Si Sir ng Buhay Ko

Na-inspire (aka, nainggit) ako kay Jojietah about her MANONG…kaya I decided to write something about SIR — sa mga hinde nakakakilala kay SIR, siya po ang aking GPW (God’s Perfect Will), KISA (Knight In Shining Armor), MOMD (Man Of My Dreams), N1F (Number 1 Fan), LOML (Love Of My Life), MBH (My Better Half) at madami pang kung anu-anong chervaloo.

Baket SIR? Baket hinde SWEETY, ‘TART, HONEY…chorva chorva and the likes?

Eh kase, I always envision my man to be SMARTER and MORE SUPERIOR than me in all aspects — sa faith, sa sweldo, sa carreer, sa decision making, sa age, sa maturity, sa diskarte sa buhay, sa grammar, sa accounting, sa budgeting, sa pagluluto, sa paglalaba, sa pamamalantsa at sa lahat ng gawain bahay…hahhahaha, gagawin ko kaseng ACHAY someday. Hahahaha. Uy, baka ma-misinterpret ako. May mga ilang bagay at pagkakataon kase na shu-shunga-shunga ako, so kung pipili ako ng mas shunga, gudlak diba? Ang mga babae pa naman, pag feel nila na mas magaling sila sa mga lalake, they have the tendency to be like this:

ANO KA BA NAMANG KLASENG TAO KA…..RATATATATAT…RATATATATATT…..RATATATATATAT…RATATATATAT

Kung araw-araw ganyan, hay, sabog ang relationship! Haha, half truth pa lang yan…the other half truth is this, BIBLICAL naman talaga na the wife should submit to her husband diba.

Likewise, wives, be subject to your own husbands, so that even if some do not obey the word, they may be won without a word by the conduct of their wives, 2 when they see your respectful and pure conduct. 3 Do not let your adorning be external—the braiding of hair and the putting on of gold jewelry, or the clothing you wear— 4 but let your adorning be the hidden person of the heart with the imperishable beauty of a gentle and quiet spirit, which in God’s sight is very precious. 5 For this is how the holy women who hoped in God used to adorn themselves, by submitting to their own husbands, 6 as Sarah obeyed Abraham, calling him lord.

1Peter 3:1-7

Hindi ito yung submission na UNDERDOG LEVEL and walang SAY EVER sa lahat ng decision. It does not mean agreeing with everything the husband says, lalo na pag mali. Papayag ba kaming mga babae ng ganun? Nope. Nevah! Husband and wife can disagree with each other pero dapat andun lagi yung RESPECT. O di ba, kahit konti may sense ako. Isa pa, kapag mas aggressive ang mga babae, nagiging INSECURE ang mga lalake. At pag insecure sila, mas madali mong masaling ang kanilang EGO. Naku!

“Nothing is more fragile than a man’s ego”

Hindi kagaya ng mga babae..hinde EGO MANIAC. By design, women maybe the weaker being (physically) BUT women are wiser, more tender, sensible and loving. Mas malalim ang level ng understanding namin. Biased ako no? hehe

Enuff! Mabalik na tayo kay Sir. Dahil sobrang nainggit ako sayo joji, gagayahin ko yung 10 things about Manong mo. Hahaha. O eto na…

10 Things About SIR

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Waaaaaaaaahhh. Blanko. Naman. Hmpft! Grrrrr!

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

10 Comments

  1. answeet.. nyahahahaha!

    I agree, that wife should submit to their husband, kaya nga ako submit ng submit kay manong. nyahahahaha! Kanya-kanya naman ang relasyones, basta happy… may kilig factor… at siyempre andun yung love. Go! Go! Go!

  2. malenskiii!!! ngayon lang ulit ako napadaan sa web blog mo, ang ganda! grabe andami ko palang namiss sa inyo ni ruth! Stay as happy as you are girl! and si “sir” pagprepray ko na mahanap ka na niya agad! love you len!

  3. @ JOJIE — pansin mo kayo ni manong ang inspirasyon ko sa ENTRY ko na to…hahaha. I WISH YOU ANG MANONG ALL THE LOVE IN THIS WORLD. labyu jojie

    @ A Z R A E L — haha, wala kase kaya walang rason…

    @ aiMz — IT!!!!!! jackpot ka jan?? ang na co-common sense ko, ikaw ang may JACKPOT. hahahah

    @ MIMI — misyu misyu mimi…labyu 2..kita kits next week

    @ JAYZANNE and LIZZ — hehe, nag iimagine lang kase ako…akala ko meron pero wala, wala, wala, WALAAAAAAA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *