Kinanâskomitinawaw!!

MAKIBASA MUNA:

Barak! Trugarez! Bakhshish! Barkal! Barkalla! Tinotenda! Twalumba! Yokoke! Kili so! Tavtapuch! Urako! Kitatamihin! Shukuriyyaa! Vinaka vakalevu! Kiitti! Ogiwadong! Kwakwhá! Kotohuadan! Chavucha! Manbote! Wafwa ko! Misaotra! Manumeimi! Kommol tata! Baika! Tingki! Cutahvixieensa! Bayarlalaa! Fakaaue! Buznyg!  Yusulpaykinsunki! Bakhshish! Istuti! Tangur! Fakafetai! Dyakooyu! Bareka! Fofo! Xisrigidisddhinh! Ttaubotneanauayean! Namasmasuk! Malimali! Jocolawal! Siyabonga!!!!

ANAK NG NOSEBLEED YAN!!!

Eto po ang translation ng lahat ng yan:

 

 

  THANK YOU! 

Thenk ye PARISUKATAMBO and JOJITAH for this badge. Sobrang na-appreciate ko na you consider me as your friend.

The thing that I love most about this whole blogging thing is the chance that I get to meet some of the BEST people in this world. Abah! Sa mundong ginagalawan ko, bihirang mangyari yun dahil puro palpak ang mga nakakasalamuha ko noh. Thank you kase nung time na sobrang broken hearted ako and depressed because my boyfriend for 5 years left me for another woman, di nyo lang alam, pero kayo ang naging araw araw na dahilan para mabuhay ako at makapag-move on. CHUROSSS!! Ahahaha. Masyado lang akong nadarang sa ONE MORE CHANCE ni Bea and John Lloyd eh.

Seriously, thank you for making my life crazier than ever dahil kasama ko na kayo araw-araw. Gusto kong ialay ang badge na to sa mga tao na naging talagang remarkable sa blogging life ko lately.

  1. Ang isasakdal ko sa pedestal ay ang pers lab kong si REYNAELENA. Vaklush, you always have a way of putting the BIGGEST SMILE in my face. Salamat sa lahat lahat lalo na sa friendship mong balahura! Thank you sa lahat ng libre mo sa ‘kin kahit na kung tutuusin isang MISTER DONUT COFFEE  lang ang nailibre ko sayo ever worth 25pesos at may pagdadamot pa iyon. Pag narating ko na ang level mong YOUR ROYAL HIGHNESS, ako naman ang mag t-treat sayo ng ALL EXPENSE PAID CARIBBEAN TOUR! Churos!

  2. To Bluepanjeet, salamat sa napaka warm na pag-welcome mo and your family. Talagang Pinoy hospitality at its finest! Salamat din sa matyagang pagtuturo ng Photoshop at pag refer sa PAGE.PH. At higit lalo, salamat sa advance mong gift na 3 NIKE SHOES size 6 pagdating mo sa Amerika. Yipeeeee! Pakisamahan ng madaming toblerone, MnM at kung anu-ano pa, try kong i-share sa kapwa ko mahirap.

  3. Thank you, your DIVANESS JOJITAH sa bawat ngiting dulot ng nakakagigil mong blue curlers. Akala ko isa kang likha lang ng ilusyon. Totoo ka pala! Na-enjoy ko ang moments natin sa MOA at ang panonood natin sa IMAX ng ONE MORE CHANCE kahit na nagkanda dokleng ang kirat kong mga mata sa sobrang lapit natin sa screen.

  4. Thank you MOGLi dahil TOP 42 ako sa TOP 300 List mo. Akalain mo yun? Sa milyong-milyon blagista, napasama ako sa prestihiyosong listahan mo.  bords, it is an honor to be listed sa blogroll ng isang future Nobel Prize Recipient. Echos!  

  5. To AMBO, salamat sa regalo mong DOMAIN na bunga lang ng imagination at kasinungalingan. Hahahaha. Pati sa template na ipapamana mo sa kin at yung libre mo sa min sa MOA, tenk yu in advance. Pati pala yung mga recommended plugins tsaka yung pag install nun Adsense dito.

  6. Thank you JEANGREY sa lahat ng tulong mo nung ako’y nagkukumahug sa pag iinstall ng WP. Utang ko sayo ang success ng aking dot com.

  7. Thank you DJ AZRAEL sa mga 5 nakakalukring na headers! Nagkaroon ng konting class ang blog ko ng dahil sayo! 

  8. Thank you manay cheH and manay BENG kase idol ko talaga si INDAY and natutuwa ako pag tinatawag nyo akong INDAY CHUVS. Ahahahaha

  9. Thank you K! sa pagpapaunlak mo ng makabagbag damdaming STUCK ON YOU. Yan kase ang theme song namin nun 1st love ko nun naghiwalay kami sa loob ng sinehan kaya sobrang memorable nun. Kinabog mo si Lionel Ritchie sa version mo, in all fairness.

  10. Thank you PUSA sa friendship at kumpetensiya against J and sa lahat ng dulot mong insekyuridad sa buhay ko.lol. Salamat din sa libreng taxi kahit na gusto ko sanang ako na magbayad baka sabihin mo poorness ako at mukhang libre lage.

  11. Thank you Parisukat sa walang sawang pag cha-chat sa ‘kin at sa walang sawang pag ta-tag at pagbibigay ng award. Ramdam ko na may crush ka na sa kin. Churosss!! Hahahaha. Seryoso, salamat, your friendship means a lot! (uyy, rhyme pa yun oh)

  12. Mami Kengkay, salamat sa pagtangkilik sa kaartehan ko. Ikaw ang unang kliyente ko na mula pa sa ibang lupain kaya ka-kareerin ko yang 2 in 1 belt/necklace na yan.

  13. Thank you WPP Community esp to MARU! Hinding hindi ko makakalimutan yung tinuro mo na pag-edit ng comments! lol. Ikaw ang tumapos ng depression ko sa kakahanap ng ganun plugin. Na-touched ako nun binigyan mo ako ng access para mapanood yung mga SHOW mo. Hahahaha

  14. Salamat kay Diwa and Chuva kase alam ko na circle of social climbing friends na tayo kahit itakwil nyo pa ko.

  15. Thenk ye kotsengkuba para sa plugin ng mga nakakalukring na smileys dito.

  16. salamat manilenya para sa pakikibaka! ibagsak ang imperyalistang kontrol!!! Viva PUP!! hahahahha

  17. iRonnie salamat sa comment na to:

      “sayang may nosebleed.com na pala” – dyan ko nakuha ang mynosebleed.com HAHAHAHHAHA

  18. Thank you  Amy, Lizzie, Lui, Janis, Pring, Hannah and Eva. Kahit na panaka-naka ang ating communication, gusto kong malaman  nyo na nakaukit na ang mga blog nyo sa puso ko.  Chuross!

  19. Salamat Ruthie, MIMI and Syana para sa friendship na inaamag na! 1996 pa lang nag b-blog na po kami ng apat nato. Magparamdam kayooo dahil sobrang miss na miss ko na kayoooo!

  20. At sa lahat ng mga hinde ko na mention na nakitawa, naki-chenes, naki-chorva, naki-chenelie, naki-charing, nainis, naki-spam, nakigulo at naki-social climb….. 

KINANASKOMITINAWAW FROM THE BOTTOM OF MY HEART!!!!!

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

16 Comments

  1. anong lingo na naman ba yan? ibulong mo sa kin kong saang diksiyonaryo mo yan nakuha para ma update ko obsolete kong vaklush sprache. :em36: :em39:

      nyahahaha…manay beng, hinde vaklush yan! ahahaha..nakakaloka ang mga translations nila ng THANK YOU…madami pa yan nabasa ko lang somewhere.

      Namasmasuk Manay! Mwaaaaahh!

  2. bords… hahahaha no problem… basta ipagdasal mo lang ako…

    oist binigyan din kita nitong award na ito ha, di mo lang siguro napansin kasi sa dami ng updates ko nung minsan.

    thanks you for keeping my secrets hahahahaha… sana….

    cge, see you soon sa examination day ko, we will meet, review mode muna ako bords at talagang super cramming na ako… feelingko wala pa ako alam ano ba yan… kalbona nga kilay ko..

    God Bless and thank you so much for the friendship. I’m really touched. Youare one of my angelshere in the blogosphere.

    Pax et Bonum

    PS… Oist yung email kosayo di mo pa nirereply 🙁

      nabasa ko nga yun…kasama ba ko dun? tenchu tenchu. don’t worry your secrets are safe with me. God bless sa review. O sya sya kita kits tayo sa dec 26 yun diba? bday ni aimzster yun!!! angel in disguise lang. hehe

      ine-edit ko pa kase yung pix eh..papadala ko yung reply ko soon.

  3. KINANASKOMITINAWAW TU Malen! Napasaya mo na naman ako sa post na ito, hehe… :em66:

      MISSY!!!!! hahah, ang hirap sabihin ng kinanaskomitinawaw!! tenshu missy for being always nice. Labyu! Mwaaaaah!
  4. uy, bords ang bait-bait mo talaga! isa rin lang akong hamak na social climber dito, kaya wag mo naman masyadong taasan ang expectation mo sa akin. hahaha! birds of the same feather, are the same birds, ika nga…huh?! tama ba yun? :em41:

    yung boypren mong nang-iwan sa iyo, it’s his lost! na pi-feel ko ang aura mo through my computer screen at kung alam lang nya siguro kung gaano ka-gininituan ang puso mo, malamang nagsisisi yun!

    bords, marunong ka palang mag a la matrix sa ere. may lahi ba kayong ninja? LOL.

      BORDS!!!! sino nagsabing mataas ang tingin ko sayo??! Ano ka bah! dyos ang tingin ko sayo noh! hahahhaha. ayos yang computer mo bords ah. may buhay, may feelings. tsaka gymnast ako dati bords, hindi ninja. lol
      na touched ako sa msg mo mogli. totoong totoo. churosss! hahaha. pero tenkyu. mwaaaaah!
  5. happy to have served you… without me knowing it. :em32:

      akala ko happy to serve you kahit walang kapalit. hehehe. yan may utang ako sayo..name your price. achecheh! yung kaya ko lang ha
  6. Walang anuman. Maraming salamat din kapatid. Kahit inokray okray mo muna ako bago mo ako pasalamatan! :em70:

      tenk yu talaga sa friendship ambo. joke lang yun, wag ka masasaktan sa mga jokes ko kase joke nga lang yun eh.
  7. you’re welcome =) salamat din po, insekyur ka jan!!! mwah am so glad that i met you, in pernes pareho tayo ng drama sa buhay na iniwan ng jowa wahhhhhh :em61:


      PUSAAAAAAAA…joke lang yun dear. nagagandahan at nase-seksihan kase ako sayo! stay pretty! mwaaaaaaah! see yah soon
  8. base sa commentluv mo e di ko maintindihan yung title ng post mo lol e pagbungad na pagbungad ko dito talaga palang di ko maintindihan hehehhe praning! lol!

    salamat mare!!!
    Ibagsak nga ang Imperyalismo, Burukrata Kapitalismo at si GLORIA MISMO!

      ahahaha….aktibista ka talaga nalen! siguro isa ka dun sa mga nag we-welga noon sa PUP…sayang di tayo nag kabanggaan sa lagoon.
  9. Malennnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn!!! putcha, buti naman nakahabol ako sa pwends mo kahit na number 14 ako, at may ka-tie pa. hmmmff!! chablog!

    thanks din dahil kahit na hindi ako nakasama sa EB ninyo, alam kong naghihintay kang naka upo riyan sa tabi ng simbahan ng baclaran habang na-ka shades ka..sa pag-uwi ko next year!! ha-ha-ha!

    salamat ulit, at huwag kang mag-alala — paduduguin ko ang ilong ng maynila pag dating ko dinetch!

    at tatlo pala tayo nila pusa na iniwan ng jowavitch! rampa na mga kafatid!!!!!!!!!! :em33:

      hahaha, may ranking din no? ilove you chuvaaa..will wait for you here sa baclaran. aabngan ko ang “MAYNILA sa KUKO ni CHUVAAA” next year! lab it!

  10. Hi Malen, thanks for the mention. If only I have a much much faster internet connection, I’ll sing MORE for you, just wait till I got a new professional microphone, a wireless broadband and a better voice.

    btw: anong ibig sabihin ng title post mo? Mahanap kaya sya ng google? Kinsa man?

      it means Vielen Dank!!! 🙂 more power to your singing career K! love your voice, really.
  11. iba ibang kulay gusto ko ha 😀

      tenchu mami! kakareerin ko yan! hehehe..bigla ako nagka interest mag beads ulet kase lately, nauubos ang spare time ko sa pag b-blog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *