There is no place like ANAWANGIN

Unspoiled. Pure. Divine. Immaculate. Pristine.

Waaaaahhh! I wasn’t really expecting it to be that ‘beautiful’…it’s so different eh…not the usual Beach you see in Batangas. Imagine, the place has Pine Trees all over. It’s like Baguio + Bora = Anawangin. Ibang klase.

31.jpg

5:00AM – call time @ Victory Liner, Cubao. Ruty, Sally and I came at around 6AM. By 6:20, naglalakbay na kami. Si Jesreel, as usual, late. Nilalakbay namin and kahabaan ng NLEX habang hinahabol kami ni Jesreel. Hahaha! Comedy kaya. Hanggang San Fernando Pampanga, naghahabulan kami. Finally, nag give up ang driver ni Jesreel, who turned out to be Robbie pala – isa sa pasimuno ng trip na to si Robbie, di lang nakasama kase nasa hospital ang baby nya. Yan ang napapala ng 5 mins. late. Gumastos kaya sya ng pang-gasolina + 2 toll fee.

10.jpg

Probably mga 10-10:30AM dumating kami ng San Antonio, namalengke kami ng pang SIGANG at pang SOPAS namin. Tumikim din kami ng halo halo, wahahah, yung leche flan, lasang EGG PIE. Then nag tricycle kami papunta Pundaquit and then boat ride to Anawangin! Yehey!

1_715217982l.jpg

Excited mag boat ride.

1_322934575l.jpg

Naku naalala ko yung unang trip ko papunta sa Gamay, N.S.. Sumakay din kami ng motor boat na medyo mas malaki dito…nakakatakot. Pacific Ocean kaya yung tinatawid namin. Parang puro dagat lang, wala kang island na makikita nearby. Nakakatakot yung waves kase ang lalakas, super halukay ube kaya. Mga 4 hours kaming nasa motor boat nun tapos basang basa talaga kami lahat. Sobrang kaba and takot ko nun, pagdaong namin, you wont believe it, lahat ng daliri ko sa kamay, DINUGO! Walang paglagyan yung takot ko, nag manifest sa kuko.

dsc00972.jpg

Kaya medyo kinabahan ako ng konti kase it’s all coming back to me. Tapos ang liit liit pa nun banca. More or less 30 mins siguro yung boat ride namin. Pero sulit kase grabeh ang ganda ng mga view. Pagdating sa Anawangin, siyempre, ang mga L2SMOC bebes, contodo picture taking. O di ba pang calendar girl.

1_477199367l.jpg

Habang ang mga boys naman, abala sa pag pi-pitch ng mga tents namin. Harharhar.

1_657263673l.jpg

Nakakapagod pala mag pose ng mag pose.

1_563611266l.jpg

At madaming madami pang pictures! Eto ang CAMP SITE.

55.jpg

Wala kaseng resort talaga dito, parang private beach talaga siya, so you have to bring your own tents. No signal and no electricity. By afternoon, nag swimming na kami ng nag swimming…nun gabi na, konting kwentuhan, charades and Pinoy Henyo. Kinaumagahan, 5:30AM, picture trip ulet. Ansarap gumising pag ganito kaganda ang paligid mo.

1_683995799l.jpg

dsc01012.jpg

Sawang sawa ako sa picture, 8 out of 12 kaya ang may dala ng camera.

dsc01066.jpg

Yan kaming mga Anawangers. Uy, text lang ng text ha! By 9AM, nag p-prepare na kami para sa aming island hopping. Una namin tinungo ang Capones Island

dsc01074.jpg

tapos Snake Island

dsc01068.jpg

We missed the LIGHT HOUSE kase masyado daw maalon papunta dun. Sayang. Waaaaaaaah. More pictures. More!

dsc01076.jpg

Haaay. Kakamiss ang mga ganitong getaway! We had lunch kina Manang na sobrang bait. Nakiligo kami sa dug well nila. Nakakaaliw yung bonding ng L2SMOC kase alam mo na yung friendship na binalahura na ng panahon. 4 years na kami nag fe-feeling na mga NATURE ENTHUSIASTs. Hindi na nga kami mag kaka-trabaho and yet…we still find time to spend together! FOREVER na yata to! Aalis na kami nito sa Pundaquit.

dsc01094.jpg

By 6PM, nagpunta kami sa SAM’s Pizza sa Olongapo para kumain ng pizza, siyempre. Dito daw unang nag-gig si Lea Salonga. Masarap yun pizza, parang LOTS’A PIZZA din. Pero, in fairness, malinis ang CR. Umalis kami ng 8:30PM dun.

dsc01120.jpg

Nilisan namin ang Olongapo ng 9PM, nakarating ako sa bahay ng 12:00AM. All in all, sulit yung trip. Sobrang enjoy. Truth is, gusto ko sanang mag extend pa ng isang araw kase kulang yung 2 days and 1 night. Sobra sobra yung baon kong 1500P. Waaahh…SULIT TIPID TRIP. I highly recommend this place to everyone who wants a different kind of gimik. You’ll feel close to the nature, closer to your friends and closest to God.

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

12 Comments

  1. PUCHAAAAA!! IRITANG IRITA AKOOOOO!!!! GRRRRRRRRRRRRRRR!!!!
    IBALIK NYO KO SA PILIPINASSSSSS!!!

    The first picture – when i opened ur site akala ko nga parang nasa States! I love all ur pics specially yong mga voluptous ladies dun sa bato ba yan? Yon ang pose na tinatawag!!!

    SHEEETTT! ETO ANG NAMI MISS KO SA PINASSSS!!!!

    *hikbi*
    *hikbi*

  2. kung nde lang ako masyadong busy super important things at financial concerns (housing loan+rd+tax+incentives – nde ko sure ‘tong huli) siguro nakasama na ako…

    nice tong place no ito

    the best part is nagcamp pa near the beach at kasama pa yung makukulit na ex-L2S lalo ng si cuntapayatot – hoy kung nagbabasa ka nito kumusta ka na!

    Saka si sir boyet – I am GOD! bwahahaha

    tapos si jessebel ah jesreel pala… bwahahahahaha!

    Geez…

    At least huling hirit ng summer itetch!

  3. Very well said ang kwento mo malen! Panalo! babalik tayo dito! At sana makasama yung mga hindi pa nakakapunta. Tama yung decision ko na sumama… thanks to my ever supportive and understanding husband. Next time sana makasama na si jp.

    Buti ka pa naka-post kana. Ako wala pa. Super busy ako nitong weekend kahit RD ko. Sana matapos ko na upload/blog this week.

    Panalo yung picture natin sa Capones Island, yung nasa harap si Sir boyet. Nakita ko yung sarili ko sa background. Okay na sana kaso ang laki ng ASS-set eh! Syet.

    Miss you miss you!

  4. konti lng pix ko kc ako ung kumukuha 🙁 anyways sarap bumalik s Beach n puro pine tress… Tama Malen, Baguio+Bora=Anawangin 🙂

  5. malen, ang ganda ng anawangin! first time kong marinig at makita sa pics… thanks for sharing.

    matanong.. may shops ba sa malapit kung san maka rent ng camping gear, equipment at supplies?

  6. THANKS FOR SHARING YOUR ANAWANGIN PICS …BEEN TO PUNDAQUIT SEVERAL TIMES HAVE’NT HAD THE CHANCE TO BE THERE IS THERE ANY OTHER ALTERNATE ROUTE EXCEPT RIDING A BANCA TO BE THERE?IF THERE IS ONE ,WILL IT ONLY TAKE 30 MINUTES TOO TO BE ABLE TO GET THERE?? THANKS A LOT ILL BE WAITING FOR YOUR REPLY…..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *