Naramdaman mo na ba’ng ma-torture ng traffic?

~!@#$%^&*(!!!

Ako, OO at ayoko nang maranasan pa ulet.

Last 2 days ago, 1st time ko ni-try ang mag BODY BALANCE — Yoga, Tai Chi and Pilates workout. Akala ko NO SWEAT ‘tong exercise na ‘to pero naman, tagaktak ang pawis ko all over. Nanginginig yung mga tuhod ko at buong kalamnan. Ang mga joints ko, pati lower back at tadyang hanggang ngayon nagsusumidhi pa din. Nakaka-ubos pala ng lakas ang mag perform ng stunts na gaya nito:

Pero in all fairness, masarap sya gawin. Ansarap mag-relax pagtapos ng ganitong routine kaya naman excited ang lola mong umuwi. Ansarap kaya matulog pag ganun ka-pagal yung katawan di ba tsaka umuulan-ulan, masarap mag one moment with nescafe. Pero sa kasawiang palad, ang inaasam-asam kong MOMENT ay sinira ng traffic na yan! Inabot ako ng siyam siyam sa byahe — imaginin mo, 4 na oras kong nilakbay ang kahabaan ng Cubao-NLEX-Valenzuela. Whatta!? Daig ko pa ang umuwi ng provincia! Mega traffic plus anlakas ng ulan at sa kamalas-malasan pa, iniwan ko yung payong ko sa opis. Sasabayan pa ng 10 wheeler na San Miguel truck na na-stranded sa gitna ng intersection. Tatabihan ka pa ng lashing na naka sleeveless na pinaghalong beer at kili-kili ang amoy. Buseeet. Hinde ko kineri. Kaya ko pa yun 4 hours na byahe kahit 24 hours at kahit traffic pa basta kumportable un upuan, malamig at may chicha. Ang lalong nag pa torture sa kin eh yung 4 na oras kong pinipigil yung ihi ko para akong nag la-labor sa sakit. Lahat yata ng simtomas ng nagla-labor, naramdaman ko ng oras na yun — back ache, cramp-like pains in the lower portion of the abdomen (aka puson), contraction, trembling, nausea/vomiting and intense emotions. Waaaaaaahhhh!!!

Buti na lang hinde ako napasigaw ng MY WATER BAG BROKE!!!

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

14 Comments

  1. Traffic ba kamo?
    OO at nakakainis.
    Lalo na minsan sa may daan papunta Las Pinas at Cavite. Nakakairita sobra.
    Ang tagal naman kasi nung pag gawa dun sa may daanan na un.

    Ayoko tuloy kapag natapat ang sweldo ng Friday at ginawang holiday ni Gloria ang Monday. Asahan mo, sobrang traffic un, at samahan mo pa ng malakas na ulan. Hay. Grabe tlaga.

    Hehe.

  2. sobra namang traffic yan but i did experience that as well. 5 hours ang byahe ko from quaipo to pasig…. buti na lang pala di ka buntis kundi di ka lang naglabor sa sasakyan don ka pa nagdeliver ng baby. haha.

    do u mind if i link u? no? ..done. tnx 🙂

  3. moral lesson na dapat matutunan: magdala ng disposable na plastic cup kahit saan magpunta o kaya cellophane. ipikit mo lang ang mga mata mo para hindi ka mahiya habang nagwe-wewe. gets mo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *