Digisikan at Talastasan Pang-Inhinyero ang kinuha ko nun kolehiyo. Nosebleed po ang kursong yun, sa totoo lang. Hinde ko naman talaga gusto yun kaso nun nagpa-enroll na ko, sabi nun nag e-enroll, matataas daw ang mga grades ko pati yung Entrance Exam test ko kaya dun daw ako sa Gengineering. Eh madali akong kausap, mega pila ako sa Computer Engineering kaso andami-daming gustong kumuha ng kursong yon. Tinamad ako, eh yung ECE, konti lang tao, so dun napadpad ang byooti ko. I tell you, wala akong ideya sa gulong pinasukan ko. Ni hindi ko nga alam ang ibig sabihin ng ECE eh. Basta ang dinig ko, yun daw ang pinaka- PRESTIHIYOSONG ENGINEERING COURSE noong mga panahon na yun. Confident ako kase akala ko magaling ako sa Sipnayan kase nung HS easy sa kin ang TATSIHAAN pero pag pinagsabay pala ang TATSIHAAN at PANANDAAN at KAPNAYAN nakakatuyo ng utak. Sabayan pa ng Sukgisan, Tayahan, Tingirin, Laumin,
Palautatan, Liknayan, Kapnayan, Tigilan at Initsigan. Hay! Nakakaloka. Di lang yan, pinaghirapan ko ring aralin ang mga Dagindas, Duhandas, Talundas, Alunig, Dalas, Libuyhaba, Malasaluyan at Saligwil. Halos gumapang ako sa lusak, makapagtapos lang. Parusa talaga. Oist baka akalain nyo salitang CHENES yan ha. Hinde po yan chenes. Dito po galing yan:
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Palatangkasan – set algebra
Bilnuran – arithmetic
Sukgisan – geometry
Lapya – plane
Siksin – solid
Panandaan – algebra
Tatsihaan – trigonometry
Timbulog – spherical
Tayahan – calculus
Tingirin – differential
Laumin – integral
Palautatan – statistics
Liknayan – physics
Sigwasan – mechanics
Danumsigwasan – hydraulics
Buhagsigwasan – pneumatics
Tigilan – statics
Isigan – dynamics
Initsigan – thermodynamics
Balnian – magnetism
Kapnayan – chemistry
Lahatan – general chem
Uriin – qualitative chem.
Sukatin – quantitative chem. Haying – organic chem.
Dihaying – inorganic chem.
Dagikapnayan – electrochemistry
Haykapnayan – biochemistry
Haynayan – biology
Sipnayan – mathematics
Panakda – numerator
Pamahagi – denominator
Tumbasan – equation
Sanyo – formula
Aligin – variable
Awanggan – infinity
Isakay – monomial
Duhakay – binomial
Talukay – trinomial
Damikay – polynomial
Duyog – ellipse
Tikop – circumference
Gilis – hypotenuse
Tadlong – perpendicular
Pariugat – square root
Hambinging bigat – specific weight
Tigal – inertia
Dantay – impulse
Dagsa – momentum
Habyog – torque
Larang – equilibrium
Gitisig – centripetal force
Basisig – centrifugal force
Dagsin – gravity
Dagisikan – electronics (O.O)
Dagitab – electricity
Saloy – current
Dagisik – electron
Tablay – electric charge
Lulos – bypass
Sunurang kabit – series connection
Agapayang kabit – parallel connection
Salikop – circuit
Tuwirang saloy – DC
Saliding saloy – AC
Sakwil – resistance
Panakwil – resistor
Kasagwilan – resistivity
Lulan – capacitance
Panlulan – capacitor
Dawit – inductance
Panawit – inductor
Dagibalniing liboy – EM waves (ows? -.-;)
Saluyan – conductor
Panghadlang – insulator
Kabtol – switch
Sayad – ground
Laktod – short circuit
Awanging tubo – vacuum tube
Tugoy – oscillation
Tugoysipat – oscilloscope (talaga?)
Pangibayo – amplifier
Dagindas – electrode
Duhandas – diode
Talundas – triode
Alunig – resonance
Dalas – frequency
Libuyhaba – wavelength
Miktinig – microphone
Hatinig – telephone
Malasaluyan – semiconductor
Saligwil – transistor
Paano kaya kung nun college eh ganyan nga talaga ang mga terms na ginamit?
Ex.
Kalkulahin ang GILIS ng tatsulok na ito.
Ano ang propagasyon ng Dagibalniing Liboy?
Ano ang LIBUYHABA ng LIBUY kung doble and DALAS nito at walang pagbabago ang BILIS?
Ano ang simbolo ng TABLAY?
Hanapin ang ugat ng sumusunod na Damikay g(x) = 3x2 - 7x - 20
Gaano kahaba ang Ananggan?
Ano ang Hambinging Bigat ng tubig dito sa mundo?
Hanapin ang PARIUGAT ng 918?
Ano ang pagkakaiba ng GITISIG sa BASISIG?
Waaaaaahhhh! NAKAKA-NOSEBLEED TO DEATH!!!!!!!
PS
Gusto ko palang i-try na ime-morize yan..
If you liked my post, feel free to subscribe to my rss feeds







































BlogoSquare
36 Comments so far (Add 1 more)