humor blog, nosebleed, engrish, make money online, nosebleed, wentworth miller girlfriend, wentworth miller, earn while blogging, prisonbreak
headermask image

header image

Up Close and Personal with Reyna Elena Part III

Ok, so here’s another EB story to share to yah all. ENJOY!!!

I called Reynz at around 5:30AM, tulog pa ang lola ko at di pa naliligo, mukhang di nagpakatulog. Baket kaya?! Ok, so kelangan pa daw nyang mag init ng tubig. Ok, for our next TRIVIA, ang ating royal highness ay naliligo ng GATAS kaya maputi! Hahaha. Yan ang ibidinsya ng legs nyang kasingputi ng bulak at kasing kinis ng porselain!

CALL TIME is 7AM @ Chowking Cubao. We had breakfast muna tapos go na kami ng Alabang to meet Ambo. Ayan pala ang rason kung baket di nakatulogang Reyna. May ihahatid kami sa Tagaytay! Anobeh! lol

Grabeng traffic!! It’s Monday pa naman tapos medyo may rain shower pa so parang bad trip na ang lola ko sa pag d-drive. I-meet daw namin si AMBO sa ilalim ng bridge sa may Alabang…eh ang haba haba kaya ng bridge!! Hahaha.

Finally, ready to go na din kaming 3. Kanda lukring kaming while travelling kase nakikinig kami kay Christsuper at Nicoleyala, nalurkey kami sa mga trulalung chenes na walang halong eklavu! LOL. So may I patugtog ang radio station ng “I WANT YOU TO BURN…BURN FOR ME BABY…LIKE A CANDLE IN THE NIGHT…” Hahaha…debate kaming 3 kung sinong kumanta, basta ang alam ko si Natalie Imbruglia, diba, sya yung kumanta ng “I WANT YOU TO TORNTORN FOR ME BABY…LIKE A CANDLE IN THE NIGHT…. Hahaha. Pinagpipilitan ng Reyna na nag s-start daw sa letter D ang name nya at tiga-Australia. Si Dyuwel? Nope. Ahh sya nga! Si DINA ARENA!!lol

At dahil mahaba nga ang byahe, kelangan ng REYNA mag stop over sa McDO hinde para mag CR kundi para mag kape! TRIVIA ulet, addictus sa coffee ang lola nyo!

At dahil sa sobrang prepared namen, nag byahe kami ng walang map!! So medyo lukring kami kakahanap kung nasan na ba kami, plus nagsimula yung sketch ni Bluep sa Sariaya! Eh pano naman ang way from Manila to Sariaya? Buti na lang excellent ang aming your royal higness driver.

Finally, narating na din namin ang Quezon! Hinde naman kami masyadong ADIK jan no?

Posing # 1

Posing # 2

Posing # 3

Grabeng natuwa ako sa Quezon kase andami-daming vintage na bahay and structures along the way.

Dahil nga excellent ang Reyna sa mga lakaran, ayan na…natunton din namin ang LUCENA CITY!!!

Malapit na daw kami pero dahil nga walang MAP ayun…umabot kami ng SORSOGON kakahanap sa ISLAND GAS. HELP! Kaya ni-text ko si Bluep ng ganito:

“Bluep, nasan na kami?”

Hahahaha. Paano ba naman, anong petsa na, itong si bluep, di man lang nagt-text kung asan na kami. Eh dahil malapit na kami sa BICOL, we have to call Bluep na para sa mas detalyadong impormasyon. Finally, after 48 years, nakita na namin ang ISLAND GAS na akala namin eh GASOLINE STATION. Asos! ETO PALA ANG ISLAND GAS!!

Ayun! Nalampasan na namin si bluepanjeet.net. Balik!

Eto na papasok na kami sa Hacienda de Bluepanjeet! Wow! Bukid ito! Anobeh! Gusto kong umuwi sa probinsya namin bigla at mag araro!

Ang ganda ng bahay…very modern house sa gitna na bukirin. Ang ganda! Ang presko ng hangin. Hacienda nga ito!!!!!!

Medyo napagod ang Reyna kaya eto, kaya kung saan saan na lang, natulog muna:

Oh my God! Sobrang wahaaaw! Worth it ang byaheng 7AM-1PM kung ganito naman ang sasalubong sayo:

Waaaaaah. Galit galit na! Walang pakialaman, mag kakamay ako! Hahaha. Grabeng ansarap! Wala akong masabi sa sarap! Ansarap nung sinigang ba yun? Engrande ang kinain namin para kaming nag fiesta..dinaig nito ang Italliani’s. At higit sa lahat ansarap ng TUBIG nila, galing pa daw ng Banahaw yun.

Infainess, ang ganda ng bahay nila. Ayokong upuan yung sofa nila kase 30K yun sa SM eh. Hahaha. After that, nag tour kami sa kwarto ni Bluep. Shocked kami na ganun pla ka-organize si Bluep. Look:

Na-amazed ako nun gumamit ako ng CR nila…anshoray, may BATH TUB sa gitna ng kabukiran! Nyahahahaa. More pictures!

Grabeh! Bluepanjeet in real life!!!

“Lahat ng nakikita ng mga mata nyo, yun ang nasasakupan namin” ~ Bluep

Echos!

Ayan, chika chika sa kanilang balcony overlooking the bukirin. Ansarap ng feeling. Ansarap mag relax dito kaya naman ang Reyna, in true ROYAL HIGHNESS FASHION, may sariling folding bed at nag pahinga ever! Hahahaha! Teka, kalyo ba yan? Yan ba yung pwedeng gawing BULLET PROOF?? KALYO NGA!!!! Hahahaah

Grabeh ang kalbaryong inabot namin sa byahe but we enjoyed it. SOBRA. If you remember Reynz’s OFW LOGO and SLOGAN contest, hinde po SCAM yun. Ayan na in-awardan na ng 10K ang grand winner.

Eeeekk. Naka paa ang lola koh! Hahaha. Sobrang napaka accommodating ni Bluep at ng family nya. Warm welcome talaga! May welcome band pa kami at sampaguita! Hahahah. Kwentuhan ever. Another trivia, according to ReynaElena, ang youtube video daw ay ginagawa using POWERPOINT! Anobeh! Hinde ako makahinga kakatawa.

According to REYNA, ang dessert daw namin ay tinatawag na SORBETORY! lol. And dahil medyo madaming suliranin ang reyna, we had to go home by 4PM. Madami pa sanang plano pero madami pa namang next time.

4 seasons, fantastic 4, 4 strong winds,…hahahha

That’s Bluepanjeet, Chuvaness, ReynaElena, Pinoy Ambisyoso

Eh di syempre balik kami sa Mcdo for our photoshoot!

Syempre, hinde mawawala ang pasalubong kaya naghanap kami ng Buko pie!

Ganito daw ang tamang pagkain ng buko pie:

Wow! Nasaan na ba kami? Ano bang hotel itetch?!

NOPE! Wala kami sa HOTEL. Yan po ang bahay ni AMBO!!!! So, our PINOY AMBISYOSO is NOT SOOO AMBISYOSO AT ALL! Nalukring kami sa bahay ni Ambo! Ayaw na namin umuwi! Hindi ko kinaya ang kurtina nyo, abot hanggang secan floor! At ang chandelier!!! Waaaahhhh.

Nalukring ako sa mga china wares. Hahahha

May wifi ang lolo Ambo sa bahay using Linksys wireless router!!!

At talagang pinasok ng reyna ang kwarto! SCANDAL ITETCHEWA!

Nakakalurkey ang mala-palasyong bahay na itetch. Mahal ka na namin Ambo! Hahaha. Magpa house party ka ditooooo!!!

Paskong pasko! Merry Christmas to all!

Sa loob ng 1 week dito ng Reyna, 3 beses ko na sya nakasama and I feel honored. Nakiki-social climb ako! Baket ba!? Mahal na kitaaa!! Aabisuhan mo ako ng maaga pag gusto mong mag lamyerda!

Kung di lang FINK ang dugong nananalantay sa katawan mo Reynz! Naku! Nyahahaha. Mas masaya sana kung nakasama namin kayo (paging PUSA and RUTHIE). OO, iniinggit namin kayo lalo na yung mga nasa abroad na miss na miss na ang Pilipinas!

Nakakatuwang ma-meet yung mga tao na akala mo sa blog lang mababait at magagaling lang magsulat…pero in reality, they’re soo much better - very humble and very non-elitist at ansarap makasama. Walang pretensions.
Hindi ko inakala na may kalyo din pala si ReynaElena to think na just last week sabi ko mag papa footspa muna ako kase nakakahiya baka mapansin yun kalyo ko. Hinde pala ako nag iisa. Hahaha. Ka-level ko ang reyna! Hahahaha. At ang Ambo, kunyari ambisyoso pero naman, ang bahay GRANDIOSA pala! Si Bluep naman, may hacienda at akalain nyo yun, marunong palang MAG-TAGALOG SI BLUEPANJEET! Hahahhaha. Akala ko mano-nosebleed ako ng tuluyan pag nakausap ko ‘to in person eh.

Next time, sama kayo ha!

Anshoshoray! Talagang ROYALTY at its finest ang mga nakasama ko — isang haciendero, Reynaelena at isang nakatira sa palasyo. lol. Samantalang ako, cuteness and kindness lang talaga ang kaya kong i-offer sa inyo. I hope that’s enough. Hahaha.

Ay grabeh, eto lang ang masasabi ko, may I quote ko si bluep this time:
It’s more than a feeling!!!

Nyahahahaaa


Enter your email address to receive free load/gifts from me:

Delivered by FeedBurner

If you liked my post, feel free to subscribe to my rss feeds

61 Comments so far (Add 1 more)

  1. @bluep-hehe. ganyan ang aking expression pag nalalayuan ako. may ADD ata ako kaya pag malayo ang byahe, ganyan ang nasasabi ko. tulad ng byahe going to novaliches, going to enfanta, going to bicol at going to ilocos. peace. :)
    @reyna - haha. hindi po ako tamad. MASA lang (masandal lang tulog na). ansarap talaga ng seafoods jan sa quezon/bicol area. mura pa, hindi tulad dito na ga-ginto ang presyo. :)

    [reply this comment]

    3. antuken on November 11th, 2007 at 12:12 pm
  2. @malen
    saan ang lakad sa Nov 18? Tingnan ko at baka busy. paalis kasi ako sa 20. waah, kelan ang next next na lakad? hehe. katuwa tlga, pati mga pics. :D

      WPP gurls @ MOA…naku, i’m not sure when…will update you na lang :em64:

    [reply this comment]

    5. eitheryousinkorswim on November 9th, 2007 at 9:27 am
  3. sabi nga ni malen, marami pang next time!

    [reply this comment]

    6. Hannah on November 9th, 2007 at 7:46 am
  4. Nde ko na mabasa lahat ng commentsssss

    eto lang masasabi ko…

    ang sarap tingnan ng fud, daig pa ang seafud island! dahil nagkamay si malen talagang masarap yan

    saya ng EB nyo… Iniinvite nga ako ni ruthie kaso i have sumthing to do ehehe

      hahahha….hannah, mag EB tayong 3 nila ruty dito sa opis!! Gusto mo? hahahhaha :em20:

    [reply this comment]

    7. Hannah on November 9th, 2007 at 7:44 am
  5. Una sa lahat - Malen as usual, you made me smile AND laugh! Maraming salamat. Enjoy basahin talaga ang posts mo. How many hours is it from Alabang to Bluep’s? Tanong lang naman, as I already asked heyokity, my hubby and I are into photography. Eh syempre gusto ko naman ipasyal siya sa suluk-sulok at gilid-gilid ng Manila at kung saan-saan pa na magandang mag-travel photography. Eh mukhang ok yang kaharian ni Bluep. O, sinong gustong mag-kaladkad sa amin? :em50:

    At eto naisip ko. Ambo, can we hold the Christmas get together at your place? You have the space :em55: We’ll do a potluck thingee - food, drinks, disposal plates and cutlery, etc. What do you say?

    joy
    The Goddess In You

      WOW!! Miss Joy! Agree ako sa idea mo! TOTALLY! Ambo, pumayag ka! Kung hinde, tatanggalin ka namin sa blogroll! Bababa ang ratings mo! Hahahaha. From Alabang papunta kina Bluep, mga 3 hours, tama ba bluep? Marami pa kase kaming segway at na-traffic din kami…but more or less…mga 3 hours siguro.

    [reply this comment]

    8. joy on November 9th, 2007 at 7:26 am
  6. Chuvambo daw hahahaha. Parang chubibo! Miss na daw ang boses asus! hehehe. Nga pala, si Malen at Reyna napagkamalan ng aming kasambahay na mag-asawa bwahahahahahahahaha :em32:

      akala ko napagkamalan kami ni Reynz na KASAMBAHAY mo…hahahhaha :em54:

    [reply this comment]

    9. Ambo on November 8th, 2007 at 7:16 pm
  7. GRABE!!!!

    Sobrang haba ng comment na to…indi ko na alam kung sinong ia-@ ko! bwahahahha!

    basta sa susunod kasama na ko! indi pwedeng indi! :em48:

      WISH KO LANG RUTY……WISH KO LAAAAAAANNNGGG :em20:

    [reply this comment]

    10. angelofthewaters on November 8th, 2007 at 3:08 pm
  8. har har har parang naiimagine ko ang lakas ng tili ng reyna! tulungan kita palabnawin ang fink nyang dugo gusto mo :em32:

    kaso baka itapon tayo ng bouncer nya sa labas :em41:

      nakakarinde ang tileeeee :em65: …hahahhaha…naku, sige, pagtulungan natin..sayang MACHO pa naman…hhahhaha :em32:

    [reply this comment]

    11. pusa on November 8th, 2007 at 2:24 pm
  9. @ PUSA, yan din ang sabi ko sa kanya…bagay kami :em34: ..eto ang sagot…

    NUNCAAAAA!!!!! Nang gagalaiti pa yan.

    hahahha :em54:

    [reply this comment]

    12. malen on November 8th, 2007 at 2:18 pm
  10. grabe malen EB Queen ka na :em32:
    sabi sayo bagay kayo ng reyna nyahaha!

    [reply this comment]

    13. pusa on November 8th, 2007 at 1:54 pm
  11. waaaaaah…chatroom it is! real time itetch! :em32:

    @ MELAI - wahaaw…mula barrio diez hanggang barrio onse ang bahay mu? hahahahahah…anshoray mo NALEN! :em33:

    @ PUSA — Yun 18 sa ibang ka EB ko yun…hahaha careerin ang EB. Hahahahah :em55:

    @ DIWA - sa opis, yung mga nakakabasa ng blog ko… kung di kami napag kakamalang mag jowakers, mag kapatid naman daw…yun ate ni AMBO, napag kamalan kaming mag asawa…sabi ni reynz..NUNCA!!! :em48:

    @ CHUVAMBO - hahahhaha :em32: buboy and ate vi? pwede! :em55:

    [reply this comment]

    14. malen on November 8th, 2007 at 1:49 pm
  12. mwahehehe mali naman balita kase nitong si Reynz e, taga baryo onse kaya ako…. kaya kwidaw ka hehehehe mang-oonse ako lol!

    [reply this comment]

    15. melai on November 8th, 2007 at 1:40 pm
  13. @malen - oo super inggit ako! amf
    honga feeling ko nalipat na dito ang kaharian ng reyna :em32:

    teka kelan ba talaga un part 4?

    [reply this comment]

    16. pusa on November 8th, 2007 at 1:40 pm
  14. buwahahaha!! malen okay yon ha.. CHUVAMBO - - parang dancing with the stars!!

    hi ambo, namimiss ko na boses mo… alam mo ba? :em70:

    si bluep nga eh, natatakot ako baka biglang lumabas yung pic mo at pic ko sa blog nya.. baka biglang maging boboy and vi ang dating natin.. siyempre ikaw si boboy - - hehe!!

    a alam ko na, lala aunor na lang at arnold gamboa.. shet.. kilig.. :em34:

    [reply this comment]

    17. chuva on November 8th, 2007 at 1:38 pm
  15. @ MELAI - uu nga Nalen, para akong naging BASURA :em39: na na-affiliate sa kanila! hahahaha…uyy pag nagbakasyon ka…pabisita kami sa hacienda mo sa barrio diez ha…hahhhaha :em55:

    @ CHUVAA - lol…nakakatanso nga minsan ang reyna…may kalyo pala kahit na gatas ang pinag papaligo…pwede ngang bullet proof vest! :em32: hahahha..uyy inferness, binibida ka sa min ni reynz ha! matalino ka daw, as in…kaya nakatapos na daw sya ng MBA at lahat eh di ka pa din daw nakaka graduate….hahahha…wabyu chuva…umuwi ka na…daliiiiii…habol ka sa part 4!!!!! :em64:

    @ REYNA ELENA - nalito ako! blog ko ba to o blog mo? :em52: hahaha

    @ JHVRothschild - shall I english you or tagalog :em71: ? lol…yup, we had a blast, as usual.

    @ sinkorswim, UU, sama ka namin minsan..ru free on Nov 18? :em55:

    @ AMBO - humbly ka naman masyado…basta pag nasira ang router mo…hipan mo lang yun…aayos na ulet. Hahaha. :em66:

    [reply this comment]

    18. malen on November 8th, 2007 at 1:36 pm
  16. Malen di kaya I love you mo na din si Reyns? Alam mo bagay kayo, kasi magkahawig kayo, para kayong pinagbiyak na… ewan lol.
    Basta tatawag kami sa EB party nyo.

    Reyns kasi naman ang lahat ng shirts mo itim no! *Nakapamewang!*

    :em42:

    [reply this comment]

    19. diwatang_byaning on November 8th, 2007 at 1:28 pm
  17. @ PUSA — haha, mare alam ko din abot langit ang inggit mo :em47: ..hahaha…naku, na miss mo to mare! yaan mo meron pang part 4. See you there! Mag leave ka nun ha :em55: May gs2 daw kumausap sayo sa phone na taga US…di ko sasabihing DIWA ang name nya :em32:

    @ Jojitah - JOJIEEEEE!! naku mag kakasundo kayo ng Reyna..pare-parehong FINK ang dugo natin yung sa kanya nga lang ang ROYAL FINK….hahhahaha :em33:

    @ RUTHIE - ay naku, sanay na ako sa pangakong napapako ruty…lol :em43:

    @ toni - naku di naman bawal mag comment dito toni…anytime…teka, anong url ng blog mo… para nsmsn ma-update kami ng whereabouts mo :em59:

    @ DIWA - uu, kasama sa 4 hawers ang LIGAW at PHOTOSHOOT…hahahhaha :em20:

    @ Airwind - korek, ibang klase yung feeling no..parang too good to be true no? teka, exchange gift gs2 mo? :em47: lol tenks ha :em55:

    @ CHUVAAA and AMBO - hahaha, bagong labtim :em70: …CHUVAMBO!! Nakakalurkey! hahahaaha

    OO nga Pusa, regards daw sabi ni Diwa. Awwwwww!

    @ IYA - Hehehe, ako nga yun dighay ko amoy sugpo pa eh…hahahha…gross! :em72:

    @ ANTUKEN :em31: - naku sayang! sana nakasama ka nga namin..kaso di kaya tulugan mo kami nun? hahahahha, sige next time..nag iinvite si bluep sa Fiesta…hehehhe…sugod tayo! :em32:

    @ BLUEP - :em54: galit ka ba o galit :em54: ? Hahahaha

    @ REYNAELENA - uyyy! miss you na! awwwwww :em64:

    @ MALDITO - sureness..lahat gs2 jumoin puyding puydi! eh kaso nasa Cebu ka diba? :em53:

    @ KATH - naku sistah, kareerin natin ang EB ng WPP gurls sa MOA on Nov 18…hahahha :em66:

    [reply this comment]

    20. malen on November 8th, 2007 at 1:19 pm
  18. Blockbuster ito! ang haba ng pila hanggang edsa para lang magcomment! bwahahahaha. ang haba din ng buhok ng labtim ko oh? hahaha. Da best ka talaga Malen haylabyuna!

    PS. Di ko bahay yan. Yung bahay namin nasa tabi nyan. mali ang pinasukan nina malen at reyna kaya hayan nakablotter sila dito bwahahahaha

    [reply this comment]

    21. Ambo on November 8th, 2007 at 1:17 pm
  19. wow naman. :) isama nyo ako minsan. hehe.

    [reply this comment]

    22. eitheryousinkorswim on November 8th, 2007 at 1:09 pm
  20. @ MOGLi - Bords! :em55: EB turned road trip nga eh. Gusto ko kase kayong ma HOMESICK talaga kaya tinodo ko yan. Epektib naman diba? Uwing uwi na ba kayo?? :em20:

    @ CHUVAAAA - :em55: kahit mag walkathon tayo Chuva! Abisuhan mo ko ng maaga para mai-leave ko hinde yung nag aabsent ako sa trabaho :em54: . Hahaha.

    UU, si ambo-to yung kausap mo nun…tawa kami ng tawa sayo..”LALAKE KO PARE, CHUVA ANG NAME KO…” nyaahahahaha :em32:

    @ DIWA :em59: - Ako ang aliping sagigilid nyang si ReynaElena. Hahaha

    @ KIKO - ay naku sinabi mo kiko…nagmukha akong Inday ng sosyalera at mga sosyalero kong mga kasama :em59: . Utang na loob…wag kayo pupunta sa bahay koooooo!! :em48:

    @ BLUEP - napadaan lang po :em71: . hahaha, naunahan mo pa ko mag comment bluep! hahahha…tenchu.

    [reply this comment]

    23. malen on November 8th, 2007 at 12:55 pm
  21. It looks like you guys had sooo much fun! Am totally jellin’ !

    [reply this comment]

    24. JHVRothschild on November 8th, 2007 at 12:41 pm
  22. @ BLUEP - oist tenchu sa food :em50: ..hanggang ngayon nalalasahan ko pa yun sugpo :em32: . Hahaha. sabi ko na nga ba eh…tsong, alam mo na di tayo talo ha…lol :em47:

    @ Ambo - naku ambo! nalukring ako sa bahay nyo! Mag pa house party ka dyan daliiiiiii…ansarap dumihan nun bahay nyo! lol :em32:

    @ iRonnie - sama ka next time, o di kaya kaw mag host ng EB party…. :em55: lahat ng nag participate sa desktop free view chenes may EB!!!!! Ansaya nun di ba? Hahahaha :em62:

    @ Misyel - na-miss mo ba ang Pinas? :em64: uu, sige missy, contact mo ko anytime…kelan ka uwi?

    @ C5 - whenever, wherever fan ako ng reyna…binabantayan ko kase baka magalusan. hahahha..kelangan daw ng kanang kamay, body guard at masahista! :em66:

    @ CHUVAAAA - inggitera! :em54: hahaha…ramdam ko ang bawat pintig ng inggit jan sa :em70: mo…yaan mu pag bakasyon mo dito sasalubungin ka namin sa airport ng banda. o basta, mag lalamyerda tayo ever! :em55: Ibabalot namin si Ambo para sayo. Hehehe…kakabugin natin ang lahat ng EB na magaganap!

    [reply this comment]

    25. malen on November 8th, 2007 at 12:37 pm
  23. mwahehehe nag-iilusyon ka na na naman reynz (hehehe remember delusyunal?) taga batak kamo ko ng karitela sa baryo dyez lol! pautang na lang pamasahe pauwi ng pinas lol!

    [reply this comment]

    26. melai on November 8th, 2007 at 9:53 am
  24. @jojitah,

    iisa lang naman ang requirement para sumama sa EB namen, kelangan me experience ka sa loob nang munti! hahaha! sabagay si bluep nga seminarista, na-convert namen! welcome ever anytime!

    @iRonnie,

    pareng ronnie, wish ko ever na mameet ka no? baka naman me mga barkada kang minnn, ek kasi naman tong si malen puro gurls pinapakilala!! madali ko na tong ingudngud dyan sa edsa!!!

    @mogli,

    same as i said with iRonnie, hope to meet you too para talagang labo-labo ever ang santacruzan! saan kaya nakakita nang reyna na mukhang maton?! nasa pinas ka ba?

    @misyel,

    sana nakasama ka, pagpapasensyahan mo lang me, kasi there are times na tinutupak ako hehehe lumalabas ang mga i love you ever! join kaaa!!!

    @kiko,

    tanggap ka na. pwede masahe also ayoko kaseng mga kamay ni malen ang humahaplos sa ulo ko, baka ibangga ko kotse! hahahah!

    @toni,

    enjoy talaga ever, you have no idea, tatlo lang kasi kaming mga lukaluka hahaha!

    @antuken,

    ikaw ba yung nasa AD? (walang tamad sa quezon?) heheheh! charing!!!!

    @maldito,

    next time pag-uwi mo galing Japan ba? sana katugma ever, type ko yong mga maldito sa mundo! hahaha!

    @angelofthewaters,

    hmmm… engkantada ka talaga! parating wala! hmpt!

    @iya,

    me pagkain senyo? lagay ko map mo sa driving map ko? pede? hehehe!

    @chuva,

    magdusa kaaaaa!!! nakuuuu! sinabi ko na kasi na wag kang mag Los Angeles ehh! mas maloloka ka sa mga kawalanhiyaan ko sa Bohol! hahaha!

    @diwa,

    eto nag-sashopping ako nang bagong tshirt nahihya na me sayo, at peks man, me nagpaligo po saken kanina! hehehe! biktima nang I love you! hahah!

    @melai,

    tumigil ka nga dyan! balita ko me hasyenda ka rin sa barrio diez! di ba? lahat nang padala mo may i buy nang ekta-ektaryang eklavu? di ba? hehehe

    tumitili na ang pwend ko, lumayas na daw ako, andito pa us sa Bohol, paalis na nang Cebu!

    ciao!

    [reply this comment]

    27. reyna elena on November 8th, 2007 at 9:45 am
  25. mwahehehe! anukaba chuva pinapaganda na nga ni malen ang imahe ni reynz sa blogosphere e sinisira mo pa lol!!! kala ko ba bestpwend kayo?

    [reply this comment]

    28. melai on November 8th, 2007 at 9:30 am
  26. sa totoo lang malen - - grabe kang mang-inggit!! leche ka! pero enjoy na enjoy ako sa post mo! humanda ka pag-uwi ko next year!

    melai - naku, huwag kang matatanso ng reyna. si bluep lang na haciendero at itong si ambo na may ‘wireless router’ sa bahay ang mayaman. si reyna, talagang social climber and ‘name-dropper’ lang yan.

    pag nakausap mo, pakinggan mo ang sinasabi… laging may mababanggit yan na — “pinsan ko yon”, “pamangkin siya ng lola ng tiyuhin na tiyahin ng inaanak ko - kaya naging bise presidente yan, dahil tinulungan yan ng nanay na pinsan ng kanuno-nunuan ko!” - - yan… ganyan ang mga bigkas ng reyna pag kausap mo.. he-he-he!!!

    [reply this comment]

    29. chuva on November 8th, 2007 at 9:24 am
  27. nalula ako heheheh ayaw ko na..lalayo na ko ke panjet, reynz at ambo lol!!! mga richie rich pala lol!

    [reply this comment]

    30. melai on November 8th, 2007 at 8:41 am
  28. hehehe naku ang haba neto, teka nga mag umpisa ako sa una :)

    [reply this comment]

    31. melai on November 8th, 2007 at 8:16 am
  29. :em66: natutuwa naman ako at halos lahat kayo eh nainggit! hahahahha :em55: kase iniinggit ko talaga kayo eh… :em47:

    sana makasama ko kayo next time…i’m dying to meet all of you…

    [reply this comment]

    32. malen on November 8th, 2007 at 7:07 am
  30. naloka ako…hayssss kakainggit…huhuhu :em33:

    [reply this comment]

    33. kath on November 8th, 2007 at 5:01 am
  31. ay kaingiit!!!huhuhuhh…in fairnes matagal din ako indi nag show up sa center stage mo mareng nosebleed….huhuhu…nasira kasi internet ko….kaya nag japan muna ako..hehe…..bagay kayu ni ronald macdonald!!weeeeee!!!!sama ako sa another EB ha!trip ko kasi yun.hehhee :em30: :em30: enjoy ako sa kakapislit ng mga smileys!!heahahhaa

    [reply this comment]

    34. Maldito on November 7th, 2007 at 9:49 pm
  32. HAHAHA Official Press Personalitichiwa ko pala si Malen!!! Thanks! hahaha

    I’ll blog about this trip when I get back na lang. Andito ako sa Bohol, nag-attend nang santacruzan sa Chocolate Hills kung saan ever na nakakita ako nang Aswang! Makikita nyo once I post it! Hahahah!

    Salamat pala bluep sa mga pagkain to the max kaya tuloy bigat nang kotseng gina-drive ko!

    Nope, the following morning sama talaga nang pakiramdam ko. Cancelled yong Zamboanga trip kaya dumeretso na lang me here in Bohol. Tagal kong naghanap nang internet cafe here and 6:00pm pa lang, ala nang buhay ang Tagbilaran City! Nag-iisa akong nagsantracruzan dito dahil pinag-aaaway ako nang mga kasamahan ko hehhe. Me mga katarantaduhan na naman kasi akong nagawa eh!

    Sana nga everyone joined our EB, puro kasi mga luka luka ang mga tao.

    Basta all I know, nung masilangan ko ang balay nang itechiwang si Ambo, I swear - pers lab ko na sya ever!

    [reply this comment]

    35. reyna elena on November 7th, 2007 at 8:28 pm
  33. @Antuken - heheh hindi naman kami dulo ng mundo actually if you will measure the Philippines by latitude and longitude, Lucena is the center and heart of the Philippines and not manila… di ka lang siguro pala travel or di ka pa nagagawi sa amin. parang implicitly you are saying malayo kami sa sibilisasyon hehe.. which is very contradictory because we have 3 Manila Malls here including SM, and two more are under way for construction like Robinsons and Ayala Mall… sometimes you have to broaden your horizons kasi the farther you travel, the wider will be your understanding of other provinces. openness can actually be broadened by the awareness of other “lands” aside from yours. Just a wisdom of advice. :em72:

    [reply this comment]

    36. bluepanjeet on November 7th, 2007 at 6:48 pm
  34. kainggit. nadaanan nyo ang bahay ko going to quezon chuvaness. sayang. sana sumama ako. pero kse feeling ko ang quezon ay malapit na sa dulo ng mundo. hehehe.

    [reply this comment]

    37. antuken on November 7th, 2007 at 6:33 pm
  35. inggit ng todo todo, hmp. panay kodakan at kainan… ang sarap!!! at ang reyna, game na game talaga…

    ambo - pasko na sa inyo!!!

    bluePJ - kundi lang haba ng biyahe dyan sa inyo, susugurin din kita kahit na walang imbitasyon as long as may nakasalang sa kusina nyo, hahaha

    [reply this comment]

    38. kengkay on November 7th, 2007 at 6:00 pm
  36. Hi chuva .. nice meeting you din , hallo din kay diwa

    @ambo - honga, sabi ko sa reyna baka me nang-aaswang lang sa kanya dun :) … at syempre gamit at effective ang “i love you”

    [reply this comment]

    39. pusa on November 7th, 2007 at 4:33 pm
  37. Ang mahal na Reyna nagtext, nasa Bohol na daw sia at eto isang kagila gilalas na pangyayari, nakakita daw siya ng Aswang sa Chocolate Hills! Di ko kinaya ang balita. Bwahahahahaha

    [reply this comment]

    40. Ambo on November 7th, 2007 at 3:52 pm
  38. Pssst Ruthie, ask mo na lang Malen sa party na yan hehehehe.

    [reply this comment]

    41. Ambo on November 7th, 2007 at 3:49 pm
  39. ayyy. natakam ako sa food. :( gusto ko tuloy kumain ngayon ng 2nd lunch.

    [reply this comment]

    42. iya on November 7th, 2007 at 2:55 pm
  40. @bluep,malaki ba? indi naman ah…

    [reply this comment]

    43. angelofthewaters on November 7th, 2007 at 2:47 pm
  41. HONGA! Indi me papayag na aalis ang reyna ng di ko nami-meet!!!! A must yan ha Reynz!

    Basta dapat alam, one day in advance! Kahit san pa yan! Honga na umabsent ako..basta secret lang sa upis ha? Sobrang inggit ko, indi ko kinaya ang kwento ni Malen! sobrang saya ha! Sana sa Friday na darating me EB! hehehehe!

    P.S. kawawa naman ako, sira PC ko sa haus..indi me makapag-update…huhuhu…namamatay after 2 minutes…ASUS! Alang power! DI na kinaya…hehehe :em65:

    [reply this comment]

    44. angelofthewaters on November 7th, 2007 at 2:44 pm
  42. Hayan Malen naniwala sila! Akala nila totoo ang mga yan hehehe. FYI, di po akin ang bahay, sa buong family yan hehehe.

    Chuva, Sinong Ronald? hehehe. Para kang si Mama Reynz panay ang I Lab U bwahahahaha. AT talagang di mo ko naalala sa pone ha. Tinanong mo pa nga ako, sabi si AMBO-to? bwahahahaha. At me papuso-puso ka pa ngayon ha. Hahaha.O wait ka namin dito ha. Kahit magkalesa na lang tayo ok lang yan bastat kasama ka namin masaya na kami dun! hehehehe

    Diwa, naku maraming salamat po ng marami. Talagang masarap ang mga pagkain kina Bluep! I love the sugpo, pusit, pis, pata, naku ang sinigang super!, pati sorbetes, accroding to Mama Reynz sorbiteri daw! bwahahahaha. Parang perstaym kitang kausapin. Sorry ha pero don’t worry mabait ako, pag tulog! hahaha

    Kiko, ahahaha loko. Umuwi ka na dito! alam ko madami pang laman yang alkansiya mo! Bilis bilis!

    Pusa, I love too mama. Hahahaha. Uy me kasunod pa yan bago mag fly ang Mahal na Reyna! Abangan ang mga susunod na kabanata! Patayan ang susunod as in lasingan to the max! hahahahaha

    Ruthie, hanokaba at talagang dinisplay ang pic! ang laki ng tyan ko sa sobrang kabusugan bwahahaha. Buti na lang lumiit agad ngayon hahahaha.

    [reply this comment]

    45. Ambo on November 7th, 2007 at 2:14 pm
  43. Buwahahahahahaha!! Bluep - leche ka, huwag mo kong tuksuhin kay ambo, baka ma-inlove sa kin yan, ikaw ang lagot.

    Isa lang akong di hamak na driver ng reyna dito sa philadelphia… wala akong ari-ariang katulad nila. hindi kami bagay. baka laitin lang ako ng future mother-in-law ko… di bale na lang. magdidildil na lang ako ng asin….

    Pusa - HI!!! hindi ka pa namin nakakapanayam.. - hi din daw sabi ni diwa, at na-e-elyatis yata sayo tong katulong ko.. leche.

    Nice to meet you all … ang saya saya rito, parang blog na ni reyna.. he-hehe!! :em41:

    [reply this comment]

    46. chuva on November 7th, 2007 at 1:09 pm
  44. wow naman .. ang saya …. iba talaga kapag na meet mo na in person yung ka blog mo. asteg!!! at talagang roadtrip pa. wow! inggit ako. wehehe … exchange links tayo… add na kita. :)

    [reply this comment]

    47. airwind on November 7th, 2007 at 1:03 pm
  45. Bakit parang ang layo ng quezon? 4 hawers? o kasama jan ang ligaw?
    miss ko na yang pansit na yan… yong hinihigop hindi ko alam yon eh, hindi naman ako taga quezon yong dati kong asawa, laging nagpapasalubong ng ganyan…

    Blue nag nagretire ako pwede ba akong pumasok as arawan jan? Taga-gamas ng lupa? he he he…

    [reply this comment]

    48. diwatangbyaning on November 7th, 2007 at 12:35 pm
  46. pasensya na po pro kelangan ko mgcomment pra maupdate dito,
    huling huli na kasi ako sa balita.
    maraming salamat po sa pagpost ng pictures, kahit man lng sa larawan eh masilayan namin ang grand EB.

    [reply this comment]

    49. toni on November 7th, 2007 at 11:30 am
  47. HALA! Kung mang-inggit…TO THE MAX! huhuhu…naiiyak na ko…dapat kasama ako dito eh…HUUUUWWWWAAAHHHHH!!!!!!

    Antagal kong inintay ang kwento mong itich..kasi ba naman, sa kwento mo pa lang Len, sobrang enjoy na..as in! Para na rin akong nakasama..kaya pwede na…teka, bat wala akong buko pie ha? ha? ha? hehehe

    nakakatawa naman ang facial expressions and poses nyo..waging wagi..na-imagine ko ang reyna, kumandong ke Ronald…hihihi

    pero eto ang da best! bat di to kasama sa post mo?
    http://picasaweb.google.com/malen.ada/EBPART3WithBLUEPANJEET/photo#5129633350957093266

    nakakagutom ang handa ni bluep…pang highness talaga! at si ambo, ang bahay pang reyna….hehehe…padalaw minsan ha!

    ulitin ITO!!!!!!!!!!!!!! :em55:

    [reply this comment]

    50. angelofthewaters on November 7th, 2007 at 11:07 am
  48. im so inggit.. waaaahhhhh!!! pero for sure mahihiya din ako sumama kung sakali mare, di ako knows ng reyna. :)

    [reply this comment]

    51. jojitah on November 7th, 2007 at 9:55 am
  49. LOL finally pinost mo na rin, tagal ko inantay hehehe.
    waaa kainggit talaga, sobrang naharass nyo yata si mcdo :)
    katawa naman pati kalyo isama, panalo ka talaga sis, at korek ka jan kun di fink ang dugo ng reyna hayyy harharhar :em32:

    @reyna - isa ka talagang tunay na reyna, labs ka namin lalo

    @ambo - sama ko jan, i love you ambo na rin ako! tarush :em32:

    @bluep - waaaa sa hacienda ka pala nakatira! ansarap ng handa mo sa kanila at exag mas maayos pa yun room mo kesa sa room ko hahaha

    [reply this comment]

    52. pusa on November 7th, 2007 at 9:48 am
  50. Magandang Umaga Po Sa Lahat!

    @C5 -tita cee sa Lucena po, one town away from Lucban

    @Chuva - bitin nga kasi I was planning to treat them sa bar hopping pero di pwede ang Reyna kasi may kumpormiso eh. Gusto ko sana lubusin stay nila sa Lucena kasi nga di ako makakaluwas basta basta gawa ng review ko. Hayaan mo pagdating mo dito, si ambo ang nakahain sa lamesa may kagat na mansanas para sayo haha.

    @Diwa - Taga Lucena po, lapit lang sariaya, 15 minutes lang from City proper. Ahh yung “pansit hab-hab”.. sayang nga di ko napatikim kina malen kasi nga umalis agad sila. if hindi pagod ang reyna dami ko sana ipapasyal sa kanila… yung chami ay sa lucena, while habhab ay lucban na meron din dito sa Lucena.

    @Kiko - hahah hindi po hacienda yung amin, nagkataon lang po na nakaipon ang parents ko at they chose to buy a property in a farmland. mahirap lang po kami sa totoong buhay. yan po ay dugo at pawis lang ng parents ko. yung mga lupa po sa paligid di po amin yunsa kapitbahay po yun. baka po tayo mademanda hahaha

    [reply this comment]

    53. bluepanjeet on November 7th, 2007 at 7:44 am
  51. Ang sarap naman ng mga pagkain ninyo kina BlueP! Worth it nga ang ilang oras na biyahe kung ganyan naman ang madadatnan na pagkain!!

    Kainggit naman ang mga pasyal ninyo, talagang enjoy ang pagkikita ninyo lagi ah! Salamat sa mga pictures at least kahit paano nakakasama kami kahit sa pictures lang. :)
    Pareng Ambo at BlueP, puwede ba mag-apply sa inyong sikyo? Susme kagaganda ng palasyo at hacienda ninyo eh! Hehe!

    At sa mahal na reyna, apply akong driver para di napapagod mag-drive tuwing may gimik! :P

    [reply this comment]

    54. kiko on November 7th, 2007 at 6:00 am
  52. Anlaki ng hipon ah este sugpo ba?, samantalang kami dito sa Hamerica eh hibi lang natitikman lol. Inlab ako sayo lalo Malen, galing mo mag salaysay… Pwede mo nang palitan si Oh Tokyo Eleanor HA HA HA HA
    ikaw ba ang bayografer ni HRH QueenReynaElena?

    Parang bahay sa Jameirica naman ang bahay ni Ambo.

    Grabe Blue ang Hacienda mo hanlaki he he he… Quezonian ka pala hmp! Taga Sariaya ka ba? Nakaka-miss yong pansit na hinihigop chami ba tawag doon?

    [reply this comment]

    55. diwatang_byaning on November 7th, 2007 at 3:35 am
  53. shet ang galeng talaga ng EB nyo! bords, dinaaig mo pa si pigafetta sa pag chronicle ng adventures nyo! iba talaga ang pinoy hospitality. nakakamiss tuloy sa pinas,,,huhuhu. :em29:

    [reply this comment]

    56. MOGLi on November 7th, 2007 at 3:31 am
  54. Bluep - - ang sarap naman ng inahin mo sa kanila!!! Ang bait naman ng pamilya mo. Yan ang na-mi-miss namin dito sa Amerika, yung mga hospitality na hindi mapapantayan. Biruin mo… may sugpo pa!! Shet!

    The next time I come home… I will make sure na kontakin ko kayong lahat.. lalo na ang ating journalist na si Malen. Pero hindi ako sosyal (climber) na katulad ni Reynz, so mag-ji-jeep lang tayo no.. Wala akong kotse dyan. Kung may marunong mag-drive, rent na lang tayo ng karu…

    Nga pala - - ganda ng boses mo Ambo… :em70:

    [reply this comment]

    57. chuva on November 7th, 2007 at 12:54 am
  55. Haaayyyy…. Ambo, in-love na ko sa yo.. ngayon, ng makita ko ang balay mo - - ADIK ADIK NA KO SA YO NO?!!! Lekat na yan, nasa pinas nga pero grabe, sosyalera!!

    Inggit na inggit ako senyong lahat.. parang bigla kong na miss ang simoy ng hangin sa gitna ng bukirin.. ang sarap magrelax ng social climber!! nakakainggit!!

    In fairness Malen - ang galing mong mga-chronicle ng adventure.. talagang detalye - - at walang na-miss. pati yung pag lapastangan ni ambo kay Ronald.. na-getching then!!

    Wa KIVER!!!! Kainis kayo!!! hmmppp~~~!!!

    Trulili - - - enjoy na ko na nakita kong enjoy kayong lahat… ACHUSSSSSSSSSS!! UNFAIR YAN!!!!!!!!!!!!! :D

    [reply this comment]

    58. chuva on November 7th, 2007 at 12:49 am
  56. Uy si Bespren andito wahehehehehe

    [reply this comment]

    59. Ambo on November 7th, 2007 at 12:42 am
  57. wow! ang galing mo naman malen…andun ka sa lahat ng panahon! :) nakita ko na rin itsura ni bluep…ang laki pala! all the while iniisip ko sa bulacan lang ang punta…lucban pala…ehehe…nagramble mga letra…

    [reply this comment]

    60. c 5 on November 7th, 2007 at 12:00 am
  58. Sobrang nainggit ako Malen! Kung uuwi ka nga naman at ganyan mga tayo makakasama mo, ang sarap nun tiyak! Ang saya ng mga pics nyo kaya talagang super duper inggit si ako, sa next uwi ko dyan kontakin kita para masama naman ako sa masayang EB ng mga blogista :em50:

    [reply this comment]

    61. Misyel on November 6th, 2007 at 11:27 pm
  59. grabe pawang mga aristokrata pala kayo. parang ang saya naman ng road trip ninyo. kakainggit.

    [reply this comment]

    62. iRonnie on November 6th, 2007 at 10:58 pm
  60. Tinotoo nga! hahaha. I am waiting for this post. I know di lang ako ang naghihintay hehehe.

    First, i wanna say “Thank you” again to our kapatid na Bluep! Yesterday kami po ay nagkaroon ng pagkakataon na makasama ang pinakamamahal naming si Bluep. 4 hours lang naman ang biyahe papunta sa kanila hahaha. Tulad ng sabi ni Malen kahapon, “overwhelmed” din ako sa time na ibinigay mo sa amin at ng family mo. Sobrang babait nyo kapatid. Parang bulungan lang pwede dun kasi nakakahiyang mag-ingay hahaha. 2nd, naku ang food! Grabe kaya ang laki ng tyan ko nawala pagkamacho ko bwahaha.

    Katuwa naman tinawag mo kaming 3 muskeeteers bwahahaha. Excuse apat tayo as in Fantastic 4! hehehe. Hays sobrang saya ko kahapon mga kapatid. Nung magkahiwa-hiwalay na tayo nalungkot ako. tapos namiss ko agad kayo kagabi. promise kapatid.

    Oist kitakits ha, alam nyo na yun hehehe.

    [reply this comment]

    63. Ambo on November 6th, 2007 at 9:45 pm
  61. hahaha oist haciendero ka dyan, maniwala mga makakabasa nito haha

    salamat for visiting me. tatched talaga ako sa effort nyo three must-keteers! lol

    susmaryosep, akala ko ang reyna ay Diosa, tao pala haha.. ang bait nung tatlo. speechless ako. Reynz is very down to earth. you should all meet him. walang ka-ere ere. sarap kakwentuhan. si ambo naman super bait din. very humble. very fraternal. yung sinasabi nya na “kapatid” mafefelt mo yun in person. at si malen asus lalo ata ako nag ka crush haha — guard your heart! lol napaka gentle ni malen. sobrang kakatawa in person. I can’t wait to be with these three again in the next gimik nila haha.

    kidding aside i’m so happy meeting these three super blogistas for the first time. medyo bitin pero every minute is worth the wait. si malen naku what you see is what you get. walang ka arte arte sa katawan. very true to her words here.

    nakakatuwa na dati binabasa mo lang, ngayon nameet mo in person. kala ko nung una nakakatakot harapin ang reyna hahaha.. hindi pala.. ang sayang mag kwento. matawa ako nung nagpakilala sya sa father ko haha…. sa blog ko, ko ikukuwento kung bakit lol

    there will surely be a nextime with these three and I’m happy na may picture kami apat… si malen na langpinagpiucture ko ng pinagpicture dahil masyado akong engrossed sa presensya nila, lalo nang Reyna. as in napaka humble. hahahaha

    salamat sa inyo 3.. it’s an honor indeed. next time pagabi kayo dito ha. di ko pa nakakainom ang reyna at ang ambisyoso.

    from me and my family, thank you very much. you are always welcome here.

    Pax et Bonum :em47:

    [reply this comment]

    64. bluepanjeet on November 6th, 2007 at 8:41 pm

3 Trackbacks

  1. By I'm a hospitality girl. on November 30, 2007 at 9:44 am

    […] Ang totoo nito, pumunta ako at soroy soroy nang Lucena. […]

  2. By OFW Logo presented to you by Reyna Elena on November 24, 2007 at 9:42 pm

    […] Up Close and Personal with Reyna Elena , Part III by Chuvaness […]

  3. By Ayala to Trinoma: Another EB Event on November 9, 2007 at 3:54 pm

    […] Lucena City, over at bluepanjeet’s house. Malen has already blogged this one in detail here: Up Close and Personal with Reyna Elena, Part III. Now, that was a 4-hour drive from Alabang. You know why? Eh pano ba naman yong navigator nameng si […]

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *

*
*
  • :em25:
  • :em32:
  • :em33:
  • :em34:
  • :em41:
  • :em42:
  • :em47:
  • :em50:
  • :em54:
  • :em55:
  • :em61:
  • :em62:
  • :em70:
  • :em71:
  • :em72: