The Aristocracy in Pinoy Bl0gging Community

” Their success allowed them more success while divisions between the wealthy and the poor grew. A class consciousness developed. They might have had advantages in schooling, perhaps becoming literate and familiar with various arts they assumed that as members of an aristocracy they were innately superior”

I was doing a lot of bloghopping lately regarding this whole Desperate Housewives chenes and it’s getting out of context. Yah know me, I hate stereotyping. I blogged about this whole Filipinos stereotyping against Filipinos HERE. What’s happening NOW is a classic example of Filipinos bashing each other.

All of us have different opinions of such matter but that doesn’t give ONE the permission to denigrate somebody else. This is a free world.

Tagalugin ko na..nosebleed pag English eh.

Hinde porket mas magaling kang mag-ENGLISH, you have the right na maliitin yung opinion nung ibang bloggers (read: JOLOGS POSTS daw). Lahat nga tayo diba may karapatang mapakinggan. Wag mong ipagsiksikan na opinyon mo lang ang tama porket high ranking almighty chenes ka. May punto ka, nailahad mo na yan pero hanggang dyan na lang yang punto mo at wag mo na ipagdikdikan sa ‘kin o sa kanya o kahit kanino pa kase..your thoughts are not my/his/her/our thoughts.

Personally, ako na ge-get ko yung mga hinde affected sa isyu. Siguro kase hinde pa nila naramdaman ang ma-discriminate or na-overdose naman sila ng discrimination and they’re already used to it. Kanya kanya yan ng pagtanggap sa sitwasyon. Hindi ko mamaliitin ang damdamin/opinyon mo kahit gaano pa kababaw yan kase you are entitled to it. You wont hear me saying deragatory comments like “your opinion is bullsh*t, nonsense, jologs”  because you and everyone else deserves a basic level of respect. Yun lang!

PS

To the aristocrats and lords of the blogging earth:  No blogger is really superior to the other blogger.

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

26 Comments

  1. sabi ko nga sa nakaraang post ko noon naloloka ako sa blogworld kasi may mge “elites” na tinatawag. Aba! may lebeling?! parng sa totoong buhay din?! kiver!

  2. kapatid I’ll be signing off muna for a couple of months sa blogosphere because my blog was hacked by the elites just because I fought fairly. Pinaghirapan ko yung blog na yun. di naman para sa kanila yun, para yun sa mga taong uhaw na marinig ang boses nila. sorry for being emotional hehehe. I”m hurt. they can’t even fight squarely and even hacking other blogs who dont agree with their snobbery.

    It will take me another 5 months before I install a new one excatly like my previous. Ingat kayo baka kayo naman mabiktima. God bless and thank you for the frinedship and the support. I guess this time I will have a lot of time with my review hehe,

    May God be my thunder of justice (heheh naiiyak ako kasi birthday gift ko yun sa sarili ko!)

    God Bless and thanks sa lahat. email mo na lang ako if I can help you with something!

    Peace!

  3. *clap clap clap at chuvaness*

    @BLUE
    huwaatt?! may gumawa sa iyo non? now hindi ka na siguro magagalit if someone throws derogatory remarks against us bloggers.

  4. ay naku mami speaking of elites, i want to UST to pay may sister’s tuition using my credit card kasi wala nga akong cash. nakapila ako sa credit card section then the girl in front of me said, “ate kanina mo pa ako binubunggo..” sabi ko “susmiyo ikaw naman galaw ng galaw.” haller eh pareho naman kami magbabayad ng credit card. Tapos gusto maluwag yung pipilahan nya… haller eh kita mong pila yun ayaw ng umurong… tsk tsk… tapos sabay sabi sa katabi “may sundo is waiting for me… ” tapos ang arte pang magpronounce ng tagalog… duh. i hate rich people or pretending to be rich pero wala naman, credit card din yung ipapambayad (AKA walang cash)… THIS COMMENT IS NOT INTENDED TO THE ELITES NA MARUNONG MAGPAKUMBABA… SANA STAY AS DOWN TO EARTH AS U R… 🙂

  5. What’s JOLOGS? Paki-iksplika naman sa Reyna. Vacant kase nung tinuro to sa vocabulary to (read: me guapo akong inistok).

    My site was hacked last nite and it’s back online. We’re still investigating but so far, we know the attack came from the Philippines.

    Ganito talaga siguro pag maganda *sabay ayos nang buhok* at darna. Kelangan masanay na ako. Join na lang kaya ako sa US Army ngayun din. I heard maraming guapo dun.

    Speaking of ELITE. Kahit na nong nasa Barrio Siete pa kami, ELITE-tista na kami. Lahat kasi nung kinukuha naming de lata kina Aling Puring Sari Sari Store, eh, naka-LIT-TA. 🙂 HAR HAR HAR HAR

  6. Hinay lang bords…ang puso. Anyway, i second emotion sa iyo. Minsan kasi may mga taong feeling sila lang ang may monopolyo sa ideya. Para namang sila lang ang may “K” na maglabas ng opinyon nila.

  7. Chuva ito ang hinihintay kong madinig! The best in the west and post mo! Tama ka, hindi porke’t malalalim na ingles eh magaling na sa lahat ng bagay. Hindi porke’t tama ang grammar e magaling ka na sa pagbato ng issue. Hindi lahat ng magagaling mag-ingles e tama ang opinion. Hindi! Hindi! Hindi!

  8. aba may elites din pala sa blogworld?Lumalabas na naman ang pagiging antisocial personality ko pag ganun..dunt worry mare,may taym din yun sila..mamatay din sila..hahaha…walang blog blog!upakan nalang tau!tgnan natin kung elites pa din sila kung duguan na bibig nila..hahaha..pang bakla lang yang hack hack na yan..magpakita sila in person tapos dun nila sasabihin kung anong sama man ang nararamdaman nila..indi na papadala sa hack2x cheness…elite my ass!!walang elite sa mundo ni maldito!!

  9. i agree with you. hindi ko magets minsan yung mga tao na over-critical sa blog ng iba, lalo na kung pamantayan ay yung ginagamit na language sa pagsulat. i don’t believe that one language is superior over another. tsaka ano beh! walang basagan ng trip, diba? blog nga nila yon eh, anong paki ng ibang tao about it? oh well, hayaan mo nalang yung mga ganon, everybody’s entitled to their own opinion. wag ka nalang magpapaapekto sa opinyon nila.

  10. waaaaaaahhh wala nga blag ni panjetttttttt pano yung award na binigay ko sa kanya?? 🙁

    teka teka sama ko …..nahack na nga e award pa rin nasa isip ko 🙁

  11. hallo chuvaness! giliw na giliw ako ang iyong pagbisita sa aking lungga:)

    Ganun? elitist daw? gamit din ba nila melone err malone parpum na tig tausan tausan dolares,lol

    More seryosli,I think I’ve been to few of these FEELING super brainy,super sosyal na blagger’s site.Isa pa nga sa kanila, snob ako kasi daw hindi ako marunong gumamit ng thesaurus har har har

    Some of them really annoying about using words that don’t sound natural to them para lang sabihin english nila better than yours hayyy ka-kokornik!

  12. Cheh, hahaha I think I wrote about that, “Do I actually write like I speak”?

    I think I blog in English para ma-praktis yung English ko but I’d be caught speaking more tag-lish. Funny with Pinoys, we create words that turns out to be really funny, gaya ng CHUVA CHENES. I do admire people’s blog with intelligence yung you learned from them in a way. Meron namang Filipino blogger na inisip, “I write better, I get more hits”, pero dahil I enjoy blogging, so it doesn’t really matter what people think of my blog, I surf on blogs and pick people who talk about their life, what food they eat, what makes them mad and things that you feel attached about their story, those day-to-day life.

    Ms Chuva, try mong i-memorize to:

    “Doctrine, turpentine, marine. Compare alien with Italian, Dandelion and battalion. Sally with ally, yea, ye, Eye, I, ay, aye, whey, and key. Say aver, but ever, fever, Neither, leisure, skein, deceiver. Heron, granary, canary; revise and device and aerie. Face, but preface, not efface.”

    Just take it easy. Keep blogging dahil you’re an entertainer.

  13. Hello “K”, feel ko together ang sinabi mo! In the beginning nang simula nang blog ko, I was told to check diz and dutch, grammar check chuva at kung ano ano pa. Punyeta, nag-iiba ang personalidad hindi na ako. PAKIALAM KOOO! So now, sinusulat ko utot nang utak ko the way I wanted it. Bicol, English, French minsan, Tagalog karamihan and I actually enjoy na tagalog at walang etche burecheng check check.

    I say “BE YOURSELF”. Ganun.

  14. Pati pala dito sa blogging meron din amo at alipin? Aba eh kung ganun ang blog ko aliping sagigilid lang. Di bale ang mahalaga masaya ako sa sinusulat ko kahit jologs! 🙂

    Tsk! Binisita ko yung blog ni Blue Panjeet, nawala nga. 🙁

  15. Ambo- nahack talaga sya nung una… narecover ko naman.. then tinuluyan ko na ioffline pansamantala kasi may mga balasubas dun na silip ng silip. umiinit lang ulo ko pag nakikita ko mga pagmumukha. so less evil, tinangaal ko muna tutal yun lang palagi cause ng anger ko eh.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *