When I started blogging some 4 years ago ( a lousy one, up ’til now) I did not really intend to reach out to people — make friends with them, make them laugh kahit konti etc. Care ko kung may nagbabasa o wala? Deadma. Wala sa hinagap ko na magkaroon ng mga cyber amigos y amigas kase ayoko naman ng virtual relationships kaya hinde ako nag co-comments sa ibang blogs kahit na gusto ko tsaka ayokong magkamali ng sasabihin. Gusto ko mag comment kay ___, ___, ___ at ___ pero ayokong ma-okray. Haha. But just recently, my blogging life has turned full circle. I became friends with the brightest people on the internet. Yung mga totoong tao and take note, highly intelligent and talented. Mababaw kase akong tao. I laugh at any jokes lalo na pag corning corni. Pag nag-isip ako, layman’s terms lahat. I do not make things complicated to avoid nosebleeding. Kaya pag nababasa ko yung mga blogs nila, parang nagkakaroon ng depth ang pagkatao ko. Andami kong napupulot na aral pati kabulastugan. These people are natural-born writers. Akala ko kay HELEN MERIZ lang ako mato-touched (nyahaha). Akala ko sa mga libro lang ni Og Mandino ako mai-inspire at sa Pugad Baboy lang ako mapapahagalpak at sa magasin lang ako makarinig ng tsismis. Akala ko sa school ka lang makakakita ng mga friends for life. Akala ko sa chat lang may EB. Akala ko sa TEXT lang pwedeng maging sweet at caring. Akala ko sa FRIENDSTER lang may mga STALKERS. Akala ko sa totoong buhay lang nagkakaroon ng misunderstandings. Akala ko sa probinsya lang may bayanihan. Akala ko sa Mendiola lang may mga aktibista. Akala ko sa Bible lang may mga good samaritan. Akala ko sa TV lang pwedeng sumikat. Akala ko ELITES lang ang may karapatan ng LIMELIGHT. Akala ko sa TV lang may love teams. Akala ko sexy lang ang napapansin. Akala ko mga close friends mo lang ang pwedeng um-appreciate sayo. Higit sa lahat, akala ko sa bahay mo lang mararamdaman yun BELONGINESS. Hinde pala. There’s a lot of possibilities in this whole blogging world!
Walang pinipiling kasarian o edad o antas ang mundong ito ng blogosphere — mayaman, mahirap, Class A-B-C-D, sosyal, sosyal climber, may sariling domain o wala, professional o hinde, nike o advan, blogspot.com o wordpress.com at kung anu-ano pang chenes chenes and the likes, lahat tayo BIDA!! Kung sa totoong buhay, walang nakikinig sa opinyon mo, dito sa mundong ito, pwede kang mag-maganda hangga’t gusto mo at pwedeng pakinggan ka. There’s an endless possibilities for bloggers to reach out and inspire a lot of people.
“Everyone has the right to be heard!”, sabi nga ni bluep
Kaya naman nagulat ako kase sa loob ng ilang taon kong pag b-blog, may naka-recognize sa ‘kin at binigyan ako ng AWARD. Artistang artista ang pakiramdam ko di ba? Wahahaha.
Thank you so much BLUEPANJEET for this recognition. Sino ba naman ako di ba? Kumpara mo naman ang blog ko sa blog mong umani ng napakaraming pagpupugay all over the world. I am but a small voice pero pinag-gugulan mo ng panahon para pakinggan yung mga mababaw kong posts kaya thank you from the very bottom of my heart. This means a lot. Between the 2 of us, ikaw yung sosyal ako yung sosyal climber. Langit ka, lupa ako. Wahahah. Salamat kapatid.
Thank you also to HAPPYSLIP‘s BOYPREN Video kase kung hindi dahil dun, di ako magiging magiging interested kay Josh Verdes at kung di dahil sa kanya, hinde ako madadapa sa blog ng karibal kong si REYNAELENA, at kung hinde dahil sa REYNA, di ko makikilala ang isa sa mga avid readers nyang si BLUEP, si CHUVA at madami pang iba pati na si MAMI KENGKAY at kung di dahil sayo MAMI KENGKAY, di ko maki-click ang logo ng WordPress Pinoy Group at kung di dahil dun di ako magiging member ng WordPress Pinoy Forum at hindi ko sana nakilala ang ilan sa mga ino-nominate ko para sa BLOGGING STAR AWARD NA YAN. Kayo ang dahilan kung baket naging makulay ang bloglife ko.
Now itβs time for me to pass this award to the bloggers who shine their light throughout the Blogosphere. Some do it with humor, others with creativity, and others with their kind and thoughtful natures. The Nominees are:
Jojitah and Maru and Mami Keng and CHUVA and Tim Ang for HUMOR
aiMzter and AZRAEL and AMBO and Koya Selvo for CREATIVITY/TALENT
Ruthie, Lizzie, Hannah, Jayzanne, Nika, Brath and Banana for their Kind and Thoughtful Nature
AND THE WINNER/S IS/ARE:
kayo din lahat!!!!!!
i love you all! Mwaah! You all are STARS sa paningin ko whether you accept it or not. Sabi nga ni Mama Ricky, ANG GANDAAH! SHINE NAH!!
Spread the LOVE!
This award originated @ skittleβs place
29 Comments
hehehe! congratulations sa award mo! hehehe! natutuwa naman ako, kala ko kasi puro na lang katarantaduhan ang sinasabog ko sa mundo! hahahaha
congrats din sayo reynz. π
informative and entertaining talaga ang blog mo. i love it!
kinabahan ako… akala ko Malabanan Award ako hehehe… thank you po ng marami… bow!
Congratulations! Anong feeling ng me award ba? Pocha sa tanang buhay ko wala pa akong nareceive na award bukod sa Loyalty Award *lols* at please lang ayoko ng Malabanan Award bwahahaha.
Seriously, me napansin lang ako sa category na binigay mo na creativity/talent, eto ang napansin ko kasi, bakit puros damatans ang kasama ko dun? *lols* *pabata epek*. Pero kahit na! Let me thank you for that. Really sabi nga Ate V!
Seryusly, you know what? i really love your blog, entertaining ka talaga magsulat. You have the talent. Please itago mo na lang yan ha *lols uli*….
Sa totoo lang, name pa lang, entertaining na, paano pa kaya kung iyong totoong author behind the name Chuva? Chuvaness kaya talaga? Yan ang aking aabangan sa mga susunod na kabanata….
Again, again, again Maraming Salamas at Kongrats! π
PS. Ang haba pala ng comment ko *lol*
Last na! Ampf, nasan ba ang rss feed mo di ko makita! π
@K’SELVO — koya the best yang MALABANAN AT PALABAN AWARDS mo! Nakakatawang nakakainis. Hahaha. Hanep na ideya. Deserving ka sa AWARD na yan kase YOU’RE A STAR!!!!!!! Shine nah!
@ AMBO — pag tumatanda na tumatalas daw utak..haha. π You deserve the award tsong…domain pa lang panalo na..yung theme panalo din lalo na yung entries – hmmm naniniwala, hahha, di ka na mabiro. Seriously, u deserve it!
ahahahaha. pansin ko nga kasi tumaas ng .01% ang IQ ko eh. wow watakompliment! Hinahanap ko rss feed mo asan ba?
wow! you deserve that award! and hey.. i read og mandino’s books, and i love xtine aka happyslip sobra! wow sis sana maging close friends din tayo in the long run. π
humbling naman masyado itong entry mong ito ineng. pero tuwang tuwa ako at na-mention mo si tita mega, although i don’t deserve it dahil panay kaekekan lang ang entries ko sa blog ko. pero sa mga kowments mo sa blog ko at kina reyna at bluep, nakita ko ang pagkatao mo.. nag-ka-clot din pala yang dugo mo sa ilong at hindi lang yan, karibal ka pa ng anak kong si JC. All in all, talagang deserve na deserve mo yang award na yan dahil ngayon, puede na kitang i-blog dahil CELEBRITY KA NA!! chika chuvalingga chenes chenalyn ever!!!
Congratulations!!
Congrats, sissy. SOSYAL! :p
wow! may award si malen! yey!
san ang party after ng awarding ceremony? π
Maaaaaleeeeeeeeeennnn, ngayong star ka feeling ko star din ako hehehhe… grabe dapat meron tayong pinoy bloggers get together parang mala-you tube get together sa US… grabe….
Kongrats kaso nde ko nakita yung .jpg, gusto kong makita hehhehe… baka sa opis lang nde tingnan ko later sa house hahahaha…
saya saya naman
kung alam mo lang tawa na naman ako ng tawa sa mahaba mong speech.. pede ba i-record mo with feelings…
o kaya podcast ka na hehehehhehe…
Maaaleeennnnn! so ngayong star ka na feeling ko star na rin ako hehehe…
as usual tawa ako ng tawa sa speech mo… pede mo bang i-record para marinig ko (dapat with feelings lalo na sa mga AKALAs hahaha)…
hmmmm… nde ko sukat akalain na, reader ka pala ng pinoy pocket books hehehe… (bat’ ko alam? kasi pagwala ng mabasa, yan ang last choice ko hehehe)…
nde ko nakita yung JPG na nilagay mo baka sa bahay ok, tingnan ko at feature kita sa blog ko
Kongrats at lagi mo kaming patawanin..
magaleng! magaleng! magmagalemg! bwahaha! ang taray ng acceptance speech ng vakla! fil na fil! juday, statue????
impernes, pareho tayo ng sentimyento. at salamat nga pala sa nomination. ginawa ko lang naman ang da best ko at kung hindi dahil sa inyo siguro wala rin ako sa kinalalagyan ko ngayon. naknamfefe! napapa-speech na rin akish! bwahaha!
Hi Malen, I’m sure di ka na mag no-nosebleed for this award! π
just returning the favor, thanks.
mag-a-add sana ako ng comment kanina sa opis pero petsa na nde na nagwowork yung pag-add ngcomment
anyway, YOU ROCK MALEN!
kahit noon pa man napapatawa mo ako sa entries mo no..
tinatangkilik ko ang arts and crafts mo kasi gifted ka. gifted ka naman talaga eh
yung entry mong ito, napatawa mo ulit ako… pede bang marinig ang speech na to with feelings specially yung mga akala mo akala mo hehehe
kongrats!
wow len! congratz! kahit san ka tlaga mapadpad, nagsha-shine ka. i’m proud of you!
Uy congrats! Ang galing mo naman talaga magsulat eh! π
haks naman, mabuti na lang pwede kami maki ride sa popularity mo, hehe! you deserve the award; parang sinabi ko na ring we deserve the award rin π heniway, na tag kita — check it out
http://kengkay.wordpress.com/2007/09/23/eto-naaaaa/
sagutin mo at pinaghirapan ko yan.
Ngek! Nadoble na naman, na-tag din kita eh! hehe! π
Malen ang drama mo hahaha. anong pinagsasasabi mo langit ako lupa ka hahaha wala yun sus. amo ba naman ito! pare-pareho tayong blogger. pinagkaiba lang design. yun langnaman yun haha. wag ka magself pity… soon makikita mo rin ang tunay na niche mo dito sa blogosphere. just keep on blogging as a passion and not as an obligation. π
*punas luha, uhog at luga
waaahhhhh!!! salamat sa award na ito mare.. i deserve it! nyahahahaha! hayuf ang confident ko, but thank you sister sa pananampalataya mo sa ka-divahan ko. π
Nde ako maka-comment – gusto kong magcomment pero petsa na
awwww congrats sa award! sweetie malen salamat din sa award! feeling ko para ng awards night tag style ito hahaha!