Weird People You’ll Meet in my Workplace

NOTE: This is not some kind of people bashing, ok. Not another MALU FERNANDEZ story. Only few people from work read this blog kaya I don’t really worry. Observation ko lang to and besides, blog ko to kaya walang pakialamanan. Hahaha!

Let me introduce to you some of the weird people you’ll see in my workplace. I’m sure, meron din nyan sa office nyo. Hala, sige, mag okrayan tayo tutal yan naman ang trend sa blogosphere ngayon di ba — influenced by MALU FERNANDEZ. Ang saya saya!

Eto na sila.
There is this ONE girl na mukhang imported (I’m guessing she’s half Russian – haha, how in the world did I find that out??) her looks are pretty fine, slender body, fair complexion and brown hair. She’s wearing eye glasses. She’s like a hippie-wannabe — with those beads and flowers adorning her hair/dress. Then one day, I don’ know what has she got in her mind that she decided to appear all blonde. As in ultimate SUN BLONDE! It’s the blondest of all blondes I’ve ever seen in my entire life. Parang gusto kong mag shades pag nakikita ko siya kase nasisilaw ako eh. My point is, hinde pala lahat ng tisay, bagay mag pa-blonde. I swear, she added 20 years to her supposed-to-be-young age. Tapos she would ponytail her blonde hair ng mataas na mataas, nasa right side, yah know, yung 80’s style. When I saw her kanina akala ko nagpakalbo kase magkakulay yun hair and anit nya. Pagnilagay mo sya sa crowd, she’ll definitely stand out.

I’m not used to wearing make up esp. when going to work. Kalabisan na sa kin ang lipstick once in a while. The next lady I am going to introduce to you is our very own BLUSH ON QUEEN! Minsan napapatanong ako, does she have any friends at all? Wala kase yatang nag i-inform sa kanya na makapal masyado yun blush on nya. Too much of anything will kill yah, dear. Sana aside from makapal na blush on, makapal na lipstick din tapos makapal na eye liner pati eye shadow para total makeover! Ang gara kase parang payaso pag puro blush on lang, di ba? At least kung todo makeup, mas magiging maganda tingnan. Mas may karapatan kang mag maganda.

Maiba naman tayo. GUY naman. There is this one guy sa office, he’s tall, skinhead,very smart (FYI: he scored a perfect 100 in CCNA exam), maingay, married or living in with a girl partner, mahilig mag mura, member ng elite support group, pero ang weakness, you wont believe it, telenovela yata and showbiz stuff. Hahaha. I heard him making kwento to my officemates some episodes of SANA MAULIT MULI (Kim and Gerald) and I was like laughing to death. Just the other day lang, nag tsi-tsimisan silang mga guys, as in showbiz talaga! I don’t know kung sadya yun pero it was really funny. The least thing I am expecting from him is to be a chikadoro like tito butch.

Here’s another one, I don’t wanna write something about her and her weirdness coz she might read this and I don’t want to put a chasm between us, pero I really would like to include her here. Hehe. Ang gara kase hinde yata sya aware na hinde pala maganda yung sobrang yabang and sobrang self-righteous. She consistently brags about her things and her looks/body and her riches. Sige na nga mahaba na ang hair mo! One time, hinde kami mag ka-usap ha, I was doing something ng bigla ba naman akong sinabihan na..”HINDE KA PROPORTION”! San ka naman lulugar nyan. Eto ang matindi….sya daw ang PROPORTION. Muntik na akong malaglag sa kinaka-upuan ko nun marinig ko yun. Ok lang na sabihan ako ng ganyan, pero men, make sure naman na matatauhan ako at hinde maaasar! At saka, bigyan mo naman ng KATARUNGAN yung mga sinasabi mo. You’re being unfair.

Meet naman the ultimate snob. Ako kase ayoko nababansagang SNOBBISH esp. sa office. As much as possible, I want a peaceful and harmonious relationship with my co-workers pero etong girl na to, parang may nakakabit na banner sa mukha nya saying I’M A SNOB AND I’M PROUD OF IT! Tuloy, 2 lang kaibigan nya sa opis. Kahit anong karinyo ko, ayaw bumigay. Fine!

Next naman, call him stalker, maniac or whatever. Officemate ko dati. I remember one time papasok ako nun sa office, mga 5:00AM siguro kaya medyo madilim, naka formal ako with matching high heels na red, ramdam ko na meron sumusunod sa likod ko and habang bumibilis yun lakad ko, bumibilis din sya. Ninerbiyos ako nun, ‘kala nyo. Ang hirap mag ta-takbo ng naka takong. Nung finally nag pang abot kami, I was expecting the worst to happen, naku, laking gulat ko kase 5’2 lang ako pero, haha, feeling ko, mas malaki ako dun sa humahabol sa kin nung moment na yun. Eh akala ko nga bata. Gusto ko syang paluin at pagalitan sa sobrang takot ko. Mega close ang drama nito eh di ko naman siya kilala. Eto ang siste ng guy na to, lahat yata ng babae sa opis eh sinulatan, dinigahan, pinilit i-date (di ba IT?) hinabol at ini-stalk ng medyo maniac na to.

Eto pang isang guy, malaki ang potential na maging stalker din to in the near future. Everyday (as in), he would send this email sa mga lalake naming officemates na may attachments ng mga magandang babae na na-stalk nya sa friendster and myspace. Pinag pi-piyestahan nila yung mga girls and may category pa…yung pang display, yun ina-asawa, yung hipon lang (katawan lang, tapon ulo) etc. Disgusting di ba. Everytime madadaan ako sa station nya, wala syang ginawa kundi mag browse at mag browse. Naisip ko lang, baka mamya isa ko sa mga na pag-piyestahan na. hahahaha. uy joke yun! napaisip ako bigla, ifever lang naman, ano kayang category ko? Malamang yun pang palengke – may pagka palengkera daw kase. What if ako naman kaya ang mag umpisa ng ganun email thread sa opis, tapos puro boylets?! Hahaha.

Meron naman isang guy, he would bring his PSP2 sa office so he could watch cartoons – as in cartoons ha.

Eto naman, I love this one, he sells firated DVDs in the office – straight from Quiapo. If you purchase 7/8/10 pcs, you’ll get 1 for free, di ba may promo pa! Plus, he brings his portable DVD player so you could check if it’s really DVD copy or sine copy only. Bongga no!? San ka pa!

Haayyy…the list could go on forever. Andaming WEIRDNESS sa office namin. I am part of it. Ako yun sales lady. Ang galing ko mambola/sales talk. Bili na kayo, suki! Bili na kayo! Polvoron, aiMz’s ALBUM, insurance, concert tickets, Avon, Boardwalk, Natasha, accessories/bling blings, RTW, tocino, embutido, ensaymada, siopao etc. Name it, kahit ano pa yan, kering keri kong ibenta yan sa opis! Hahaha

Madami pa sila. I’ll tell you more about them soon. Who knows, baka next time, isama ko kayo sa listahan.

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

12 Comments

  1. your highness, you’re talking to a doreen-wannabe here…hahahah. truth is, yung SUP ko dati when i was still starting, naku, nag DO-DOREEN-DOREENAN…hindi panatag ang loob ko whenever she’s around..buti resigned na

    @tim ang – tnx for droppin’ by

  2. hahaha! natawa naman ako dito! kilala ko ung dedma girl na dalawa lang ang kaibigan sa office, kilala ko rin ung DVD boy at syempre ung batang maliit na kala mo stalker! hehe…

    pero higit sa lahat, natawa ko dun sa HINDI KA PROPORTION girl! ang kapal ng mukha! iharap mo nga sakin yan ng magkasukatan! hahaha

  3. parang kilala ko lahat except dun sa babaeng nagsabi sayo na nde ka proportion. kung ako cguro sa lugar mami malamang masha-shock ako… nde na ako makakapagsalita pero may hint na ako kung sino yung matalas na dila yun… hmmm… dapat sinabi mong proportion kasi normal ka hehehehe..

    kilala ko yung skinhead hehehe… korek ka dyan

    eh yung makapal magmake up sa ibang team yun no? yung tawag ko nga dun miss piggy ng sesame street pero of course nde nya know yung nickname ko sa kanya hehehe

    nde ko rin know yung dalawa lang yung friends.. sinu yun?

  4. ay oo nga pala, dagdag ko lang dun sa maliit na bata hehehe, kasi nag-email sya sa isang ka-officemate natin at ang pinakamiss at tumatak sa isip nya ay si JAJA – ahahahaha

  5. iniisip ko kung ako nagsabi nun na nde ka proportion :D. ilang beses ko na binabasa ito at tawa ako ng tawa.. Gusto kong ishare sa mga ka midshift peeps. Tinatanong ko nga si reymond kung sino yung pasimuno ng thread ng mga girls pero tawa sya ng tawa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *