humor blog, nosebleed, engrish, make money online, nosebleed, wentworth miller girlfriend, wentworth miller, earn while blogging, prisonbreak
headermask image

header image

Naramdaman mo na ba’ng ma-torture ng traffic?

~!@#$%^&*(!!!

Ako, OO at ayoko nang maranasan pa ulet.

Last 2 days ago, 1st time ko ni-try ang mag BODY BALANCE — Yoga, Tai Chi and Pilates workout. Akala ko NO SWEAT ‘tong exercise na ‘to pero naman, tagaktak ang pawis ko all over. Nanginginig yung mga tuhod ko at buong kalamnan. Ang mga joints ko, pati lower back at tadyang hanggang ngayon nagsusumidhi pa din. Nakaka-ubos pala ng lakas ang mag perform ng stunts na gaya nito:

Pero in all fairness, masarap sya gawin. Ansarap mag-relax pagtapos ng ganitong routine kaya naman excited ang lola mong umuwi. Ansarap kaya matulog pag ganun ka-pagal yung katawan di ba tsaka umuulan-ulan, masarap mag one moment with nescafe. Pero sa kasawiang palad, ang inaasam-asam kong MOMENT ay sinira ng traffic na yan! Inabot ako ng siyam siyam sa byahe — imaginin mo, 4 na oras kong nilakbay ang kahabaan ng Cubao-NLEX-Valenzuela. Whatta!? Daig ko pa ang umuwi ng provincia! Mega traffic plus anlakas ng ulan at sa kamalas-malasan pa, iniwan ko yung payong ko sa opis. Sasabayan pa ng 10 wheeler na San Miguel truck na na-stranded sa gitna ng intersection. Tatabihan ka pa ng lashing na naka sleeveless na pinaghalong beer at kili-kili ang amoy. Buseeet. Hinde ko kineri. Kaya ko pa yun 4 hours na byahe kahit 24 hours at kahit traffic pa basta kumportable un upuan, malamig at may chicha. Ang lalong nag pa torture sa kin eh yung 4 na oras kong pinipigil yung ihi ko para akong nag la-labor sa sakit. Lahat yata ng simtomas ng nagla-labor, naramdaman ko ng oras na yun — back ache, cramp-like pains in the lower portion of the abdomen (aka puson), contraction, trembling, nausea/vomiting and intense emotions. Waaaaaaahhhh!!!

Buti na lang hinde ako napasigaw ng MY WATER BAG BROKE!!!

Enter your email address to receive free load/gifts from me:

Delivered by FeedBurner

If you liked my post, feel free to subscribe to my rss feeds

14 Comments so far (Add 1 more)

  1. So are you still enjoying the workout? Nice, isn’t it?

    joy
    Your Love Coach

    [reply this comment]

    1. joy on September 24th, 2007 at 10:18 pm
  2. Grabeng hirap nga yung magpigil umihi ng ilang oras. Peste talaga ang trapik sa Manila pag umulan na.

    [reply this comment]

    2. Kiko Matsing on September 22nd, 2007 at 5:45 pm
  3. Daig mo pa yung pumunta ng Batangas hehehehe…

    Malas na malas talaga super hehehe

    [reply this comment]

    3. Hannah on September 22nd, 2007 at 4:49 pm
  4. moral lesson na dapat matutunan: magdala ng disposable na plastic cup kahit saan magpunta o kaya cellophane. ipikit mo lang ang mga mata mo para hindi ka mahiya habang nagwe-wewe. gets mo?

    [reply this comment]

    4. MARU on September 22nd, 2007 at 12:51 pm
  5. now thats what you call NoseBleeeed!

    [reply this comment]

    5. parisukat on September 22nd, 2007 at 10:06 am
  6. sino ba ang may gusto sa traffic?
    di pa ako nakakapag-yoga, pilates at tai chi sa buong buhay ko. gusto kong subukan.

    [reply this comment]

    6. tim ang on September 22nd, 2007 at 8:11 am
  7. sobra namang traffic yan but i did experience that as well. 5 hours ang byahe ko from quaipo to pasig…. buti na lang pala di ka buntis kundi di ka lang naglabor sa sasakyan don ka pa nagdeliver ng baby. haha.

    do u mind if i link u? no? ..done. tnx :)

    [reply this comment]

    7. TRiSH on September 22nd, 2007 at 7:52 am
  8. ahmmm pano mag edit ng comment? di pwede? kktnxbye!

    [reply this comment]

    8. Jon Cabron on September 21st, 2007 at 7:57 pm
  9. sus ako nga napatae pa sa bus e.. no, wait!

    [reply this comment]

    9. Jon Cabron on September 21st, 2007 at 7:56 pm
  10. Traffic ba kamo?
    OO at nakakainis.
    Lalo na minsan sa may daan papunta Las Pinas at Cavite. Nakakairita sobra.
    Ang tagal naman kasi nung pag gawa dun sa may daanan na un.

    Ayoko tuloy kapag natapat ang sweldo ng Friday at ginawang holiday ni Gloria ang Monday. Asahan mo, sobrang traffic un, at samahan mo pa ng malakas na ulan. Hay. Grabe tlaga.

    Hehe.

    [reply this comment]

    10. eitheryousinkorswim on September 21st, 2007 at 12:33 pm
  11. magandang idea yan your highness! Or pwede ding mag adult diaper… :) or mag pa cateter (tama ba spelling ko nito?)
    hehehhe…

    [reply this comment]

    11. angelofthewaters on September 21st, 2007 at 12:06 pm
  12. day! di na pede ang lola mo nyan, as in talagang balibali ang katawan ko ever pag ginawa ko yan! hahaha!

    pero anyway-balik tayo sa twsfic, ano kaya, magbitbit ka nang arinola?

    [reply this comment]

    12. reyna elena on September 21st, 2007 at 10:15 am
  13. pero aminin napaweewee ka sa panty kahit konti hehehe kasalanan yan ni gloria… hehehe lahat na lang ibintang ke gloria no…

    [reply this comment]

    13. selvo on September 21st, 2007 at 9:38 am
  14. tsk! ang tawag diyan kafatid—> MALAS. :lol:

    [reply this comment]

    14. jojie on September 21st, 2007 at 8:51 am

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *

*
*
  • :em25:
  • :em32:
  • :em33:
  • :em34:
  • :em41:
  • :em42:
  • :em47:
  • :em50:
  • :em54:
  • :em55:
  • :em61:
  • :em62:
  • :em70:
  • :em71:
  • :em72: