Project Lafftrip Laffapallooza

The Search for the 2008 Philippines 10 Best Humor Blogs is on!

Eto na ang Talent Search na kakabog sa lahat Talent Search sa Pinas!!!! Ang search para sa mga nakaka-kabag, nakaka-ngawit ng panga, nakaka- manhid ng pisnge, nakaka-kiliti at ang walang kupas na mga Pinoy Humor Blogs. Ang mga taong nakakapag palabas ng dimple ko sa mukha pati sa pwet. Ang aking stress reliever, pain killer at energy booster. Presenting, my TOP 5 entries for the most nakaka-lurkey blogs sa sanka-blogosphere! Tsaraaaaan!!!

1. REYNAELENA – Isang Triple Social Climber at Ambisyosang Reyna Emperadora ng mga OFWs

2.JOJITAH – Unleash the Diva in her and let the BLUE curlers talk.

3. MARUISM – Pulburon Eating-FHM Cover Girl. Ang Dyosa na nagkatawang tao na napadpad sa lupain ng Iligan City.

4. JON CABRON – Gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit.

5. MALDITO – Ang ADIK kay MAJA SALVADOR na secret agent, jack of all trades and the official retarded of the Philippines.

Makibaka sa krusadang ito at manalo ng limpak limpak na salapi sponsored by the one and only Ex-Genius, Insanely Hilarious Boy Tikol na mahilig makipag-patintero sa MMDA – BADOODLES

Paraan ng Pagsali:

1. Kailangang may sarili kang blog.

2. Iboto ang iyong 3-5 peyborit humor blogs sa pamamagitan ng pagpo-post tungkol sa mga ito sa iyong blog. I-rank ito mula Number 1 hanggang Number 5.

3. Ang mga binotong humor blogs ay magkakamit ng kaukulang boto:
Number 1 – 5 votes
Number 2 – 4 votes
Number 3 – 3 votes
Number 4 – 2 votes
Number 5 – 1 vote

4. Ang title ng iyong post ay pwedeng “Project Lafftrip Laffapalooza”, “Super Cool Blogs”, “Best Humor Blogs”, “5 Blogs Na Nakakatawa” o kahit anong title na maisip.

5. Ang iyong post ay pwedeng in ispokening inglis o Tagalog.

6. Sa iyong post kelangan mong banggitin na sumasali ka sa Project Lafftrip Laffapalooza at i-link ang site ng http://kwentongbarbero.com

7. Kung sa tingin mo ay isa ka ding humor blog, pwede mong iboto ang sarili mo. Matapos naming i-evaluate kung humor blog ka din, ay sasabihan ka namin kung qualified ka nga.

8. Tandaan, tatlo hanggang lima lang ang pwedeng iboto. Hindi pwede ang tie sa iyong ranking.

9. Mag-iwan ng comment sa page na ‘to para malaman namin kung may pinost ka nang peyborit blogs sa blogsite mo under Project Lafftrip Laffapalooza.

10. Kung sakaling papalitan ang ranking ng mga binoto o kaya may papalitan kang peyborit blog [nag-LQ kayo, hindi bati, etc], kelangang i-inform kami. 11. Heto ang sample entry ng pagboto.Premyo

1. Kung ang kahit isa sa mga binoto mo ay makapasok sa final tally ng Top 10, makakasama ang pangalan mo sa bubunuting raffle ng isang independent third party committee. Ang isang mabubunot ay pipili ng kanyang magiging premyo [isa lang sa mga sumusunod]: Nokia N70 Music Edition, Sony Cybershot Digital Camera, o halagang 15,000 pesos.

2. Ang mga makakapasok naman sa Philippines 10 Best Humor Blogs ay makakatanggap ng certificates at exclusive bragging rights. Ang Top 3 sa mga ito ay makakatanggap ng ‘Oscars of Blogging’ na tropeo. Ang mga mananalo ay i-aanounce sa site na ‘to sa 2008.

May tanong? Email na lang sa dwmx2@yahoo.com

Sali na. Daliiiii!! Social Climbing ito!! Ang manalo WINNER!

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

8 Comments

  1. abah abah bongga mga premyo!! boto ko ang reyna at ikaw sepsep hahaha

      MANAY CHEH!!! honga, bonggang bongga! kabog ang 10K na pa-kotes ni reynaelena. hahahahha
  2. teka at makagawa nga ng humor blog, sayang pera din yan, kahit pesoses papatusin ko lol, kahit pa kamo ringit o dinar ang pa price nyo bwehehe…

      go! :em20: kaperahan nga iyan. dalii, join the bandwagon!
  3. Naluha ako….teka pano ba lumuha?waaaaaaaa!!o cge…gagawa din ako ng aking line up para sa patintero…..hehhe..at isa ka na dun..sepsep/..hahaa :em51:

      uyy na-touched. hahahah. returning the favor ba itetch?? pero sis err bro keep it up…nakakatuwa ang mga rantings mo and i have this feeling na mas FINK ang dugo mo kesa sa kin..ahahhaha! :em47:
  4. masyado, hindi talaga maaari bomoto mga reader lang? di bale abangan ko na nga lang.
    ok talaga ang mommy, ate maru at jon cabron, ung maldito at jojitah nde pa ata ako naliligaw sa blog nila, mahanap nga.

      naku, i’m not sure about that…wala ka ba talagang blog? ahmmm…i will stalk you!
  5. AVA! AVA! AVAHHHH!!! hahaha! kelangan panalunin naten yang perang yan mga athcheng para sa susunod na santacruzan sa pinas!!! maraming salamat sa publisidad ever! sige! tawagin lahat nang mga diwatitas at diwatitos!!!

      may bayad ang lahat ng publisidad ko sayo hoooyyy!! ano ka siniswerte!!? ahihihihi…pero sana MANALO ka ever!
  6. patawarin mo ko baklahhh! ngayon ko lang nabasa to. waaah! nways, maraming salamat sa pag nominate. waaahhh tats ako!

      you deserve it maru! cheers para sa tin! hahahahha
  7. Pingback: Laffalooocheewa

Leave a Reply to MARU Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *