Genocide against me and the L2 people

HOT OFF THE GRILL ANG NEWS NA TO.

Waaaaahh.

Kinausap ako ng amo ko yesterday. Na-common sense ko na mukhang tungkol sa KRISIS ang pag-uussapan namin. Una, biglang nawalan kami ng supply ng tissue paper. Sumunod, napapansin ko, parang ako na yata ang laging nagpupunas ng alikabok ng computer ko. At ang sobrang ganda naming CR na lumevel sa CR ng mga 5 star hotel, ay medyo nangangamuy na. ANAK NG!!! Sumunod, binawasan ng ilang libo ang sweldo ko nung huling cut off. At higit sa lahat, nag de-demand ng perfection ang mga dayuhang imperyalista!!!!

Eto ang siste, papayag ka ba na mag pa-demote ng position or stay put ka lang hanggang sa maburaot ka sa policies at mapilitang mag-resign.

Eh di sinabi ko, you don’t have to do this to me because I QUIT! NOW!! Anshoray! Hinde pa. Hinde ko pa sinabi yan. Next year ko pa plano sabihin yan kase sayang ang mga BONUSES ngayong Christmas. Andami kong BLOGMATES na reregaluhan. Charing! Oy, baka akalain nyo, ako lang ang pnapatalsik ng aming kumpanya ha. You’re dead wrong. Madami kami – 2! LOL

I was only joking when I said that I’m so close to losing my job but lately, things are getting real. I am losing my job! Yehey!!!!! I am ecstatic! REALLY. REALLY. Totoo, masaya talaga ako.

So, what shall I do, IFEVER, I lose my job?

  • Watch movie – yung ONE MORE CHANCE ni Bea and John Lloyd, baka maka-relate ako. Hahaha

  • Pumunta ng MOA for the first time ever

  • Sleep all..sleep all day!

  • Kareerin ang pag b-blog! Araw-araw, oras-oras, gabi-gabi!

  • Mang-istok!

  • DVD Marathon

  • General cleaning

  • Careerin ang pagiging Bead Artist Jeweller

  • Careerin ang pag text sa GKNB

  • At higit sa lahat, magtago sa lahat ng bayarin. lol

Money isn’t everything. It can never buy happiness…but it sure makes misery easier to live with…since I’m going to be a FULL TIME BUM soon, help this site by sending dollars to my paypal. Yan ang pamatay na banat. Hahaha. Oist, joke yan na pero pwedeng pwedeng seryosohin. lol

 

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

28 Comments

  1. mare!!!! di nga totot??? dika pa nakapuntang MOA? tara punta tayo. kasi ako 1beses pa lang.

    O anyway, basta be positive… di kailangan mangunsumi ng todo. Matagal din kaya ako naging BUM. 😉

  2. Tara MOA tayo! Meron dun bago yung Carnival! Sakyan natin lahat ng rides! Exciting dun! tapos invite natin si Mama Reynz para treat nya tayo dun! Tapos Malen halik tayo sa mahal na Reyna, ikaw sa kaliwa ako sa kanang noo! Hehehehe

  3. Teka, bulabugin din natin si Brod Bluep! Para personal na nyang makuha ang 10k from the queen! Tapos me autograph signing and picture taking. Di ba ang saya? Yahoo excited na ako! *nagplano mag-isa ang ambisyoso* hehehe

  4. oo grabe na talaga pinagtatabuyan na tayo sa office kulang na lang sabihin na magresign na tayo. hay sana nga makahanap tayo work na ok next year.

  5. hmmm parang ansarap ngang maging bum! pero korek ka jan mas magandang after xmas na lang may i say ng I resign!!!

    aba eh di ipropose natin sa reyna na sa MOA ang EB =)
    un nga lang super layo ng MOA hehe,

  6. san ‘yung MOA? ang naiisip ko lang memoradum of agreement 😀

    dito samin ang pwedeng sabihin “Sa April mo na sabihin ‘yan” kase April pa ang mga bonus-bonus. Walang Pasko dito e 🙁

  7. aba aba aba… maraming may plannong maging bum next year… ano ba ang 2008 Year of the Bum? Oist Malen tumingala ka sa ceiling… pisilin mo ang iyong ilong until its stops bleeding.

  8. (nasa airport – nakanakaw nang linya!) hahaha!

    ifever patalsikin u? uwi ka sa barrio ninyo! mag-sagala ka sa santacruzan! hibernate ever! ako, nung pinatalsik ako nang mga imperyalista sa princeton, umuwi ako sa barrio siete at pinolyut ko minds nang mga lalaki ko! hehehehe! nag-sabog ako nang social climbing skills! HAHAHA be gracious! magtayo nang foundation!!!

    keep climbing social! do it with an art! o dava???

  9. ay naku sistah, actually pinag-re-resign na nila tayo as in now na pero magtitiis muna tayo kasi magpapasko di ba. wala talagang mga puso ang mga yan. tapos sasabihin na nde daw sila charitable institution.. haller eh baket pinagtraining pa maraming tao for intensive support.. tapos pinag-uusapan nila revenue at revenue lang yung future ng mga tao na nangangarap ay nde nila pinag-uusapan.. c’mon…

    magtitiis muna ako hanggang makuha ko ang dapat makuha at wag na wag nilang ilalagay ang career growth sa website nila

    AMEN

  10. Just think it over, hindi madali ang maghanap ng trabaho. In my case, di basta basta ang mag resign. Mahirap maghanap ng work dito.

    But then, if that’s what you want, ENJOYYYYYYYYYY! magpakain ka anoh.

  11. @ melai – i cannot be jobless for a long time…pero i need to break free!! kahit 1 month lang. lol

    @ ambo – uy, advance happy bday labtim.

    @ eitheryousinkorswim – APIR! DISAPIR! 1 half! 1 fourth. 1 fourth. 1 half. DISAPIR! APIR!

    @ PUSA – wow grand EB…gusto ko kayo ma-meet! Daliiii. Tenkyu sa dalaw ha.

    @ Kotsengkuba – Hahaha, actually, MOA means BF/GF. Wow ansarap naman ng April nyo…puro bonus. Bday ko yan, padalan mo ko ng hopia ha. lol

  12. @ KOya Selvo – January yata ang season nang pag re-resign talaga. New life. New beginning ang drama.

    @ Ambo – sori na kay REYNZ ang loyalty ko labtim. lol

    @ REYNA – naku di ako uuwi sa barrio dahil aawardan ako ng NANAY ko!! lol…dito ako rarampa sa Valenzuela! Hahaha, pero di ko keri ang mag pollute ng mind…at magtayo ng foundation! hahaha

    @ Hannah – hot na hot! puso mo!!! There’s a rainbow always after the rain di ba? Ok lang yan…laging mas magandang plano si GOD.

  13. @ K, actually matagal ko na plano mag resign. It’s about time that I let go. 🙂 Mag papa party ako para sa aking FREEEEEDOM!!! Libre ko kayo. lol

    If God closes the door, HE open WINDOWS!!!

  14. schuks inday malen, I dunno what to say siguro seryosohin mo na lang ang pag iistok nyahaha

    yaan mo pag nagbayad si poklat,praning at pong mag dodonate ako jan sa paypal mo:D

  15. good luck girl! galingan ang pang istok at siguraduhing tama ang pamasahe mo papunta ng MOA, ehehehe.. pero try to look for a new job na, am sure kayang kaya mo yan.

  16. Nako naman! Last year ko pang sinabing mag resign kayo jan. Nung nag meternity leave ako na walang pay, naisip kong panget ang benefits jan. Uber sa panget. Talong-talo. Ang laking hirap ko nun and to think na akala ko seccured ako nun kase 3 years ako jan… i was wrong. Tapos nung nag resign ako, hind nila binigay yung back-pay ko, which is dapat pang 1st birthday ni Lanna yon. Kung mag reresign kayo jan next year, wag ka ng mag expect ng back-pay dahil ang back-pay ko, 2 yrs na–wala pa rin.

    Send mo sakin ang resume mo. i-aapply kita samin… Kelangan namin ng 5 people sa account namin.

  17. @ ambo – ampf! happy bday! manlibre kaa!

    @ cheh – haha, korek mami. kung may gusto kayong ipa-stalk, HIRE ME. 6$ lang! Hahaha parang Posporo, Palito, Pito. Uyy, miss na-touched naman ako pero seriously, ayos lang talaga sa kin. Habangbuhay akong mahihiya sayo pag nag donate ka. Haha. Joke lang yun.

    @parisukat – this is it na nga! IDOL!!

    @ Kengkay – tenchu mami kengkay. honga, baka magkanda ligaw ligaw ako sa MOA malaki daw dun eh. lol

    @ Lizz – hay sinabi mo pa! tenk yu lizzie ha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *