Nosebleed to the Nth power

Digisikan at Talastasan Pang-Inhinyero ang kinuha ko nun kolehiyo. Nosebleed po ang kursong yun, sa totoo lang. Hinde ko naman talaga gusto yun kaso nun nagpa-enroll na ko, sabi nun nag e-enroll, matataas daw ang mga grades ko pati yung Entrance Exam test ko kaya dun daw ako sa Gengineering. Eh madali akong kausap, mega pila ako sa Computer Engineering kaso andami-daming gustong kumuha ng kursong yon. Tinamad ako, eh yung ECE, konti lang tao, so dun napadpad ang byooti ko. I tell you, wala akong ideya sa gulong pinasukan ko. Ni hindi ko nga alam ang ibig sabihin ng ECE eh. Basta ang dinig ko, yun daw ang pinaka- PRESTIHIYOSONG ENGINEERING COURSE noong mga panahon na yun. Confident ako kase akala ko magaling ako sa Sipnayan kase nung HS easy sa kin ang TATSIHAAN pero pag pinagsabay pala ang TATSIHAAN  at PANANDAAN at KAPNAYAN nakakatuyo ng utak. Sabayan pa ng Sukgisan, Tayahan, Tingirin, Laumin,
Palautatan, Liknayan, Kapnayan, Tigilan at Initsigan. Hay!  Nakakaloka. Di lang yan, pinaghirapan ko ring aralin ang mga Dagindas, Duhandas, Talundas, Alunig, Dalas, Libuyhaba, Malasaluyan at Saligwil. Halos gumapang ako sa lusak, makapagtapos lang. Parusa talaga. Oist baka akalain nyo salitang CHENES yan ha. Hinde po yan chenes. Dito po galing yan:

Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.

Palatangkasan – set algebra
Bilnuran – arithmetic
Sukgisan – geometry
Lapya – plane
Siksin – solid
Panandaan – algebra
Tatsihaan – trigonometry
Timbulog – spherical
Tayahan – calculus
Tingirin – differential
Laumin – integral
Palautatan – statistics
Liknayan – physics
Sigwasan – mechanics
Danumsigwasan – hydraulics
Buhagsigwasan – pneumatics
Tigilan – statics
Isigan – dynamics
Initsigan – thermodynamics
Balnian – magnetism
Kapnayan – chemistry
Lahatan – general chem
Uriin – qualitative chem.
Sukatin – quantitative chem. Haying – organic chem.
Dihaying – inorganic chem.
Dagikapnayan – electrochemistry
Haykapnayan – biochemistry
Haynayan – biology
Sipnayan – mathematics
Panakda – numerator
Pamahagi – denominator
Tumbasan – equation
Sanyo – formula
Aligin – variable
Awanggan – infinity
Isakay – monomial
Duhakay – binomial
Talukay – trinomial
Damikay – polynomial
Duyog – ellipse
Tikop – circumference
Gilis – hypotenuse
Tadlong – perpendicular
Pariugat – square root
Hambinging bigat – specific weight
Tigal – inertia
Dantay – impulse
Dagsa – momentum
Habyog – torque
Larang – equilibrium
Gitisig – centripetal force
Basisig – centrifugal force
Dagsin – gravity
Dagisikan – electronics (O.O)
Dagitab – electricity
Saloy – current
Dagisik – electron
Tablay – electric charge
Lulos – bypass
Sunurang kabit – series connection
Agapayang kabit – parallel connection
Salikop – circuit
Tuwirang saloy – DC
Saliding saloy – AC
Sakwil – resistance
Panakwil – resistor
Kasagwilan – resistivity
Lulan – capacitance
Panlulan – capacitor
Dawit – inductance
Panawit – inductor
Dagibalniing liboy – EM waves (ows? -.-;)
Saluyan – conductor
Panghadlang – insulator
Kabtol – switch
Sayad – ground
Laktod – short circuit
Awanging tubo – vacuum tube
Tugoy – oscillation
Tugoysipat – oscilloscope (talaga?)
Pangibayo – amplifier
Dagindas – electrode
Duhandas – diode
Talundas – triode
Alunig – resonance
Dalas – frequency
Libuyhaba – wavelength
Miktinig – microphone
Hatinig – telephone
Malasaluyan – semiconductor
Saligwil – transistor  

Paano kaya kung nun college eh ganyan nga talaga ang mga terms na ginamit?

 Ex.

Kalkulahin ang GILIS ng tatsulok na ito.

Ano ang propagasyon ng Dagibalniing Liboy?

Ano ang LIBUYHABA ng LIBUY kung doble and DALAS nito at walang pagbabago ang BILIS?

Ano ang simbolo ng TABLAY?

Hanapin ang ugat ng sumusunod na Damikay  g(x) = 3x2 – 7x – 20

Gaano kahaba ang Ananggan?

Ano ang Hambinging Bigat ng tubig dito sa mundo? 

Hanapin ang PARIUGAT ng 918?

Ano ang pagkakaiba ng GITISIG sa BASISIG?

Waaaaaahhhh! NAKAKA-NOSEBLEED TO DEATH!!!!!!!

PS

Gusto ko palang i-try na ime-morize yan..

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

36 Comments

  1. Inday to Reyna Elena:

    Kung kaya mong i-patalangkasan sa lapyang panandaan, malalaman mo ang tingirin nang tayahan. Samakatuwid, ang buhagsigwasan ay iba sa resulta nang initsigan.

    Reyna: [nadapa – duguan]

  2. i’m telling you my dear, you had it all covered out. filipino is really one of the languages that i had trouble mastering. it took me 3 days to do it, a day more than Latin which i’m telling you is no easy task. keep it up my dear and soon you too shall pass Ederlyn’s fame.

  3. HAHAHA!!! SUPER PANALO TONG ENTRY NA TOOOO!!! Asan kaya si Filipinayzd?

    Buti na lang – walang pera ang tatay ko pang ECE nung panahon nang hapon, kundi, hangga ngayon ECE pers year pa rin akoooo!!! Grabe too Chuvanesss! Hanip ka mag-entry! Sabog ang utak kooooo!!!

  4. nyahahahaha! pinangatawanan ko ang pagiging diva, pinangatawanan mo naman ang nosebleed. oh my gash! pareho talaga tayo ng likaw ng bituka. nyahahaha! wabyu chuvaneska!!!!!!!!!!!

  5. hahaha.mas madali pa siguro ang HAYKAPNAYAN na subject kesa imemorize ko lahat tong words na ‘to. 🙂 sumakit ulo ko. gusto ko sumigaw sa MIKTINIG! lol

  6. waah. pahingi ng tissue. na-nosebleed din ako. to think na taga-Filipino department din ako sa UP noon (malikhaing pagsusulat o creative writing ang aking major). tissue! tissue! waaaaah!

  7. kahit huli man hahabol pa din. pero di ako ung matsing ha. lols. kahit me trangkaso ako nyeta tawa ako ng tawa dito. saumakit lalo ulo ko at naku *nosebleed to the max! galing galing ng utak mo talaga malen. kakaiba! are u related to kokey? chorva! bwahahaha. miss ka na namin ni bluepanjeet eh. wer waiting sa pag split mo hahaha

  8. naku chupachup ang utak kong inamag ay tuluyan ng naging alikabok matapos basahin ito. saang sementeryo mo ba nahukay ito? aray, makaalis a nga para makabili ng aspile ay este aspirin. ningsakit ang akong kutay nga libog da.

  9. salamat naman at ang mga aralin na yan ay tinuturo sa wikang ingles! kung hindi, siguradong nakailang ulit ko inenrol ang Laumin!Pinakapaborito ko ang Kapnayan, Lahatan, Uriin, Sukatin, Haying at Di-Haying.

    mayen, ako po si maline. paki add po ako sa blogroll..thanks!

  10. @ JUNANTEOLA — nyahaha, na-nosebleed ka ba?

    @ MALDITO — uyy demending! na add na po kita!

    @ VENNISJEAN — grabeng OOTW yang mga words na yan, wala akong matandaan kahit ilang beses ko na binasa…waaaaaaaahhh

    @ MISS BENG — hahaha! na-braindrain ka din ba mami beng?! di lang ulo ko sumakit jan pati panga ko…tawa ako ng tawa the whole day!

  11. @ BLUEP — hahanap ako ng tagalog na medical terms para sayo..hahaha

    @ AMBO –> walis…harharhar

    @ TIM ANG — gamitin mo yan hijo sa mga math subjects mo ha

    @ HANNAH — nyahahaha…how ironic no, to think na tagalog lahat to

    @ MACKAY — thank you for hopping in…hahaha…join the nosebleed bandwagon! hahahah

    @ PAO — ansarap maging dayuhan sa sarilin mong bansa di ba? hahahah

    @ DREW — WOW! ECE ka din? naku, lalong parusa pagnagkataon!

    @ MALDITOO — haha, internal bleeding at its finest!! LOL

    @ A Z R A E L — ROTFL..naiimagine ko ang kulangot na pula…ang alam ko green/dark green tsaka black lang eh…wahaha yuck

    @ AIMZ — imbento lang yata nila yan eh..pero maganda di ba…dapat yan ang gamitin!

    @ iRONNIE — nabasa ko sa blog mo na ECE ka din…nun time namin, several yearsss ago, prestihiyoso daw yun eh …thank you for passing by!

    @ PARISUKAT — wow! may wish pa!! sana may gift din..hehehe

    @ Jojie — WABYU DIVANESS LOVE CHUVANESS, hahaha shofatid!!!

    @ REYNAELENA — sabog din ang utak ko jan sa tagalog chenes na yan..nakaka LURKEI!!!!

    @ DEFTOPEC — haha, anlaki ng ilong mo vaklush!! pedeng daanan ng utak…ROTFL

    @ INDAY — STATUE INDAY?? THE!!! hahaha, tenk yu for coming and gracing my blog. you are my IDOL..wabyu!

    @ RUTHIE — nyahahaha…nakaka high blood bah?

  12. hihihi… 🙂
    ang tagal kong sinearch ito sa google.
    dapat pala nagblog hop muna ako…
    hindi pa ako nagpakapagod magsearch ampupu tlaga oh.
    hahahahaha! anyway, salamat at sayo ko ito nakita.
    hahahahaha! basta mga nosebleed na salita…mynosebleed.com.
    oyeah! hehehe xP
    nakakatuwa nuh? hahaha!
    (di ko alam na may tagalog wiki hahaha nalalayo na ako sa kabihasnan. toinks.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *