The Search for the 2008 Philippines 10 Best Humor Blogs is on!
Eto na ang Talent Search na kakabog sa lahat Talent Search sa Pinas!!!! Ang search para sa mga nakaka-kabag, nakaka-ngawit ng panga, nakaka- manhid ng pisnge, nakaka-kiliti at ang walang kupas na mga Pinoy Humor Blogs. Ang mga taong nakakapag palabas ng dimple ko sa mukha pati sa pwet. Ang aking stress reliever, pain killer at energy booster. Presenting, my TOP 5 entries for the most nakaka-lurkey blogs sa sanka-blogosphere! Tsaraaaaan!!!
1. REYNAELENA - Isang Triple Social Climber at Ambisyosang Reyna Emperadora ng mga OFWs
2.JOJITAH - Unleash the Diva in her and let the BLUE curlers talk.
3. MARUISM - Pulburon Eating-FHM Cover Girl. Ang Dyosa na nagkatawang tao na napadpad sa lupain ng Iligan City.
4. JON CABRON - Gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit.
5. MALDITO - Ang ADIK kay MAJA SALVADOR na secret agent, jack of all trades and the official retarded of the Philippines.
Makibaka sa krusadang ito at manalo ng limpak limpak na salapi sponsored by the one and only Ex-Genius, Insanely Hilarious Boy Tikol na mahilig makipag-patintero sa MMDA - BADOODLES
Paraan ng Pagsali:
1. Kailangang may sarili kang blog.
2. Iboto ang iyong 3-5 peyborit humor blogs sa pamamagitan ng pagpo-post tungkol sa mga ito sa iyong blog. I-rank ito mula Number 1 hanggang Number 5.
3. Ang mga binotong humor blogs ay magkakamit ng kaukulang boto:
- Number 1 – 5 votes
- Number 2 – 4 votes
- Number 3 – 3 votes
- Number 4 – 2 votes
- Number 5 – 1 vote
4. Ang title ng iyong post ay pwedeng “Project Lafftrip Laffapalooza”, “Super Cool Blogs”, “Best Humor Blogs”, “5 Blogs Na Nakakatawa” o kahit anong title na maisip.
5. Ang iyong post ay pwedeng in ispokening inglis o Tagalog.
6. Sa iyong post kelangan mong banggitin na sumasali ka sa Project Lafftrip Laffapalooza at i-link ang site ng http://kwentongbarbero.com
7. Kung sa tingin mo ay isa ka ding humor blog, pwede mong iboto ang sarili mo. Matapos naming i-evaluate kung humor blog ka din, ay sasabihan ka namin kung qualified ka nga.
8. Tandaan, tatlo hanggang lima lang ang pwedeng iboto. Hindi pwede ang tie sa iyong ranking.
9. Mag-iwan ng comment sa page na ‘to para malaman namin kung may pinost ka nang peyborit blogs sa blogsite mo under Project Lafftrip Laffapalooza.
10. Kung sakaling papalitan ang ranking ng mga binoto o kaya may papalitan kang peyborit blog [nag-LQ kayo, hindi bati, etc], kelangang i-inform kami. 11. Heto ang sample entry ng pagboto.Premyo
1. Kung ang kahit isa sa mga binoto mo ay makapasok sa final tally ng Top 10, makakasama ang pangalan mo sa bubunuting raffle ng isang independent third party committee. Ang isang mabubunot ay pipili ng kanyang magiging premyo [isa lang sa mga sumusunod]: Nokia N70 Music Edition, Sony Cybershot Digital Camera, o halagang 15,000 pesos.
2. Ang mga makakapasok naman sa Philippines 10 Best Humor Blogs ay makakatanggap ng certificates at exclusive bragging rights. Ang Top 3 sa mga ito ay makakatanggap ng ‘Oscars of Blogging’ na tropeo. Ang mga mananalo ay i-aanounce sa site na ‘to sa 2008.
May tanong? Email na lang sa dwmx2@yahoo.com
Sali na. Daliiiii!! Social Climbing ito!! Ang manalo WINNER!
If you liked my post, feel free to subscribe to my rss feeds






































BlogoSquare
7 Comments so far (Add 1 more)
One Trackback
[…] Project Lafftrip Laffapalooza by Chuvaness […]