At higit lalo, salamat sa advance mong gift na 3 NIKE SHOES size 6 pagdating mo sa Amerika. Yipeeeee! Pakisamahan ng madaming toblerone, MnM at kung anu-ano pa, try kong i-share sa kapwa ko mahirap.
-
Thank you, your DIVANESS JOJITAH sa bawat ngiting dulot ng nakakagigil mong blue curlers. Akala ko isa kang likha lang ng ilusyon. Totoo ka pala! Na-enjoy ko ang moments natin sa MOA at ang panonood natin sa IMAX ng ONE MORE CHANCE kahit na nagkanda dokleng ang kirat kong mga mata sa sobrang lapit natin sa screen.
-
Thank you MOGLi dahil TOP 42 ako sa TOP 300 List mo. Akalain mo yun? Sa milyong-milyon blagista, napasama ako sa prestihiyosong listahan mo. bords, it is an honor to be listed sa blogroll ng isang future Nobel Prize Recipient. Echos!
-
To AMBO, salamat sa regalo mong DOMAIN na bunga lang ng imagination at kasinungalingan. Hahahaha. Pati sa template na ipapamana mo sa kin at yung libre mo sa min sa MOA, tenk yu in advance. Pati pala yung mga recommended plugins tsaka yung pag install nun Adsense dito.
-
Thank you JEANGREY sa lahat ng tulong mo nung ako’y nagkukumahug sa pag iinstall ng WP. Utang ko sayo ang success ng aking dot com.
-
Thank you DJ AZRAEL sa mga 5 nakakalukring na headers! Nagkaroon ng konting class ang blog ko ng dahil sayo!
-
Thank you manay cheH and manay BENG kase idol ko talaga si INDAY and natutuwa ako pag tinatawag nyo akong INDAY CHUVS. Ahahahaha
-
Thank you K! sa pagpapaunlak mo ng makabagbag damdaming STUCK ON YOU. Yan kase ang theme song namin nun 1st love ko nun naghiwalay kami sa loob ng sinehan kaya sobrang memorable nun. Kinabog mo si Lionel Ritchie sa version mo, in all fairness.
-
Thank you PUSA sa friendship at kumpetensiya against J and sa lahat ng dulot mong insekyuridad sa buhay ko.lol. Salamat din sa libreng taxi kahit na gusto ko sanang ako na magbayad baka sabihin mo poorness ako at mukhang libre lage.
-
Thank you Parisukat sa walang sawang pag cha-chat sa ‘kin at sa walang sawang pag ta-tag at pagbibigay ng award. Ramdam ko na may crush ka na sa kin. Churosss!! Hahahaha. Seryoso, salamat, your friendship means a lot! (uyy, rhyme pa yun oh)
-
Mami Kengkay, salamat sa pagtangkilik sa kaartehan ko. Ikaw ang unang kliyente ko na mula pa sa ibang lupain kaya ka-kareerin ko yang 2 in 1 belt/necklace na yan.
-
Thank you WPP Community esp to MARU! Hinding hindi ko makakalimutan yung tinuro mo na pag-edit ng comments! lol. Ikaw ang tumapos ng depression ko sa kakahanap ng ganun plugin. Na-touched ako nun binigyan mo ako ng access para mapanood yung mga SHOW mo. Hahahaha
-
Salamat kay Diwa and Chuva kase alam ko na circle of social climbing friends na tayo kahit itakwil nyo pa ko.
-
Thenk ye kotsengkuba para sa plugin ng mga nakakalukring na smileys dito.
-
salamat manilenya para sa pakikibaka! ibagsak ang imperyalistang kontrol!!! Viva PUP!! hahahahha
-
iRonnie salamat sa comment na to:
“sayang may nosebleed.com na pala” - dyan ko nakuha ang mynosebleed.com HAHAHAHHAHA
-
Thank you Amy, Lizzie, Lui, Janis, Pring, Hannah and Eva. Kahit na panaka-naka ang ating communication, gusto kong malaman nyo na nakaukit na ang mga blog nyo sa puso ko. Chuross!
-
Salamat Ruthie, MIMI and Syana para sa friendship na inaamag na! 1996 pa lang nag b-blog na po kami ng apat nato. Magparamdam kayooo dahil sobrang miss na miss ko na kayoooo!
-
At sa lahat ng mga hinde ko na mention na nakitawa, naki-chenes, naki-chorva, naki-chenelie, naki-charing, nainis, naki-spam, nakigulo at naki-social climb…..

KINANASKOMITINAWAW FROM THE BOTTOM OF MY HEART!!!!!
If you liked my post, feel free to subscribe to my rss feeds







































BlogoSquare
14 Comments so far (Add 1 more)