Avoid Riding TAXI Alone

I always get this feeling that riding taxi alone is like (partly) committing suicide. It’s scary. Really. It’s traumatic. Feeling ko, aside sa mga Government Officials, ang mga TAXI drivers ay isa sa mga CORRUPT people dito sa Pinas. Of course, not everyone of them, but with my experiences, I always get the wrong one. Let me share my UNFORGETTABLE TRAUMATIC TAXI RIDES EVER. Here they are:

YOSI-KADIRII-KA-MANONG: Last week lang, while going to office, ang kapal ng mukha ng driver na magsigarilyo sa LOOB ng taxi ha!

“Ok lang ba, magsigarilyo muna ko..”

Haller! HINDE KAYA kahit kelan magiging OKAY yun MANONG!!!!

 

ENGE-DAGDAG-DRIVER: Cubao to Libis is usually 65-80P ride only. Malapit lang, walang traffic esp. pag gabi na at higit sa lahat, very commercial at madaming pasahero. Kunyari bait-baitan si Manong driver pero pag naka-upo ka na at umaandar na yung sasakyan, bigla kang babanatan ng:

“Ma’am, padagdag na lang ha”

” Ay naku Manong, metro lang tayo, ang lapit lapit ko lang, wala naman traffic, pakitabi na lang, bababa na lang ako…”

 

DAAN-TAYO-SA-SHORTCUT-DRIVER: Ilang beses na ko naka encounter ng ganito, yung iiwas daw sa traffic (hindi naman traffic) tapos idadaan ka sa mas traffic na puro liko ang gagawin, so end of story is mas malaki ang bill.

One time, papunta kami ni Ate sa Cubao (from Valenzuela,madami kase kaming dala so kelangan namin mag taxi talaga), instead of the usual McArthur-Edsa drive (na hinde traffic nun time na yun), gusto ba namang idaan kami sa Malinta-Malabon-Monumento-C5-E.Rodriguez-Cubao kase meron daw RALLY sa Monumento.

Ikutin daw ba ang CAMANAVA? Siyempre di ako pumayag, may pagbabanta pa ang driver…“SWERTE NYO PAG DI TRAFFIC”…well, wala ngang traffic (except sa Cubao part na lage namang ganun), pero wala pong naganap na RALLY sa Monumento. Manloloko mo ko manong! Pagbaba ko kaya sinabi ko, *sarcastic mode* “SWERTE NO, MANONG?”

LAKAS-NG-ARRIVE-MO-MANONG: Last week lang din, nakakainis yung ikaw yung tatanungin nun driver kung saan yun daan, although alam nya naman, I bet kase pagsinabi mo na “kayo na po bahala” or “dun po tayo sa walang traffic” eh idadaan ka sa mas malayo at traffic.

“Derecho lang po, then kanan tapos U-TURN papuntang Boni Serrano, derecho na po yun..”

Sabi ni manong “TAMA”

Sinusubukan mo ba ang talino ko, Manong!?

“Magkano binabayad mo dun?”

METRO lang po

“Hindi nga magkano nga?”

Haller.HINDE NGA PO AKO METRO pero sige, 70P.

“Hinde yata, palagay ko mga 80 or mas mataas pa..”

NO COMMENT AKO

Pagbaba ko, thank you Lord, sakto 70 nga. Hmph! 70 lang talaga ang binayaran ko, dapat 75 kaso PRESKO ka masyado Manong. Sayang.

 

BADTRIP-NA-DRIVER: I swear, this is one of the scariest. Nasa front seat kase ako kaya kitang kita ko na mukhang nakipag-bugbugan muna tong si Manong. Puro pasa, may mga bahid nga gudo sa kamay, daliri at noo, madumi yung pants…Badtrip yata, natalo siguro kaya ang inet ng ulo mag drive.

 

BAKLUSH-KA-BA-MANONG: One time, sakay kami ng taxi from Cubao Ali Mall papuntang Gateway…naku sobrang lapit lang nun ha kaso mainit and may kasama kaming 9 mos. preggy kaya nagtaxi kami, si manong kaskasero mag drive, yung mga tumatawid sa SM, halos sagasaan…pinapaliko na namin kase nga sa Gateway kami, hindi daw dun ang way nya..derecho daw siya…binaba kami sa tapat ng McDo Cubao tapos lakarin na lang daw namin, sosyal ka Manong ha! Sumasagot sagot pa….kami kaya ang pasahero….Sa sobrang asar ni Tere, binayaran nya ng 20P…naku grabe, nagwala si manong, sobrang takot namin pasok kami ng McDo..hinabol kami nag sisisigaw sa labas, galit na galit…naku sukat ba namang naghurumintado sa Cubao…naman, kase ang bastos mo manong, GATEWAY nga kami bababa eh baket di mo kami dun ibaba…badingky ka ba, pumapatol ka sa mga babae?

 

SINUNGALING-KA-MANONG: Eto yung pagbaba mo ng taxi, babaliktarin ka…hindi daw yun ang pinag-usapan nyo…haller, manong..may witness kaya ako. Apat kaya kaming pasahero mo!! It happened last May, galing me sa province eh madaling araw yun mga 5AM kami dumating ng Cubao, alam nyo naman pag nauwi ng province, dami laging dalang pasalubong plus may dala pa kaming bigas plus yung mga bags pa namin so kelangan namin mag taxi. Kumontrata kami ng TAXI, 450 daw kase babayaran nya pa yung TOLLGATE..sabi ko naman wag na dun sa Malinta Exit, pwedeng sa McArthur tutal madaling araw naman…hindi nya daw alam ang way dun..haller Manong, impossible kase ikaw na mismo nagsabi na ginagawa ang TULLAHAN BRIDGE…eh paano mo nalaman yun kung hindi ka nadaan dun?? SINUNGALING! Tsaka sobrang laspag na nung taxi mo manong, imposibleng hindi mo pa nalibot ang Metro Manila. Galing lang ako ng probinsya pero dito ako lumaki sa Maynila. At eto ang matindi, pagdating sa TOLLGATE, ako pa pinagbayad…Manong, ang usapan natin 450 at ikaw magbabayad ng TOLL FEE. Ang mahal kaya ng TOLL FEE.

 

EPAL-KA-MANONG: Naku, may mga talagang wala sa hulog na mga driver eh….may nasakyan kami sukat ba namang sabihan kami na ang lulusog nyo ah…bad bad bad trip.

 

These and many more are actually MINOR problems coz I know someone na hinoldap mismo nung taxi driver, tinutukan pa ng baril. Hindi ko nilalahat pero sa para sa ‘kin, mas madami yatang LOKO LOKONG TAXI DRIVER. So, if you’re alone, please avoid taking taxi if you can. There’s always a choice, mas safe pa din ang sumakay ng jeep/bus. Pag NO CHOICE na, piliin nyo yung may mga NAME or yung medyo ok na sasakyan or yung mukhang mabait na driver plus trust your instincts and pray a lot.

I am not demanding perfection, pero sana kahit konting professionalism lang. Konting respeto at yung fair and just lang na pricing, I’m sure Manong…all your kindness will be rewarded. What goes around, comes around…so if you are nice to your passengers, I’m pretty sure, mas malaki ang chance na mag kaka-tip kayo.

ALAMIN ANG INYONG KAPALARAN. LIBRENG HULA:

Delivered by Madam Auring

You may also like

9 Comments

  1. hahahaha! nakakatawa pero totoo ngang maraming taxi driver na ganyan. napanood ko sa balita recently lang ung batang korean passenger na nagsumbong sa police dahil hinoldap sya nung taxi driver na nasakyan nya. kainis!

    the best yung binayad nyong 20 pesos sa driver sabay pasok sa Mcdo! ahahaha! tama lang yun sa kanya. marunong pa sa pasahero eh.

  2. buti nga binayaran pa ni Tere. bawal kasing ibaba ka sa di dapat kalagyan…

    Dagdag mo pa to, remember nung nagtaxi tayo tapos bumaba si Ella sa Gateway, at tayo dun sa dulo pa, nagcomment ba naman si Manong ng, “Ginawang parang jeep ah…”

    Sabi ba naman….hehehe

    No comment lang tayo di ba? hmmm

  3. grabe…kakatawa post mo…pwede mong ibenta kwento mo sa mags or newspaper…dito naman parang every 5 meters eh 0.25 cents patak….from 1st st to 17th st $5 eh alang traffic yun…

  4. IBANG KLASE ITO MGA PRE MAY BAGONG BATAS ANG MGA TAXI DRIVER NA GINAWA…. pag sasakay ka at may dadaanan kalang saglit na bata sa ibang bahay pag bumaba ka ng taxi dapat dagdag 30 pesos na! hahahah …. ibang klase.

    For example: sumakay kami sa SM megamall yung pila ng taxi sa gitna. tapos sabi ng sister ko sa tandang sora pero dadaan tayo ng sicatuna para kunin lang yung anak nya , ang sabi nya pag bumaba at may dadaanan additional na 30 pesos …. hahahaha sabi ko sobra ka naman di nga tatagal ng 30 seconds yung daanan lang yung bata sa bahay kapag bumaba yung nanay sa taxi.

    Ginawa ko pinahuli ko sa Police ayun pinagalitan at nag kasundo kami sa harap ng police na ang babayaran lang ay yung nasa metro.

  5. siguro ganito nalang, kung kailangang kailangan talagang sumakay ng taxi, always make it a point na kunin ang plate number ng taxi, if possible pati pangalan ng driver kung makikita naman at kapag mejo alanganin ang asta ng driver, itext sa pamilya o kaibigan na nakasakay kayo sa ganitong taxi at ganito ganito.

    at salamat kay iRonnie for this link – http://www.ltfrb.gov.ph/complain.aspx

  6. I rode this E&E taxi PWS879. Okey sa una si manong nagpahatid ako from office ( makati ) then nagpadaan sa hospital malapit sa circle. To pick up my mom and dad since galing hospital si mom, bigla nanghingi ng P50 na dagdag si manong. I told him na on the way naman since sa visayas avenue lang ako uuwi…but he insisted.He even shouted at my mom and dad, then me and my brother nagalit sa kanya kase mom and dad just came from a hospital he should act in a nice way. We took note of this PWS789 E&E taxi driver tapos sa galit namin binagsakan namin ng pinto, tapos binuksan nya habang nagawawala na ” GALIT KAYO?!” tapos nangtuturo pa at nakatitig ng masama sa aming lahat. Please take corrective actions for taxi driver like this. And if someone can report this incident to LTFRB, better. Hindi na nahiya sa babae.

  7. BEWARE OF TAXI TWA 155

    Overrated taxi fare. Normally pag nagpapahatid kame from office ( near eastwood ) to rosario is P60 – P65 lang binabayaran araw-araw. Pero sa kanya inabot ng P75. Ask namin kung mali ang metro bigla syang sumagot nang pabastos na ” Trycycle ba sinasakyan mo?!” And then natakot kameng lahat sa sama na titig.Imagine there are 3 girls of us natakot talaga sa bastos na driver na to. Sa takot ay nagbayad na lang kame at lumabas.
    Operator phone number is:4430414.
    We forgot to get the taxi’s name.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *