ERAP Guilty daw sa BLUNDER CASE!

I was watching the news kanina and these ERAP supporters lined up in front of Sandigan Bayan were asked kung ano ba ang alam nila sa PLUNDER CASE ni ERAP

SUPPORTER #1:  Ano yun, yung pambababae nya yun, eh natural naman sa mga lalake yun

SUPPORTER #2:  Ah..ehh…*iling*…ehhh…ahhhh…*esep esep*…ahhhh..*esep-esep*

SUPPORTER #3: Hindi ko kase masyadong kabisado yung BLUNDER, BLUNDER CASE na yan eh!

 

Wahahaha. Hagalpak kaming dalawa ng kapatid ko sa kakatawa. Mukhang hinugot lang sa kung saan at pinagbabayaran lang yung mga yun para mag-protesta ah. Yan yata ang tinatawag na mga AVID FANS.

Eto seryos na nga , ang totoo, hinde ako maka-ERAP ha…pero nahati ang damdamin ko sa desisyon ng hukom. Naawa ako kase matanda na siya and parang hinde naman masaya na i-spend mo yung ilang sandali pa ng buhay mo sa kulungan diba? Eh kung ikaw kaya yun o kaya Tatay mo…ano kayang mararamdaman mo? At the same time, if he’s found to be guilty beyond measurable doubts, nararapat lang na magdusa sya no!!

Sabi nga ni Alfredo Lim,  THE LAW APPLIES TO ALL, OTHERWISE, TO NONE AT ALL.

Pantay pantay baga. Eh kung papalampasin lang yung ganyang mga kaso, I’m sooo sure, hinde mababawasan ang katiwalian sa Gobyerno. Lahat ng corrupt officials lalong magkaka-lakas loob na mangurakot. Yehey! * MAYOR ang tatay ko* Joke lang yan.

Madaming mali sa sistema ng Pilipinas pero gusto kong isipin na may pag-asa pa ang hustisya dito sa ‘tin kase meron pa kaming pending na kaso jan sa RTC at ayokong ganun ganun lang mawalan ng saysay yun pinaglalaban namin. Go moral damages!!  

Haay…mahirap talaga humanap ng HONEST na tao lalong lalo na ng HONEST na politician. Kahit nga ako niloloko ko lang kayo minsan eh, mas matindi, minsan niloloko ko din ang sarili ko. Wahahaha.

Kaya kayo bago kayo gumawa ng kalokohan, tatandaan nyo to:

“Everything is permissible”— but not everything is beneficial. “Everything is permissible”— but not everything is constructive. 1 Corinthians 10:23

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

17 Comments

  1. i felt pity to erap din. hindi dahil sa fan nya ako. dami na kasing nawalang oras o panahon sa kanya na dapat kasama nya pamilyas nya. take note plural ang pamilya…dami kasi. wahihi!

    well, ganun talaga ang buhay dito sa lupa. may mga batas na dapat sundin. pag nagkasala – may karampatang parusa. 😀

  2. hahaha magka-wavelength talaga tayo len! nasa draft ko yung report ni mark logan kagabi! tawa nga rin ako ng tawa! meron pa ngang nagsabi na tagahawak lang daw sya ng banner eh. ahahaha! tsaka ung nagsabi na pambabae daw, e lahat naman daw ng lalaki mahilig sa babae, kaya dapat patawarin na sya! HAHAHAHA! that only proves na hindi rin nila alam ang pinagra-rally nila.

    kung ako tatanungin… BLUNDER, hindi ba iyon yung pampa-blond na buhok?

  3. i agree. this time, Filipino people should learn not to question the credibility of our justice system. hindi sa lahat ng panahon mali ang hustisya. isipin natin kaibigan, hindi pera ng ibang tao ang nawala, tayo ang nawalan, tayo ang ninakawan. wag sana natin gawing Santo ang mapagpanggap. hindi lahat ng Santo sinasamba. gising kaibigan.

  4. as Reynz’ Robota said… Clap Clap Clap. Very brief and comedic post yet full of meaning. Ibang klase ka rin dumale kapatid.

    You know, tama ka dun sa sinabi mo eh… ang pinakabuod ng quotation mo sa huli ay “freedom has also its limitation”.

    pwede ka magprotesta pero di ka pwede manggulo sa bawat protesta. Pwede mo ikover sa media ang katotohanan, pero pag dating sa personal na buhay wala ka ng say dun.

    Yun ang nakakalimutan ng ibang tao. akala kasi natin pag freedom kahit ano pwede gawin. there are always consequences waiting in all acts that are not properly reflected upon.

  5. as Reynz’ Robota said… Clap Clap Clap. Very brief and comedic post yet full of meaning. Ibang klase ka rin dumale kapatid.

    You know, tama ka dun sa sinabi mo eh… ang pinakabuod ng quotation mo sa huli ay “freedom has also its limitation”.

    pwede ka magprotesta pero di ka pwede manggulo sa bawat protesta. Pwede mo ikover sa media ang katotohanan, pero pag dating sa personal na buhay wala ka ng say dun.

    Yun ang nakakalimutan ng ibang tao. akala kasi natin pag freedom kahit ano pwede gawin. there are always consequences waiting in all acts that are not properly reflected upon. mabuhay ka!

  6. miski ako tutol sa hatol kay erap hindi naman sa maka erap ako no, pero ang akin lang bakit si erap lang? hindi ba dapat marami sila?

    saka 60 years old na si erap tapos 40 years pa siyang makukulong? tapos ang gusto pa ni chavit death penalty e kung siya kaya patayin ko hehehe joke lang,

    naku sis kung mapapanood mo lang yung documentary na napanood ko about kay erap, hindi ka kay erap manghihinala tungkol sa pandarambong kundi kay chavit.

    sige yun lang muna

    xiao!

  7. @ MARU — wow! ang seryos ni marumar pero natatawa pa din ako sa banat mo..

    @ AIMZ — haha, report nga ni mark logan yun..ano ba yan..magkahawig na..magka wavelength pa…

    @ PINOY-AM — AMBISYOSO ka talaga! Hmm…VOTE! PINOY AM FOR PRESIDENT! Go!

    @ HANNAH — kelangan pa bang imemorize yan!? ganyan talaga ang gobyerno, lakad pagong no…

    @ BLOGOLOCO — oks lang yun APO…wag ka na mag co-comment ulet d2 na ng against sa entry ko ha…kundi, ookrayin kita dito araw araw. hehehe…hinde ko din kase kabisado yang BLUNDER BLUNDER na yan eh

  8. @ BLOGOLOCO — napa-google tuloy ako ng meaning nun. haha..

    @ BLUEPANJEET — yan ang gs2 ko sayo bluep..punong puno ka ng sense and yet, yung mga foint kong ganito kababaw, naaappreciate mo..hahaha, pero mas mashoray yun entry mo..nakakadarang. hahaah

  9. @ brath — ay naku sis para sa kin, yang si chavit at erap, pareho lang ng kulay ng dugo yan…

    @ LAARNI — BLUNDER IT IS! hahaha.

    @ REYNAELENA — o yan, tama, magliwaliw ka muna at ng mabawasan ang super init mong ulo reynaelena…ang wrinkles! ang wrinkles!

    @ TIM ANG — hinde lahat nabibigyan ng pardon..kaya kung ako sa kanya, tanggalin na yung pride at matuto na lang sa mga pagkakamali…piliting magbago – sa isip, sa salita at sa gawa. ang taong ma PRIDE, laging malungkot sa huli.

    @ MAMI KENG — wala nga sa vocabulary ng jutak ko yun pero infairness sila talaga, alam ang meaning..

    @ BLUEPANJEET — uyyy, gs2 nya ko kasama sa pagtulog…nyahahahahahahhahhah..LOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *